Chapter 7

219 6 0
                                    

Matapos ang nakakapagod na laro at tawanan ay nag decide silang magtungo sa sandbar na malapit lang din doon.

Frida's eyes were glowing nang makita nya ang mga star fishes na naroon. Di mapaglagyan nang tuwa ang kanyang puso. First time nya lang din kasi makakita ng ganun kalaking star fish.

"Ang cute! Pwede ba nating iuwi ito?" Tanong ni Frida na parang bata.

"Nope. Hindi pwede dahil mamamatay sila kapag tinanggal mo sila sa dagat."

"I see. Bakit parang ang dami mong alam sa mga marine animals and even sa panghuhuli ng crabs at pangingisda?"

"Noong maliit palang ako ay tumira kami sa Maine halos doon na din ako nagkaisip.Doon ako natutong mangisda at manghuli ng crabs etc ."

"Maine? Kaloka, sa dami ng problema ko, hindi ko namalayang nadagdagan na pala ang probinsya dito sa Philippines." Inosenteng saad ni Frida

Humagalpak sa tawa si Josh sa sinabi ni Frida.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Inosenteng nyang tanong.

"No, Im sorry. Maine is a state in US." Ani Josh

"Alam ko. Im just trying to be funny." Ngunit halata sa mukha ni Frida na wala syang ideya sa lugar na iyon.

Di parin mapigilan ni Josh ang mapangisi. Sigurado syang hindi iyon biro ni Frida.

"So laking states ka pala. Sosyal."

" To be honest, nag stay din ako dito sa Philippines nang kunin ako ni Mama. Dito na ako nag highschool and eventually bumalik din ng States para mag aral sa California. And the rest is history."

"Nakaka awa ka naman pala kung ganun..tsk tsk.."

"Why?" Takang tanong ni Josh habang nakataas ang isang kilay.

"Feeling ko lang naman. Parang ang gulo ng life mo. Parang ang hirap naman na palagi ka nalang naga adjust sa paligid mo and even friends. Hindi ka ba nahirapan nang ganun?"

"Hindi naman. Nasanay na din naman ako. Saka hindi naman ganun kahirap. I have friends naman kung yun ang inaalala mo. Marami ding girls ang habol nang habol sakin kaya hindi ako nawawalan ng mga kaibigan on my side. They like me, you know " kaswal na saad ni Josh

"Wow ha, ang hangin bigla." bulong ni Frida.

"What'd you say?"

"Wala, ang sabi ko kaya pala ganyan ka ka-l!berated kasi lumaki ka sa America." Walang ka preno prenong saad ni Frida.

"What?" Natatawang ani Josh. "Saan naman nanggaling iyon?"

"Kasi sabi mo kagabi ay bale wala sayo yung k*ss. Hindi ka naa apektuhan ng mga simpleng k*ss na tulad nun dahil sanay ka na. Tama ba ako?" Walang kagatol gatol na tanong ni Frida.

"W-well..Y-yeah. Sanay naman na ako sa greetings ng mga American friends ko." Umiwas ng tingin si Josh. Hindi nya maiwasang mahiya sa kanyang kaharap.

"Good. Wala pala akong dapat na ika guilty kung ganun." Tumayo si Frida sa kanyang pagkakaupo sa buhangin saka pinagpag ang kanyang shorts. " 'lika na. Nagugutom na ako."

Hindi na hinintay ni Frida ang magiging sagot ni Josh.

Napakagat lang ng labi si Josh sa pag iwas ni Frida sa usapin sa nangyari kagabi. Frida is really an "interesting woman" and he wanted to know more about her.

Nagbalik sila ng beach house matapos niyon. Ipinagluto rin ni Josh si Frida nang masarap na garlic and butter crab in chili sauce na hindi maitatangging napaka sarap talaga.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now