Chapter 4

213 7 0
                                    


A pair of beautiful eyes is looking at Frida habang pinapakita nito ang mapuputing ngipin at mapupulang labi.

"Would you mind?" Tanong ni Josh habang nakangiti hawak ang tray ng kanyang pagkain.

Hindi na nagawang tumanggi ni Frida dahil mabilis na umupo ang binata sa tapat ng kanyang mesa.

Natulala si Frida sa inasal ng binata. Ganun ba talaga kakapal nang mukha nito para umupo ito kasabay nya?

"Excuse me?" Inis na saad ni Frida.

Pero di iyon pinansin ng binata. Nagsimula narin itong kumain para sabayan si Frida sa tanghalian.

"Ngayon ka lang din pala nag lunch?" Saad ni Josh habang may laman ang bibig.

Napahalukipkip si Frida habang nakataas ang isang kilay.

Nawalan na sya nang gana kumain.

"Obvious ba?"

"Ako rin eh,"

"The hell I care." Bulong ni Frida.

"Ang lakas mo palang kumain" Nakangising saad pa ni Josh.

Nanlaki ang mata ni Frida. Napipikon na sya sa feeling close na lalakeng ito.

"You know what, feeling close karin ano? Pwede ba, hindi kita kilala kaya maghanap ka nalang dyan ng ibang taong kukulitin mo, okay?"

"Right, I forgot to introduce myself. My name is Josh, Joshua Brenan Fildervirth " sabay abot ng isang kamay nito kay Frida.

"I dont care, wala akong interes na makilala ka, so please tantanan mo ako."

Natawa lang si Josh sa pagsusuplada ni Frida. Ni hindi man lang inabot nito ang kanyang kamay.

"But Im interested. Interesado ako sayo." Sabay kindat nito kay Frida.

Napanganga si Frida. Kasabay niyon ay nagtaasan ang balahibo sa kanyang braso. Ganito ba talaga ka strait forward itong binatang ito? At ano itong kakaibang nararamdaman ngayon ni Frida?!

"Are you crazy?!" Bulalas ni Frida.

"Why? May masama ba sa sinabi ko? Oh, by the way, nakalimutan kong sabihin. Interesado ako sa'yo but not in a romantic way" pagtatama pa ni Josh

Pakiramdam ni Frida ay binuhusan sya ng malamig na tubig sa sobrang hiya.Ano bang ine expect nyang ibig sabihin niyo?! Napaka presko talaga ng binatang ito. Di ba ito marunong gumalang sa mas matanda sa kanya? She bet, 7 or 8years ang tanda ni Frida sa binatang ito.

"Wow, hiyang hiya naman ako sayo." Sarkastic na saad ni Frida. " You know what, ang akala ko ay mayabang ka. Pero di ko ine expect na ubod mo rin pala ng yabang."

Tumayo si Frida saka nagdesisyong aalis nalang. Walang mangyayari kung papatulan nya ang mahanging lalake na ito.

"Nakakawalang gana kumain, kainis!" Muling bulong ni Frida. Hindi nya matatagalan na makasama ang mahanging lalake na ito sa kanyang harapan.

Nagbalik si Frida sa kanyang kwarto na nakabusangot. Sa dami rami ng pwede nyang makilala sa lugar na iyon ay ito pa talagang mahangin na binata ang nakilala nya.

"Wow, sobrang yabang ...Akala nya siguro gwapo sya" reklamo ni Frida pagkapasok ng kanyang kwarto. "Ang kapal ng mukha."

Hinihiling ni Frida na sana'y hindi na mag krus ang landas nilang dalawa upang maging mapayapa na ang kanyang isip.

Ngunit hindi pala mangyayari iyon....

"Hey.." bati ng babaeng kausap ni Josh sa kabilang linya.

"How's your day?" Tanong ni Josh

"Everything's so chaotic right now. Lam mo naman..." Sagot ni Nicole na ang tinutukoy nito ay ang trabaho.

"I see. Mukhang nakakaistorbo ata ako sayo" Malungkot na saad ni Josh.

"Hmm, actually, I gotta go . I have breakfast meeting to attend to. Let's talk later,okay?"

"Sure."

"Sorry, bawi ako, okay?"

"No worries" tila walang kagana ganang saad ni Josh.

"Bye." Iyon lang at pinatay na ni Nicole ang linya ng cellphone.

Huminga ng malalim si Josh pagkatapos niyon. Ni hindi man lang kasi sya kinumusta ng kanyang girlfriend.

Walang kaalam alam ito na umuwi sya ng Pilipinas. Sa pagkakaalam ni Nicole ay may movie project si Josh sa LA . Ngunit dahil na-postponed iyon ay magre resume ang movie nya by the end of next month pa.

Isang Film Editor si Josh mula sa isang sikat na Movie Production Company based in LA. Pero last year ay nag stay sya sa New York while shooting an action movie. Doon nya nakilala ang kanyang girlfriend ngayon na si Nicole. Ilang buwan palang silang magkakilala pero feeling ni Josh ay anytime ay magbi break up na silang dalawa. Hindi kasi sya sigurado sa nararamdaman nito sa kanya. He proposed to her to get married at seryoso si Josh na si Nicole na ang babaeng gusto nyang makasama habang buhay. Ngunit tinanggihan ni Nicole ang alok nyang kasal. Masyado pa raw maaga para tumuloy sila sa mas seryosong relasyon at hindi pa raw sigurado si Nicole kung handa na ba syang maging may bahay ni Josh. Masakit iyon para kay Josh. Di nya inaasahan na tatanggihan sya ni Nicole.

Mula noon, pakiramdam ni Josh ay gumagawa na nang paraan si Nicole na iwasan sya nito. Naging cold na si Nicole at mas lalo pang naging sobrang busy nito sa trabaho. Ni hindi man lang nito pinahahalagahan ang effort ni Josh na makasama ang nobya. Hindi madaling magparuot parito sya sa LA at New York makasama nya lang ang kanyang girlfriend. Kaya naman minabuti ni Josh na lumayo muna upang magisip isip. Hindi sya sigurado kung tama bang mahalin nya pa ito habang tila wala na itong pagibig sa kanya.

Huminga ng malalim si Josh saka umupo sa buhanginan. Pinagiisipan nya ngayon kung itutuloy na ba nyang makipaghiwalay sa kanyang girlfriend.

"Soon.." pangako ni Josh sa kanyang sarili. Pagbalik nya ng US, ay makikipag hiwalay na sya sa dalaga. Hindi na nya kayang magtagal sa isang relasyon na walang kasiguraduhan.

Malayo ang tingin ni Josh habang iniisip ang mga iyon. Nakakalungkot tuloy pagmasadan ang paglubog ng araw.

Hanggang sa isang imahe ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Ang babaeng kanina pa nagpapagulo ng kanyang isipan.

Naalala nya ang unang kita nya rito kanina. Katabi nya ito sa van at punongpuno ito ng katahimikan kahit na magiliw itong kinakausap ang dalaga sa kabilang upuan.

Hindi nakatakas kay Josh ang lungkot sa mga mata nito. Ilang beses rin nyang napansing kapag natutulala ito ay bigla nalang ito naluluha.Pakiramdam ni Josh ay parehas ang kanilang pinagdadaanan. At parang may kung ano ang naguudyok sa kanyang lapitan ito at pasayahin ito.

Abot tanaw lang ni Josh si Frida mula sa dulo ng resort na malayang naglalangoy sa dagat. May halong pagaalala rin sya habang pinagmamasdan ito. Di kasi sya sigurado kung tamang hayaan nya ang babaeng iyon sa dulong parte ng resort. Sa pagkakaalam nya ay delikado ang mag swimming roon.

At ilang minuto nga lang ay nakarinig si Josh ng tili sa kinaroroonan ni Frida.

Nagmadaling tumakbo si Josh saka mabilis na nilangoy patungo roon. Inabot ni Josh ang kamay ni Frida saka inalalayan ito. Nagpapanic na kc si Frida at muntik nang malunod.

"Kumapit ka sakin" utos ni Josh

"Ang sakit..." Impit na iyak ni Frida

"Its okay. Kumapit ka sa akin at wag mong ilalapat ang paa mo sa buhangin." Utos ni Josh. Hindi na nagisip pa si Josh, binuhat nya si Frida sa bewang ng walang paalam.

Tila sandaling nakuryente si Frida sa mga kamay na nakalapat sa kanyang balat. Napako rin sya sa mga mata nang binata sa harapan niya.

Naging mabilis ang pagkabog ng dibdib ni Frida. Simula kasi nang mamatay si Monsur ay walang lalakeng nakalapit sa kanya ng ganito kalapit.

Nalalanghap ni Frida ang mabangong amoy ng hininga ng binata sa harapan nya.

"Are you okay?" Tanong ni Josh habang halos magkalapit na ang kanilang mga mukha.

Naging mabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. At tila isang damdamin ang muling nabuhay....

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now