CHAPTER 24

133 4 0
                                    

"So, spill the tea." Ani Joey kay Frida.

Naroon sila sa bahay ng parents ni Frida sa Antipolo.

Every Christmas ay naroon sya upang mag celebrate ng pasko kasama ng kanyang pamilya. Ito lang ang pagkakataong nabubuo silang maganak kasama ang ibang relatives at mga pamangkin ni Frida para mamasko.

Sa veranda sa 2nd floor ng bahay sila naka pwesto na paboritong tambayan nila noon pa man. Tanaw nila sa mula roon ang mga batang namamasko at mga naglalaro sa labas ng bahay.

"Huh?" Takang tanong ni Frida.

"Hey may hindi ba ako alam sa nangyayari?" Ani Cecile matapos tunggain ang bote ng vodka mix.

"Well, may isa lang naman kasi ditong nagkaroon na ng lovelife pero hindi man lang tayo na informed." Nakangusong saad ni Joey

"What?! Aba friend, that's so unfair naman." Reklamo ni Cecile saka inusog ang kanyang upuan to satisfy her curiosity.

"Naku, kahit di ko kayo ma informed, sa lawak ng sources nyong dalawa ay tiyak kong malalaman at malalaman nyo rin." Ani Frida

"Eh, sino, sino na?" Parang batang excited na tanong ni Cecile.

"Wow ha, di mo talaga alam? Ang hina mo namang nilalang." Imbyernang saad ni Joey sa kaibigan. Ang pagkaka alam kasi nila ay close si Cecile sa boss nitong si Sir Hanz pero ito pa ata ang walang kaalam alam sa mga ganap ngayon sa buhay ng kaibigan.

"OMG, si Sir Hanz?!" Cecile assumed na iyon na nga ang tinutukoy ng mga kaibigan.

"Mismo!" Sagot ni Joey na hindi na hinintay ang sagot ni Frida.

"OMG!!! Im so happy for you" Masayang saad ni Cecile sabay yakap sa kaibigan.

"Relaks ka lang Cile, wag kang masyadong excited dyan. Di mo pa naririnig ang big news."

"Big News?" Takang tanong din ni Frida sa kaibigan. Nakakaloka talaga itong si Joey ang daming alam na chismis kahit saan. Isa talaga itong certified Maritess ng taon.

"Yup, ano nga ba ang big news Frida? May unexpected person ba ang dumating muli sa buhay mo?" Makahulugang tanong ni Joey.

Napalunok ng laway si Frida. Si Josh pala ang tinitukoy nitong Big News. Di sya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan kapag nalaman ang tungkol roon.

Tinungga muna ni Frida ang bote ng alak bago sagutin ang tanong ng kaibigan.

"Si Josh...dumating sya sa bahay kasama ni Nicole."

"OhEmGieee" Napatayo sa kanyang upuan si Joey.

Di nya ine expect na ganun ka BIG ang big news na iyon dahil walang nabanggit si Wilson sa kanya. Tinanong lang sya ni Wilson kagabi and di nya akalaing doon mismo sa bahay ni Wilson iyon nanunuluyan ngayon kasama ni Nicole.

Mabilis na lumapit si Joey sa kaibigan saka naupo sa tabi ni Frida na parang batang excited mabigyan ng kendi. Habang si Cecile naman ay inusog ang kanyang upuan para maitabi lalo iyon kay Frida.

"Akala ko kagabi ay hihimatayin na ako sa sobrang nerbyos. I swear di ko alam na hanggang ngayon ay sila parin ni Nicole at lalong lalo na, di ko alam magkasama silang uuwi dito sa Pilipinas" Napasapo si Frida sa kanyang ulo. Hanggang ngayon ay di sya makapaniwala sa mga nangyayari.

"P-pero friend... You mean to say, magkasama kayo sa iisang bahay at walang kaalam alam si Nicole nang tungkol sa inyo ni Josh?" Curious na tanong ni Joey. Mahihimigan ang pagaalala sa tono ng boses ni Joey.

Walang sinabi kagabi si Wilson tungkol doon. Di naman nagkwento iyon at mabilis na nawala nang bilinan nya iyon tungkol sa binata. Napakagat labi si Joey.

Frida ( COMPLETE )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant