CHAPTER 15

151 8 0
                                    

"Waaaaagh!" Galit na sunod sunod na sunt*k ang ginawa ni Wilson sa kanyang punching bag. Lahat ng galit nya sa kanyang ama ay doon nya ibinuhos. Hindi sya makakapayag na makakasal si Frida sa kanyang ama.

"I will do anything. Kung kinakailangan kong maging marahas ay gagawin ko wag mo lang pakasalan si Dad." ...bulong ni Wilson sa kanyang sarili habang ang kanyang puso ay nagaapoy sa matinding galit.

Halos maghapon nyang pinagod ang sarili sa gym upang doon ilabas ang lahat ng kanyang nararamdaman.

"I'd like to talk to you." Ani Wilson sa telepono kinabukasan.

"S-sure." Kinakabahang sagot ni Frida kay Wilson.

That afternoon ay sinundo ni Wilson si Frida sa bakeshop nito sa Cubao. Wala ni isang kumikibo sa kanila.

Ni hindi magawang magtanong ni Frida kay Wilson sa matinding kaba na naguunahan sa kanyang dibdib. Panakaw na tiningnan ni Frida si Wilson na naroon sa driver's seat sa kanyang tabi na noo'y napaka seryoso ng mukha.

Huminga sya ng malalim saka binaling ang tingin sa kalsada. Aantayin nya nalang na magsalita ito bago sya magsimula rin. ...Ano bang pakay nito sa kanya?Sigurado syang tungkol ito sa magiging kasal nilang dalawa ni Monsur.

At hindi nga sya nagkamali. Dinala sya ni Wilson sa restaurant nang isang kilalang hotel.

"Ano bang sadya mo sa akin at dito mo pa ako dinala?" Matapang na tanong ni Frida.

"I want you to leave my dad. Iwan mo sya at wag mong ituloy ang kasal." Utos ni Wilson

"Hindi ko magagawa iyan."

"Yes you can." Mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Wilson. Ngayon nya masusubukan ang pagkatao ni Frida.

"Alam kong tutol kayo ni Nicole sa pagiibigan namin ng daddy nyo, pero kahit na ano pang pagtutol ang gawin nyo ay hindi nyo mababago ang puso ko." Matapang nyang saad.

"Pagiibigan? O baka naman pera lang ang habol mo kay dad? Im offering you money and your freedom. Hindi mo kailangang pakasalan si daddy, I can give you 20Million if that's what you want." Nanguusig ang mga mata ni Wilson. Kung hindi nya magagawang daanin sa santong usapan si Frida, dadaanin nya ito sa santong paspasan.

"Alam kong yan ang tingin nyo sa akin ni Nicole. At hindi ko kayo masisisi. Ngunit isa lang ang masasabi ko sayo Wilson, keep your money in the bank dahil hindi ko kailangan yan." Matapang nyang saad.

"Nagmamatigas ka ba sa pakiusap ko sayo, Frida? O nagmamalinis ka lang? Oo nga naman...mas malaki ang makukuha mo kay dad kapag pinakasalan mo sya, right Frida?" Nanunuyang saad ni Wilson.

Umupo ng tuwid si Frida saka pinaghalukipkip ang dalawang braso...mukhang mahihirapan syang ma convince si Wilson na totoong mahal nya ang ama nito.

"Mukhang desidido ka nang paniwalaan ang gusto mo lang paniwalaan. Kung yan ang tingin mo sakin, I dont care dahil hindi naman ikaw ang pakakasalan ko. Your opinion and thoughts are not counted" Matapang na saad ni Frida habang ang isang kilay ay nakataas.

"Are you provoking me Frida? Dont you dare to ...dahil hindi mo pa ako kilala." Nagtatagisan ang mga bagang ni Wilson sa galit. Hindi nya inaasahan na ganito pala talaga katapang ang babaeng ito.

"I dont care, dahil wala akong interes na kilalanin ka pa. Look Wilson, kahit anong pagpigil ang gawin mo, hindi mo mababago ang isip ko. I will soon be your stepmom, sa ayaw at sa gusto mo." Nanginginig na ang mga tuhod ni Frida sa sobrang nerbyos kaharap ang binata.Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng iyon.

Parang anytime ay mabubuw*l na ang kanyang binti at mawawalan na sya ng malay sa sobrang kaba. Mabuti nalang at nakaupo silang parehas dahil kung hindi, sigurado syang pagtatawanan sya ni Wilson.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now