"Grabe ka naman. Baka naman mahal ka talaga nung tao, Frida ." Si Joey na di mapigilang ipagtanggol din si Wilson. Nasisiguro nya ngayong nalulungkot rin ito sa nangyari.

"Mahal? May ganun bang pagmamahal? E hinayaan nya nga lang ang kanyang ama na lokohin si Frida. Hindi iyon pagmamahal." Si Cecile na hindi parin mapigilang maghimutok sa ginawa ni Wilson.

Nilagok muli ni Cecile nang sunod sunod ang alak sa kanyang bote. Marami rami narin ang kanilang nauubos nang oras na iyon.

"Ising! Magdala ka pa nga dito ng alak!" Utos ni Frida sa kanilang katulong nang mapansing paubos na ang laman ng bote ng vodka na kanilang iniinom.

"Opo ate, bibili lang po ako saglit!" Sigaw naman ng kanilang katulong.

"Friend, I guess its time na para aminin ko ang tungkol kay Wilson. I know wala ako sa lugar para sabihin ko ito. But I feel like dapat mo parin itong malaman." Umiwas ng tingin si Joey sa kaibigan.

"Joey, pati ikaw ba ?" Gulat na tanong ni Frida sa kaibigan. Di pa nga humuhupa ang pamumugto ng kanyang mga mata ay heto nanaman at may malalaman syang isang sekreto mula sa kaibigan.

"May alam ka ba, Joey na hindi namin nalalaman?" Panguusig naman ni Cecile.

"Look, I met Wilson 7 years ago. Where he bought all my paintings just to have invited me for a dinner.Ilang beses nya akong kinukulit noon na sabihin ko ang tungkol sa iyo. Nakita nya kasi ang larawan mo sa Heliotrope painting. I thought he was just one of the rich psycho stalker na walang magawa sa buhay so I refused to tell him your whereabouts."

"And?" Curious na tanong ni Cecile

"And just last month on my exhibit nagulat nalang ako nang makita ko sya ulit at makilala. I was so d*mn curious na malaman kung ano ang connection nya sayo. At the end naging close kami ni Wilson."

"So yung mga inaakala kong meet ups ninyo ay hindi talaga dates?" Naguguluhang tanong ni Frida.

"Yes.Mostly tungkol sayo ang napaguusapan namin. Madalas dumadaing sya sa akin at umiiyak din kung minsan. Frida, I have never seen a man like Wilson na kayang mag sacrifice at maghintay ng ganun katagal para lang sa babaeng minamahal. He waited for so long yet you're pushing him away. To be honest, I feel envy. Kung di lang kita kaibigan, aagawin ko talaga sya sayo."

"OMG... Totoo ba yan?" Di makapaniwala si Cecile sa kinukwento nang kaibigan.

"Yes." Malumanay na sagot ni Joey. Saka muling bumaling kay Frida."Friend, Im not blaming you ha. Pero hindi kaya, di mo lang talaga binigyan sya ng chance para kilalanin sya? Baka naman masyado lang na fixed ang atensyon mo kay Monsur kaya di mo nakikita na may totoong lalakeng nagmamahal pala sayo? Bakit di mo subukang lumingon...baka sakaling makita mo ring nariyan din pala si Wilson. Subukan mo kaya sya bigyan ng chance para magpaliwanag. " Dagdag pa ni Joey.

"Tama si Joey. Frida, hindi pwedeng hanggang doon lang iyon. Why dont you talk to him? Hear him out. Hindi pwedeng habang buhay mo nalang iisipin ang mga what ifs na katanungan sa isip mo. " Suhestyon din ni Cecile.

Hindi umimik si Frida. Nanatili lang syang nakikinig sa mga sermon at payo ng kanyang mga kaibigan. Di sya nagreklamo nang sisihin din sya ng mga iyon sa mga maling desisyon nya sa buhay. Tama naman kasi sila. Masyadong nabulag si Frida sa pagmamahal kay Monsur.

Nagpakalunod ang magkakaibigan sa alak nang araw na iyon. Idinaan nalang rin nila sa videoke bonding ang kaniyang problema. Sumigaw nagtawanan at nagiyakan habang inaawit ang mga makapagbagbagdamdaming awitin ng pagibig.

"Haaay si Ate, mukhang broken hearted nanaman." Puna ng kapatid ni Frida pagkarating ng bahay kasama ang mga magulang galing bakeshop.

"Hayaan na natin sya muna ngayon. Sina Joey at Cecile na ang bahala sa kanya. Makakapag isip isip rin yan." Saad ni Amy

Frida ( COMPLETE )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora