CHAPTER 6

229 6 0
                                    

"Ahh...wait, Frida sandali...Im not Monsur..." Dahandahang tinutulak ni Josh si Frida palayo sa kanya.

Ang mga mata ni Frida ay tila litong lito. Nagtatanong? Bakit ba sya pinipigilan ni Monsur na h*likan nya ito?

"Frida, lasing ka na...it's me, Josh." Pagpapakilala muli ni Josh kay Frida na tila iba na ang tingin sa kanya.

"Ah....I-im sorry.." Mabilis na lumayo si Frida saka inayos ang kanyang sarili.

Napa sapo si Frida sa kanyang ulo. Nakakaramdam sya ng matinding pananakit at pagkahilo. Dala marahil ng alak na kanyang nainom.

Hindi sya makapaniwala na napagkamalan nya ang binatang ito bilang si Monsur?!

Isiniksik ni Frida ang kanyang mukha sa dalawa nyang palad. Hiyang hiya sya sa ginawa nya sa binata.

"Ah..I dont mean to-"

"Its okay." He assured her.

Totoo naman kasi iyon. Wala kay Josh ang mga simpleng bagay na iyon. He lives in States for so long at kahit nga mga female friends nya ay hinah*likan sya sa labi. Kaya para kay Josh, hindi iyon seryosong bagay.

"No, its not..." Sunod sunod na iling ni Frida. Hindi sya makapaniwala na sya, 35yrs old na may asawa't anak ay nagawang h*likan ang binatang ito na sa tingin nya ay 27 yrs old lang!

Naginit ang mga pisngi ni Frida. Sh*t! Sa edad nyang ito, nagawa parin nyang mag blush sa harap ng binata?!

Nagmadali syang tumayo saka mabilis na umalis sa lugar na iyon. Ilang beses syang tinawag ni Josh ngunit hindi nya na iyon nilingon.

Pagdating sa kanyang kwarto ay nakailang ulit na inuntog ni Frida ang kanyang ulo sa likod ng pinto. Abot langit ang kanyang pagkahiya sa binata.

"G*ga! Ang g*ga- g*ga mo talaga!" Inis na saad ni Frida sa kanyang sarili . "Ano bang naiisip mo Frida?! Ano nalang ang ihaharap mo bukas kapag nagkita kayo?!"

Padabog na lumapit si Frida sa kanyang kama saka binagsak ang sarili roon.

"Wala ka talagang kwenta kapag nalalasing ka" reklamo nya ulit sa kanyang sarili. Ang kanyang mga sigaw ay nanatili nalang sa ilalim ng unan. For the first time after mamatay ni Monsur, ay ngayon lang may ibang lalaking hum*lik sa kanyang labi...

Kinabukasan ay pasado alas nuwebe na nang bumaba sya sa pantry area. Lilinga linga pa sya na animoy may hinahanap sa paligid.

"Mabuti naman at mukhang umalis na sya" bulong nya sa kanyang sarili.

"Kamusta po ang tulog nyo Maam Frida?" Masayang bati ni Mele na ikinagulat naman ni Frida . Dala ang dalawang tasa ng kape saka yaya sa kanya. "Coffee?"

"No, Im not a fan of coffee." Pagsisinungaling ni Frida.

"Naku, pagsisisihan mo na hindi mo ito natikman. Kapatid ko po mismo ang nagtanim at nag ani ng mga butil nito.Siya rin ang nagluto naggiling sa mga kape. Kaya naman masasabi kong ito at pinakamasarap na kape na matitikman mo."Humigop si Mele ng mainit na kape kasunod niyon ay nagpakawala ito ng matamis na ngiti sa labi.

Napakabango ng amoy niyon at talagang natatakam din si Frida na tikman ang pinagmamalaking kape ng pamilya ni Mele.

"Okay..." Hinipan muna ni Frida ang mainit na kape saka tumikim niyon. "Hmmp!" Gulat ni Frida.

"Masarap, ano? Ganyang ganyan ang mukha ni sir Josh nang unang matikman din yan." Ani Mele.

Sapat na ang marinig ni Frida ang pangalan ng binata para masamid sya. Ilang beses pa syang inubo dahil doon.

Frida ( COMPLETE )Onde histórias criam vida. Descubra agora