CHAPTER 31

159 8 0
                                    

"Anong plano mong gawin ngayon?" Malungkot na tanong ni Joey kay Frida. The usual naroon sila sa terrace sa pangalawang palapag na madalas nilang tambayan.

"Wala" Malamig na sagot ni Frida saka nilagok muli ang alak sa kanyang bote.

"Im sorry friend. Hindi ko alam na ganun pala si Sir Hanz. That bast*rd. Pinilit nya lang pala mapalapit sayo dahil may interest sya sa company nyo." Inis na saad ni Cecile.

"Okay lang yun. Hindi mo naman kagustuhan iyon. Wala kang kasalanan." Malamig paring sagot ni Frida.

Gumuhit lalo ang pagaalala sa mukha ni Joey. There is something wrong talaga with her friend....Bakit tila hindi man lang ito ganun ka apektado sa nangyari?

"Nagkausap na ba kayo? Did you have a formal break up?" Usisa ni Cecile.

"Para ano pa? I just send him a text message at sinabi kong wala na kami. That's it. Hindi na namin kailangang magkausap pa at magkaharap dahil alam naman na nyang wala namang pagasa na magkaayos pa kami." Malumanay na saad ni Frida. Ni hindi mababakas ang lungkot sa mga mata ni Frida.

Nagkatinginan sina Joey at Cecile....May kinalaman kaya si Josh sa pinapakitang ugali ngayon ni Frida?

Sumenyas si Cecile kay Joey na para bang sinasabi ng mga mata ni Cecile na ito na ang magtanong sa kaibigan para alamin ang kasagutan.

Naparolyo ang mga mata ni Joey. Lagi nalang sya pinangbabala ni Cecile sa ganitong sitwasyon.

"Ahm...kamusta na kayo ni Josh? Kinukulit ka parin ba nya?" Usisa muli ni Joey.

Umiling lang si Frida pero blanko lang din ang ekspresyon niyon.

"He left without saying goodbyes.How funny right? Dati ako yung bigla nalang umalis ng walang paalam sa kanya doon sa isla. Now, sya naman itong bigla nalang naglaho ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Naduwag ang gag* matapos syang mahuli ni Nicole sa aking kwarto." Malakas ang naging tawa ni Frida.

Nagulat sina Joey at Cecile sa binalita ni Frida. Alam na pala ni Nicole ang tungkol sa dalawa. Ngunit mas nabigla sila sa naging expresyon ngayon ni Frida.

Nanlaki ang mga mata nina Joey at Cecile....Definitely there is something wrong with their friend. Pustahan, bigla itong magbi breakdown at iiyak nalang mamaya. Ganun nila kakilala si Frida. Pinipilit lang nito ang kumalma at pigilan ang luha na pumatak. Dinadaan nito sa tawa ang problema pero mamaya ay babaha na ng luha sa mga mata ng kanilang kaibigan.

"Friend, Im sorry..."Ginagap ni Joey ang kamay ni Frida habang si Cecile naman ay niyakap si Frida.

Dahil doon ay mabilis na nag unahan ang mga luha sa mata ni Frida.

"You know what's worsts, ngayon ko lang nalaman na hindi pala totoo ang kasal namin ni Monsur and even worsts is, kasal kami sa papel ni Wilson! Isnt it funny, right? " Naghalo ang tawa at luha sa mata ni Frida. Ang pait ng mga pangyayari ay di na nya maitatago pa.

Na shocked sina Cecile at Joey sa kanilang nalaman. Di nila maiwasang maawa sa kaibigan.Hindi nila akalain na ganito kalalim ang pinagdadaanang problema ng kaibigan nila.

"Friend...are you okay ?" Nagaalalang tanong muli ni Joey.

"Of course Im not okay !" Reklamo ni Frida ."Do I look okay to you? I feel miserable! I feel worthless! I feel sh*t ! " Frida broke down. "He used me...they toyed me. Sila na tinuring kong pamilya...sila na minahal ko, sila pa ang nang gag* sa akin. I feel f*cked up big time !" Frida said between tears.

Ikinuwento narin ni Frida ang lahat ng nangyari. Ganun din ang paghingi ng tawad nina Nicole at Wilson sa kanya.

"Ang sama nila. Hindi ako makapaniwala na magagawa nila iyon sayo. Naku kapag nakita ko talaga yang Nicole na yan, kakalbuhin ko yan! Pati yang si Wilson, tatanggalan ko talaga yan ng bay*g . " Banta ni Cecile sa sobrang gigil nya sa magkapatid .

Frida ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon