CHAPTER 11

160 4 0
                                    

"Hindi...hindi mangyayari iyon." Dikta ni Frida sa kanyang sarili habang nakatingin sa malaking salamin sa CR ng restaurant. "Imposible iyon...."

Tulad nga ng sabi ni Hanz kanina, wala na syang connection sa family friend ng daddy nya na humihiram ng kanilang resort dati. Matagal na raw nag migrate ang family ng mga Fildervirth sa America at wala na syang balita sa mga iyon after mamatay si Mr. Fildervirth.

"I-ikaw ang may ari ng Monte Mayor Beach house? " Gulat na tanong ni Frida.

"No way, dont tell me doon ka nag stay?" Di makapaniwalang tanong din ni Hanz

"Yes."

"That's a shame. Sana pala nakilala kita ng mas maaga para nai tour kita sa province namin."

"It's okay. Nagenjoy naman ako kahit sandaling araw lang akong nag stay doon. Mababait ang staff mo and napaka sipag nila."

"I totally agree. Si Mele na ata at ang pamilya nya ang isa sa mga taong mapagkakatiwalaan namin. She runs the resort well kaya nga unti unti naring nakikilala ang beach house namin. So we decided na gawing resort na iyon officially."

"Pero bakit Monte Mayor ang pangalan ng beach house nyo? Di ba, Figueroa ang last name mo?"Curious na tanong ni Frida.

"Yes, regalo kasi ni Papa' ang beach house kay mama after nila ikasal. Monte Mayor ang last name ni Mama' kaya naman ipinangalan nila iyon under her name."

"I see. Pero, kayo lang ba ang gumagamit talaga ng vacation house nyo even before?" Lakas loob na tanong ni Frida. Gusto nyang malaman kung may connection pa si Hanz sa mga Fildervirth katulad nga ng sinabi sa kanya noon ni Josh.

"Hmm No. There was a family friend before na madalas mag vacation at ipahiram ni Papa' ang beach house namin. Pero after mamatay ni Mr. Fildervirth ay wala na akong balita sa kanila. Ang pagkaka alam ko ay matagal na silang nag migrate sa US. "

"I see." Saka lang nakahinga ng maluwag si Frida. Iyon lang naman ang nais nyang malaman.

Mabuti nalang pala at hindi magkakilala itong sina Hanz at Josh at walang chance para magkita pa silang dalawa. Everything is safe....

"Thank you Hanz" ani Frida matapos syang pagbuksan ng pinto ng sasakyan ni Hanz. Ihinatid sya ng binata sa kanyang bahay sa Ayala Heights QC .

"Its my pleasure." Nakangiting saad ni Hanz.

Tumango lang si Frida at akmang papasok na sa loob ng kanyang bahay ng pigilan sya ni Hanz sa braso.

"Yes?" Inosenteng tanong ni Frida.

"I just wanted to tell you that I really had a goodtime. Sana this is not the last?"

"Of course." Nagkibit balikat lang si Frida. Ngunit sa totoo lang , hindi sya talaga sigurado kung nais nya pang ipagpatuloy ang pagkikita nila ni Hanz.

Paano kung ito ang magbigay daan para magkita silang muli ni Josh ? ....Natatakot sya sa isipang iyon.

"A-and..and.."nabubulol na saad ni Hanz.Kinakabahan sya sabihin ang totoong pakay kaya niyaya ny si Frida... Maglalakas loob na sya ngayon kay Frida. Its now or never.

"Yes?" Natatawang tanong ni Frida. Ngayon nya lang nakita na kinakabahan ang binatang ito. Hanz is one of the most confident person na nakilala nya. And never nyang nakita ang ganitong side ni Hanz.

"Im wondering, may chance ba ako sayo Frida? You see, willing naman ako maghintay hanggang kelan mo gusto. I can manage kahit matagal mo akong sagutin. But ..but I just wanted to make sure, kung may chance ba ako. I know this is rude to ask, but I just cant wait for your answer. I hope you dont mind."

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now