CHAPTER 23

130 4 0
                                    

Mabilis na pinaharurot ni Wilson ang kanyang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Nasusuka syang makita si Hanz at si Frida na naroon sa kanyang bahay. Ang akala pa naman nya ay magiging masaya ang kanilang Christmas gathering. Ngunit ang dalawang taong lumipas na nawala sila ni Nicole ang magpapabago lang pala ng lahat. Pati na ng puso ni Frida.

Masyado syang naging kampante. Masyado syang naging duwag. At paano nya na magagawa pang maiparamdam kay Frida na mahal nya ito gayong may nagmamay ari na nang puso nito ngayon?

"Waaaaaaaaah!" Malakas na sigaw ni Wilson sa loob nang kanyang sasakyan. Ang kanyang 7taong paghihintay ay nabalewala lang... Nasayang lang. At sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ngayon. Tila isang punyal ang matagal nang nakasaksak sa puso nya na hanggang ngayon ay naroon parin.

Inabot ni Wilson ang kanyang cellphone at saka nag dial ng number.

"I want to meet you." Aniya sa kausap. "Nasaan ka?"

"Narito ako sa bahay ng parents ko sa Antipolo. Why?" Tanong ng babaeng kausap.

"Give me the address pupunta ako dyan." Utos ni Wilson.

"Is there's something wrong? " Nagaalalang tanong ng babaeng kausap ni Wilson.

"I want to see you...para na akong sasabog."

"O-okay.." Alanganing sagot ng babae. Sigurado itong may malaking problema si Wilson.

Huminto si Wilson sa tapat ng pulang gate saka pinayagan ng guard na papasukin ang kanyang sasakyan sa loob niyon.

Pagkababa nya ng sasakyan ay sinalubong sya ng isang magandang babae na nakasuot nang salamin.

"Im sorry, Joey kung naistorbo ko ata ang party nyo." Ani Wilson nang makita ang maraming tao sa loob nang bahay ni Joey na nagsi celebrate ng Christmas party.

"It's okay. Halika, ipapakilala kita sa family ko." Ani Joey saka hinila si Wilson sa braso nito.

"Wag na...nakakahiya naman. Nag gate crash pa ako sa party nyo."

"Its okay, ano ka ba. It's christmas and everyone is invited to come. Halika.."

Nauna si Joey habang hawak ang braso ni Wilson papasok sa loob ng malaking bahay bitbit ang isang box ng cake.

Isa isang ipinakilala ni Joey ang mga kapatid, magulang, pinsan, mga tiyuhin at tiyahin nya na naroon. Kasama rin doon ang ilang bisita at nobya ng mga pinsan at kapatid ni Joey. More of a family dinner iyon kaya nakaramdam ng hiya si Wilson sa biglaang pagdating nya doon.

"Come on ijo, let's join our dinner." Yaya ni ginang Lisbon.

"Ahm..t-thank you po." Napipilitang saad ni Wilson. Naupo sya sa tabi ni Joey habang sa kabila naman ay ang sister ni Joey na si Junie o mas kilala sa ngalan na Jun. "Hi," alanganing bati pa ni Wilson

"Boyfriend ka ba ng ate ko?" Walang kagatol gatol na usisa ni Jun

"Junie! Ano ba yang tinatanong mo. We're just friends."

"Hmp, lahat naman nagsisimula sa friends, Kunwari pa kayo." Nakangusong saad ni Jun habang nilalantakan ang vegetable salad.

"Haay, kung alam mo lang kung bakit narito itong si Wilson, siguradong di kayo maniniwala.." Ani Joey na may makahulugang tingin sa bisita.

"Oh sya, kumain ka na muna Wilson. Wag mong intindihin yang kakulitan ni Jun ganyan lang talaga katabil ang bibig nyang batang yan." Ani Mrs Lisbon, ang ina ni Joey na isa ding Artist. Mahahalata iyon sa pananamit ng ginang at burloloy sa katawan nito.

Frida ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon