Chapter 5

233 5 0
                                    

Habol hininga si Frida paglapag sa kanya ni Josh sa buhanginan. Muntik na syang malunod sa kanyang pagkataranta kanina. Hindi nya tiyak kung bakit may naramdaman syang parang may tumusok sa kanyang talampakan.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong ni Josh.

"Y-yes, okay lang ako" Umiwas si Frida ng tingin sa binata.

Sinipat ni Josh ang talampakan nang babae. Naroon ang mga bakas ng spikes ng sea urchin na nagsusumiksik sa balat ni Frida.

"Ouch,"

"Stay here" utos ni Josh kay Frida saka mabilis na naglaho sa harapan nito.

Mabilis na tinungo ni Josh ang pantry .

"Mele, ang suka?" Tanong ni Josh sa may edad nang tagapangasiwa ng resort na si Mele habang ito'y naglilinis nang kusina.

"Nasa dulong counter." Ani Mele "Bakit Josh, may nangyari ba?"

"Yung bagong guest, mukhang natusok ng sea urchin." Ani Josh "hiramin ko lang ito, Mele"

"Kuh, tinatablan pala iyon?!" Birong saad ni Mele. Napailing nalang si Josh sa turan ni Mele. Hindi nya ito masisisi. Napaka taray kasi ni Frida kanina at nahirapan si Mele na ma please ito.

Pagkabalik ni Josh sa dalampasigan ay dala na nya ang bote ng suka na ikinagulat naman ni Frida.

"Ano yan?" Tanong ni Frida kahit na sigurado syang suka ang dala ng binata. Pero ano naman ang kinalaman niyon sa nangyari sa kanya.

"Suka. Para matunaw ang stings ng sea urchin."

Hindi na nagawa pang sundan ng tanong ni Frida ang sinabi ng binata. Walang sabi sabi kasi ay ibinuhos ng binata ang suka sa kanyang paa.

"Sheeeet!" Malakas na sigaw ni Frida ng maramdaman ang matinding hapdi at sakit ng mga tusok ng sea urchin sa kanyang paa. Napatakip ng bibig si Frida upang mapigilan ang kanyang pagsigaw.

"Siraulo kaba?!" Inis na tanong ni Frida kay Josh matapos gawin iyon ng binata sa paa nya.

"Alam kong hindi ka papayag kapag nagpaalam pa ako sayo" Kaswal na sagot ni Josh. "So much better na rin na biglain ko nalang yun."

"Gago." Nanlilisik ang mga mata ni Frida sa inis sa binata.

"Wag ka nang magsu swimming ulit sa bahaging ito ng resort. Maraming sea urchin dito kaya mas mabuti pang doon ka nalang sa bandang harapan. Okay?"

Napatango lang din si Frida.

"Mamaya maya lang ay matutunaw na yang mga stings ng sea urchin . Dont worry, hindi rin yan magdudulot ng peklat" Nakangiting saad muli ni Josh.

Napatulala nanaman si Frida sa mga matang iyon ng binata. Bakit ba sa tuwing ngumingiti iyon ay para bang kumikinang ang mga mata nito. Parang nakakalimutan na ni Frida ang lahat ng kanyang problema. For the very first time nakalimutan nya si Monsur.

"Are okay?" Untag ni Josh kay Frida.

"Y-yes. Im good. Kaya ko naman ding maglakad."

Pinilit ni Frida ang tumayo upang patunayan sa binata na talagang kaya naman nya.

"Okay" kibit balikat lang ng binata.Dahil kahit anong gawin nya ay tiyak syang hindi sya pakikinggan nito.

Ngunit di pa nga nakakailang hakbang si Frida ay nawalan na ito ng balanse dahilan upang bumagsak syang muli sa mga kamay ng binata. Hindi sya sigurado kung dahil sa mga buhangin sa kanyang paa ang naging dahilan para mawalan sya ng balanse o dahil iyon sa alak na nainom nya kanina.

"Mukhang hindi ka okay." Nakangising saad ni Josh habang matiim na nakatingin sa mga mata ni Frida.

There is something in this lady that he cant explain. It seems like there is somekind of attraction that draws him to her.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now