CHAPTER 32

7.1K 232 7
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa panahong nasa loob ng OR si Zach, nanginginig ako at para akong hihimatayin dahil may iilang mga staff at doctor ang tumakbo sa loob.

Napahikbi ako dahil narinig ko sa mga iilang nurses na may pasyente raw na nabaril at marami ang nawalang dugo sa katawan niya.

And I think Zach is what they are referring to...paglabas ni Helcurt ay agad akong napakilos at halos hindi ako makatayo ng maayos dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

"H-How is he? O-Okay na ba siya? Pwede ko na ba siyang makita?"
Napatitig lamang siya sa'kin at nakita ko pa kung paano gumalaw ang panga niya.

Hindi agad siya nakapagsalita at parang hindi ko kakayanin ang sasabihin niya kapag nagsalita na siya.

"For now, critical parin ang kalagayan niya dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya. But don't lost hope Ms Coke makunat 'yang si Zach. He'll be fine just take a rest bawal kang mastress dahil makakaapekto 'yon sa baby niyo"

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig  dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Critical parin ang kalagayan niya? Ayoko na nito, ayokong isipin na may tendency na mawala siya sa'kin.

Kahit pa alam kong pinapatatag niya ang loob ko pero hindi ko maiwasang mag-alala at matakot.

"Puwede ko na ba siyang makita?"

"Not now, nasa OR pa siya. We have to transfer a blood on him and after that puwede na siyang ilipat sa private room. Come with me, you have to take a rest and don't worry"

Binuksan niya ang isang room na walang pasyente at dito na raw muna ako magpahinga, kasama ko din ang dalawang kaibigan nila na sina Cruise at Welius. Pumayag nadin ako dahil hindi pa siya nailabas sa OR at pagod rin ako ng sobra. Oakiramdam ko binugbog ako ng sampung beses.

Umalis din agad si Curt at tumawag din ang isa pa nilang kaibigan na si Lucian na okay na daw sila mommy. Pati ang bata, nasa safe na lugar na daw sila but hindi ko parin alam kung napano na si Agatha.

Sakay siya kanina sa isa pang kotse at alam kong dito rin siya dinala. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa.

Nakatulala lang ako sa gilid at nakaupo sa sofa dahil hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari kanina. Mga putukan at mga dugo at paulit-ulit paring bumabalik sa isip ko ang lahat.

At kahit hanggang ngayon nandito parin ang takot at kabang nararamdaman ko. Kung takot ang lumukob sa'kin nang mga panahong dinukot kami ng masasamang tao ni mommy, mas doble ang takot na nararamdaman ko ngayon para kay Zach.

"Ms Cocacola puwede kang humiga doon sa kama"
Welius said pero umiling lamang ako. Kanina pa kasi kami naghihintay pero wala paring balita kung okay naba siya o ano.

"Do you want something to eat? Baka nagugutom ka na?"
Cruise asked me pero umiling ako sa kaniya. Para ngang wala na akong may nararamdaman pang gutom maliban nalang sa takot at kaba na nasa dibdib ko.

Maya-maya ay nagring yung phone niya.

"Yes Lu? We're here at 1407 room, why? Kkay papunta na"
Agad niyang pinatay ang tawag at tumingin sa'kin.

"Nasa office ni Curt sina Lu at Colt, doon nalang din tayo mag-abang let's go Ms Coke" tumalima naman ako at agad na tumayo.

Ramdam ko parin ang panghihina ng mga tuhod ko habang naglalakad kami at pumasok ng elevator. Pagdating namin sa office ni Curt nandun na nga sina Lu at Colt.

"Are you fine?"
Napakurap ako ng tanungin ako ni Lucian. I thought he's the type of person who will ignore you. Kasi 'yon ang nakikita ko sa bawat mukha at mga kilos nilang magkakaibigan.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon