CHAPTER 29

132 6 0
                                    

"Kamusta Roger?" Ani Wilson sa kanyang tauhan sa kabilang linya.

Simula nang bumalik sya ng Singapore ay pinabantayan nya ulit si Frida sa kanyang tauhan katulad nang dati.

"Umalis na po si maam Frida sa inyong bahay, Sir Wilson. Mukhang nalaman narin po ni maam Nicole ang naging ugnayan ni maam Frida at Sir Josh" Saad ng kanyang tauhan na si Roger.

Nagpanting ang tenga ni Wilson sa kanyang narinig. Kasabay niyon ay nagtagisan ang kanyang mga panga.

Pinagbant*an na nya noon si Josh na wag gagawa ng hindi maganda at lalong lalo na kapag nabalitaan nyang sinaktan nito si Nicole. Ngunit tila hindi nakinig si Josh at pinagpatuloy parin nito ang paglapit kay Frida.

After malaman ni Wilson ang naging ugnayan ni Frida kay Josh noong nasa isla ang mga ito ay naging magulo narin ang isip ni Wilson. Masakit para sa kanya ang mga nalaman mula sa kanyang tauhang si Roger. Ngunit ano pa ba ang magagawa ni Wilson? Nangyari na iyon at tapos na. He gave up...napapagod narin sya. So he decided to let her go.Kahit na naisin pa nyang manatili at pilitin nyang kunin ang loob ni Frida ay mukhang wala naman na syang pagasa.

Iyon din ang naging dahilan kaya nagawa nyang umalis ng kanyang bahay nang gabing nagkaroon sila ng pagtatalo ni Frida.

"Kamusta si Frida ngayon? Is she okay?" May halong pagaalala paring tanong ni Wilson.

"Yes Sir, bumalik na sya sa kanila. Ngunit nabalitaan ko rin po na nagkaroon sila ng alitan ni Hanz Figueroa."

"Tungkol saan?"

"Tungkol po sa kumpanya ninyo Sir. Mukhang nalaman narin po ni maam Frida ang tungkol sa koneksyon ni Hanz at Maverick." Sagot ni Roger

"Those b*stards."

Lately lang din nalaman ni Wilson ang tungkol doon. Simula nang dumating sya sa Pilipinas ay pinaimbestigahan na nya si Hanz sa kanyang tauhan at doon nga nya nalaman ang tungkol sa pagkakaroon ng interes nito sa kanilang kumpanya. Hanggang ngayon ay maingat nyang pinagaaralan ang kanilang magiging hakbang nang kanyang kaibigang abogado na si Patrick upang mapagbayaran ni Hanz at Maverick ang ginawang panloloko ng mga ito.

Ngunit di nya inaasahan na malalaman ni Frida ang tungkol dito. Hindi maaaring masira ang kanilang plano at lalong lalo na ang magkaharap sina Frida at Maverick. Isang mas malaking gulo ito kapag nagkataon.

"Nasaan sya ngayon? How's Frida?"

"Narito po ako ngayon sa labas ng kanilang bahay. Paalis na po si Maam Frida, susundan ko po kung saan ang kanyang sadya ngayon."

"Okay, balitaan mo ako. Pabalik narin ako ng Manila. May tatapusin lang ako rito sa Singapore. Bantayan mo ng maigi si Frida. Alamin mo rin ang mga plano at kinikilos nina Maverick lalo na ngayong sigurado akong may idea na sya na may alam narin tayo."

"Noted boss."

Iyon lang at pinatay na ni Wilson ang kanyang cellphone saka pinaharurot ang kanyang sasakyan patungong opisinina.

Samantala, nang araw ding iyon ay nagtungo si Frida sa opisina ng JoyExpress sa Makati. At tila hindi na nagulat pa si Maverick na makita sya.

"Anong maitutulong ko sayo, Frida?" Kaswal na tanong ni Maverick sa kanyang bisita. Habang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair at kinukutkot ang kuko nito gamit ang nail file.

"I want you to explain this." Ibinagsak ni Frida ang dalawang folders sa ibabaw ng mesa ni Maverick.

Di man lang iyon tinapunan ng tingin ni Maverick. Alam na nito ang nilalaman niyon at kung bakit narito si Frida ngayon.

Frida ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon