CHAPTER 20

155 6 0
                                    

"Sa palagay mo ba nababagay ang titulong Dark Mirror sa aking obra?" Kaswal na tanong ni Joey nang makalapit kay Wilson.

"I dont know...Im not a fan of art." Nagkibit balikat lang si Wilson.

"That's ironic, of you. You're not a fan of art yet you were here." Saad ni Joey.

"I just got an invite. In short napipilitan lang." Ani Wilson saka muling binalingan ang atensyon sa obra ni Joey na Dark Mirror.

"Oh, then, thank you for coming"

"Pero bakit feeling ko napakalungkot ng message nito?" Na ang tinutukoy ni Wilson ay ang Dark Mirror "Di ko maisawang titigan ito ng matagal"

"Dahil talagang malungkot ang message niyan. Pinapakita lang ng Dark Mirror na kahit gaano kaganda ang isang tao, at kahit na gaano pa ito kasaya, may itinatago itong madilim na lihim or kalungkutan. Do you agree with me?" Nakangiting saad ni Joey.

"Yeah. Everybody has a secret. But there were secrets na mas pinipiling itago para sa ikabubuti din ng iba."

"How about you Sir? Do you have that Deepest Darkest Secret too?" Mapaglarong ngiti ni Joey.

Malakas ang naging tawa ni Wilson. Kung alam lang ng kausap nya ang kanyang Deepest Darkest Secret, siguradong mawiwindang ito sa kanya.

"Let me guess, iyon kaya ay tungkol sa isang babae?" Curious na tanong ni Joey. Gusto nyang hulihin ngayon ang binatang ito. Dahil sa sobrang disappointment nya noon, hindi nya nabigyan ito ng chance na makapag paliwanag.

"Hmmm... How'd you know? " Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Wilson.

"Just a wildguess..Most men naman ganun." She knew it!

"Oh, Wilson, Im glad you came! Nagkakilala na pala kayo ni Joey." Bati ni Frida.

Sabay na nagkatinginan sina Wilson at Joey sa direksyon ni Frida.

Nanlaki ang mga mata ni Joey nang maalala ang pangalan nito. Bakit nga ba hindi nya naalala na isa itong Del Thierro?!

"You mean this is Wilson?...Your stepson Wilson?!" Di makapaniwalang tanong ni Joey.

Habang si Wilson naman ay biglang napakunot noong ibinaling ang atensyon kay Joey...So this was the Joey he met 7 years ago.

"Yes. Finally, di na ako mahihirapan pang ipakilala kayo sa isa't isa" Malapad na pagkakangiti ni Frida. "Joey, this is my son Wilson. Wilson, this is my best friend Joey. Later ipapakilala rin kita kay Cecile. Im sure matutuwa iyon na makilala ka."

"It's nice to meet you, Mr. Wilson Del Thierro." Makahulugang ngiti ni Joey.

"It's nice to meet you" Ani Wilson na inabot naman ang kamay ni Joey.

"So, since magkakilala na kayo, I'll leave you here, hahanapin ko lang si Hanz, okay? Enjoy your night!"

Tumaas ang isang kilay ni Wilson. May kakaiba sa kilos ni Frida. Is she playing cupid?! Frida must be crazy, akala ba nito ay makakalimutan na nya ang nangyari sa kanila kapag nainvolve sya isa sa mga kaibigan nito?

"You're evil." May halong panunuyang saad ni Wilson bago pa man talikuran silang dalawa ni Joey.

Sa halip na magalit ay ngumiti lang nang pagkatamis tamis si Frida at kumaway kay Wilson at Joey.

"Hindi pa ba nya alam?" Kaswal na tanong ni Joey.

"Ang alin?" Maang na tanong naman ni Wilson.

"Na, muntik mo nang bilhin ang collections ko para lang malaman ang tungkol sa kanya?" Direktang saad ni Joey

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now