Chapter 1

657 10 0
                                    

Marahang mga katok ang naririnig mula sa labas ng kwarto ni Frida. Dalawang araw na itong nagkukulong sa kwarto nito at ang mga kasama nya sa bahay ay nag aalala na sa kanyang sitwasyon .

Alam ng mga katulong na umiiyak nanaman ang kanilang among babae dahil nalalapit na ang ika 2 taong anibersaryo ng kamatayan ng asawa nitong si Sir Monsur.

Napailing nalang ang matandang katulong ng lisan ang kwarto ng among babae.

"Maam, Nicole ang mommy nyo, dalawang araw na po syang nagkukulong sa kanyang kwarto ." Sumbong ni Aleng Mameng sa amo nyang dalaga sa telepono.

"Is she okay ? Ano bang nangyari ?" Nag aalalang tanong ni Nicole sa kabilang linya.

"Mukhang naaalala nanaman nya ang daddy nyo." Halos pabulong na saad muli ni Aleng Mameng sa kausap. "Malapit na po ang death Anniversary ng daddy nyo, di pi ba?."

Napabuntong hininga si Nicole. Kilala nya ang kanyang mommy Frida. Simula ng mamatay ang kanyang daddy ay naging malulungkutin na ito at nagtangka narin iyon magpakamatay. Mabuti nalang at naagapan nila si Frida at naisugod agad sa Hospital.

"Mameng , I beg you. Bantayan nyo si Mommy. Hindi natin alam ang kanyang iniisip. Kung pu pwede lang akong umuwi ngayon dyan ay gagawin ko . Pero nakatali pa ako sa maraming commitments ko rito. Please Aleng Mameng.." Pagmamakaawa ni Nicole sa kanilang katulong na naroon sa Pinas.

"Sige maam. Babantayan namin si Maam Frida. Pero kung maaari minsan, maam dalawin nyo po ang mommy nyo. Nakakaawa na po sya."

"I will." Malungkot na saad ni Nicole . Alam nya ang nararamdaman ng kanyang mommy Frida. Kung masakit sa kanya ang naging pagpanaw ng kanyang ama, mas naging mahirap yun kay Frida. Minahal nitong higit si Monsur kesa sa pagmamahal nila sa ama.

5 years ago , dumating si Frida sa buhay nila. Frida was just 30 years old then. While her dad was way too older than Frida. 52 na ang kanyang daddy nang magdesisyon ang dalawa na magpakasal .

Tutol sila ng kanyang kuya Wilson sa relasyon ng dalawa. Akala nila noon ay pera lang ang habol nito sa kanilang daddy. Sino nga ba naman ang papatol pa sa daddy nila ? Matanda na ito at di na kayang magka anak pa.

Ngunit nagbago ang tingin nila kay Frida sa katagalan. Nakita kasi nila ang pagaalaga nito at pagmamahal sa kanilang daddy. Lalong lalo na ng mamatay ang daddy nila.

Sobra ang pagdadalamhati ni Frida. Nasaksihan nila kung paano ito nawasak ng mawala ang daddy nila. To the point na muntik na itong magpakatiwakal.

Her heart is sincere and pure. Kaya naman naging mas malapit na sila ngayon ni Frida. She became part of the family, kaya gagawin nya ang lahat para bumalik ito sa dati. She will help her to move on and love herself again.

"Kuya , kelan ka ba uuwi ?" Inis na tanong ni Nicole sa kanyang kuya Wilson sa kabilang linya.

"Great." Mapaklang saad ni Wilson. "Hindi mo pa nga ako nakakamusta man lang tas heto ka ngayon parang girlfriend ko na nawawalan ng boyfriend "

"Gago ka talaga." Inis na saad ni Nicole. Ngunit nagbago rin ang timpla ng kanyang tono. "Si mommy...sabi ni Aleng Mameng nagkukulong nanaman sya sa kanyang kwarto. Sa tingin ko malungkot nanaman sya at naaalala si Daddy."

Napa buntong hininga si Wilson. Kung nasaktan sila sa pagkawala ng kanilang ama, naging mas masakit naman iyon sa kanilang stepmom na si Frida. Isang taon narin kasi itong nilalamon ng kalungkutan sa pagkawala ng kanilang daddy.

"You see Nicole , kung ikaw ay nariyan sa New York dahil sa iyong business commitments, well ako rin. Hindi ko basta basta pwedeng iwan ang trabaho ko dito sa Singapore."

"Pero hindi ka ba nagaalala kay Mommy ?"

"Of course, pero anong gagawin ko . I have no choice but to stay here."

"We need to do something about Mom. Hindi pwedeng habang buhay syang ganyan."

"Fine , I will take leaves. By next month , babalik ako ng Pilipinas. And what about you ?"

"I cant .." Nakangiwing saad ni Nicole. "I have many appointments this month and next month ."

"Good for you ." Nasa tono ni Wilson ang pagkainis.

"Sorry na kuya ..."

"Whatever, sige na ..tatawag muna ako sa bahay and kakamustahin ko si Frida. Pero sana kahit minsan gawin mo rin ang part mo . Alam kong mas lalo syang nalulungkot ngayon dahil magisa lang sya sa bahay tas wala pa tayo."

"Alam ko yun ..Babawi ako kay mommy, promise."

Ayun lang at pinutol na ni Wilson ang tawag ni Nicole...

Samantala ...sa kwarto ni Frida ay naroon parin sya na umiiyak at naaalala ang masasayang sandali nila ni Monsur .

Isa lang ang lalakeng kanyang minahal sa tanang buhay nya. Lahat ng mga nanligaw sa kanya ay si Munsor lang ang naging katangi tangi para kay Frida.

Matured, Gwapo, Mabait, Malambing , Maalaga at Mapagpakumbaba. Lahat na ata ng hinahanap nya sa isang lalake ay nakita nya kay Monsur.

Isang simpleng babae lang naman si Frida ng makilala ni Monsur sa isang event ng Company. Isang waitress si Frida ng isang catering service.

Maganda si Frida at magiliw. Ang kanyang mga ngiti ang nakatawag ng pansin ni Monsur. Kumikinang ang mga mata ni Frida habang kausap nya noon si Monsur .

Nagpakilala noon si Monsur bilang isang simpleng empleyado ng kumpanyang iyon. Likid sa kaalaman ni Frida ay ito ang nagmamay ari ng Shipping Company na JoyExpress na ginaganapan ng gabing iyon.

"You know what, I like your smile . You're beautiful. " puri ni Monsur kay Frida ng gabing matapos ang selebrasyon ng kumpanya. Naroon sya habang nililigpit na ang mga kasangkapan at mga mesa.

Natawa si Frida.

"Alam mo sir, Napaka bolero nyo po. Pero salamat, kahit ganito hitsura ko nagandahan parin kayo sakin ." Sabay halakhak ni Frida.

Ang buhok nya kasi ay slightly messed na habang ang tagiliran ng kanyang puting polo blouse ay may mantsa na ng caldereta sauce na aksidenteng nasagi nya kanina.

"Because you are." Biglang naging seryoso ang expression ng mukha ni Monsur na nagpakaba ng dibdib ni Frida.

"Naku Sir, baka marinig kayo ng asawa nyo ." sita ni Frida sabay tingin sa kanyang paligid.

"Unfortunately, I dont have a wife. My wife passed away a long time ago."

"Oh, I'm sorry po."

"Its okay , matagal na yun . And actually , I think , I already found the perfect one" Nakangiting saad ni Monsur.

Naginit ang mga pisngi ni Frida. Bakit ba naapektuhan sya ng mga matang nakatingin sa kanya ngayon. May ibig bang sabihin ang mga salitang sinabi ni Monsur sa kanya? Di nya maintindihan pero parang kinikiliti sya ng mga salitang iyon.

Doon nagsimulang magkakilala sina Frida at Monsur. Sinuyo ni Monsur si Frida ng 1 buwan at nang maramdaman ni Monsur na sigurado na sya kay Frida , walang kagatul gatol na niyaya nya itong magpakasal.

Nagsama sina Frida at Monsur bilang magasawa kasama ang mga anak ni Monsur na sina Wilson at Nicole.

Nung una ay mahirap para kay Frida na pakisamahan ang dalawang anak ni Monsur dahil tingin ng mga ito ay kayamanan lang ang habol ni Frida sa daddy nila.

Malamig ang naging pakikitungo ng 22 Years old na si Nicole kay Frida noon . Ganun din ang panganay na anak ni Monsur na si Wilson na noo'y halos kaedaran nya narin.

Naging mahirap man sa umpisa ang pakikisama ni Frida sa mga anak ni Monsur, sa huli ay nagawa nya ring mapalapit ang loob ng mga iyon.

They were like a happy family before...Until Monsur left them.

Parang binagsakan si Frida ng langit at lupa. Ang kanyang mundo ay unti unting gumuho. Wala na ang lalakeng kanyang iniibig ng labis.

"Monsur...bakit mo ako iniwan?" She said between her tears. Habang yakap yakap ang unan na dating asawa.

Hanggang ngayon ay hindi nya parin tanggap ang pagkawala ni Monsur. Habang buhay nyang babaunin sa kanyang alaala ang mga matatamis nilang pagmamahalan....

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now