CHAPTER 27

121 6 0
                                    

May ilang minuto nang nakatayo si Frida sa tapat ng counter ng kanilang kusina. Matagal bago sya nagdecide na inumin ulit ang laman ng kanyang baso.

Simula nang makauwi sya ay hindi magsink in ang lahat ng impormasyong kanyang nalaman mula kay Saab. Totoo nga kaya ang lahat ng sinabi nito? Kailangan nyang maging maingat muna sa kanyang bibitawang salita at gagawin.

"Hey," Bungad ni Josh nang hawakan sya niyon sa balakang.

Halos mapatalon si Frida sa pagkabigla sa ginawa ng binata. Mabilis na napalingon si Frida sa kanyang paligid.

Kahit kelan talaga hindi marunong magingat itong si Josh. Paano kung may makakita sa kanila?

"Ano ka ba?! Baka may makakita sa atin!" Reklamo ni Frida kasabay ang pag hampas niya sa balikat ng binata.

"Ang lalim nang iniisip mo, ah?" Ani Josh saka kumportableng sumandal sa counter habang ang mga braso ay nakahalukipkip sa dibdib nito.

"Ahm, wala ito..." Tanggi ni Frida saka muling uminon ng tubig at akmang tatalikuran si Josh.

Ngunit mabilis na nahablot ni Josh ang braso ni Frida.

"Wait, sandali lang oh, minsan na nga lang tayo magkita ganyan ka pa. Iniiwasan mo nanaman ba ako?" May halong paglalambing ang tono ng binata.

"Pwede ba Josh, wag mo muna akong kulitin okay?" Mataray na saad ni Frida. "Tantanan mo muna ako just for now. Wala ako sa mood makipagbiruan sayo."

Ngunit di binitawan ni Josh ang kamay ni Frida at hinaplos haplos pa iyon.

"Nami miss na kasi kita." Bulong ng binata na may himig nang pagtatampo.

Gosh ! Ano ba itong si Josh, parang bata talaga ito kung minsan. Di tuloy maiwasang maasar lalo ni Frida sa binata.

Napaungol si Frida. Nai stress na sya sa maghapon, dumadagdag pa itong si Josh sa kanyang problema.

Ngunit ang hindi nila alam ay may pares ng mga tenga na kanina pa nakikinig sa kanilang usapan. Naningkit ang mga mata niyon habang nakasandal sa pader.

"Stop being childish. Di na ako natutuwa sayo." Mataray na saad ni Frida.

Totoo naman kasi iyon. Ilang araw nang panay ang pagpapa cute at pang aakit nito sa kanya. Ni hindi man lang kino consider ni Josh ang magiging lagay nya kapag nahuli sila. Napaka mapilit nito...well kahit noon pa mang nasa isla sila ay mapilit na itong binata.

"Ang sungit mo naman" Ani Josh. Saka pinilit na yinayapos si Frida sa balakang nito.

"I said, tantanan mo ako! Di ka ba makaintindi?"reklamo ni Frida saka kumawala sa bisig ng binata. Ang dami na nyang problema dumadagdag pa ito.

Nakasimangot na tinalikuran ni Frida si Josh. Wala syang panahon upang makipagkulitan at makipagharutan dito.

Walang nagawa ang binata kundi ang mapakamot nalang sa ulo. Di na nya hinabol pa si Frida DAT l tiyak magtatalo lang sila ng tuluyan.

Nang sumunod na araw ay nagsimulang magimbestiga si Frida tungkol kay Hanz.

Hindi sya maaaring umupo nalang at maghintay sa maaring mangyari, kaya naman nagtungo na sya sa opisina upang alamin ang koneksyon ni Hanz sa kanilang kumpanya.

"Good morning Ms. Frida!" Masayang bati sa kanya ng kanyang sekretarya na si Loisa.

"Good morning, Loisa. Na-prepare mo na ba ang mga documents na hinihingi ko sayo?" Ani Frida.

Bihira lang bumisita si Frida sa kanilang kumpanya. Iyon ay kung may mga meeting at dokumento lang na kinakailangan ng kanyang mga pirma.

Si Loisa ang nagiging mata nya at nagrereport ng mga kaganapan at pangyayari sa loob ng kumpanya. Hindi nya kailangang mag focus sa Joy Express dahil nariyan naman si Nicole at ang Board of directors na si Maverick Del Thierro na tiyuhin nina Nicole na syang namamahala sa company dito sa Pilipinas. Habang si Nicole naman ang nagpapatakbo nang kanilang company based sa New York.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now