Chapter 2

327 9 0
                                    

Tumayo si Frida mula sa kanyang pagkakahiga.

Hindi na nya kaya ito .

Hindi na nya kayang manatili pa rito sa apat na sulok ng kwarto nila ni Monsur . All the corners of this room reminded her those beautiful time that they were together in this room. Those magical moment that they shared on that bed , on the window, on the couch and even in the bathroom, where they shared those passionate kisses almost the whole day.

Tumakbo sya sa harap ng malaking closet saka natatarantang nilabas ang isang malaking shoulder bag at mga damit nya mula roon .

"I need to get out of here...I need to get out of here now ..." Bulong ni Frida sa kanyang sarili.

Kinuha nya ang sa tingin nya 'y kakailanganin nya sa kanyang pag alis. At kung saan man iyon , hindi pa sya sigurado.

Frida is always like this. She is so impulsive on her actions. Kapag hindi na nya kaya ang sitwasyon , she will try to scape the situation, no matter what katulad ng ginawa nyang pag suicide attempt dati.

Pasado ala una na ng lumabas si Frida ng kanyang bahay. Hindi namalayan ng mga katulong ang lihim nyang pag alis nang gabing iyon.

Sakay ng kanyang kotse ay tinahak nya ang daan patungong Buendia kung saan naroon ang ilang bus station patungong South area.

Hininto nya ang kanyang sasakyan sa isang parking lot na malapit sa bus station saka nagdesisyong sumakay mula roon patungong Quezon Province.

Hindi makapag proseso ng tama ang kanyang isipan marahil ay dala narin ng alak na iniinom nya kanina.Ang gusto nya lang ngayon ay umalis sa lugar na iyon at magpakalayo layo muna. Pakiramdam nya kasi'y anytime ay mababaliw na sya sa kakaisip kay Monsur. Kung ano ano narin ang tumatakbo sa kanyang isipan at hindi nya nagugustuhan ang mga iyon.

Di nagtagal ay umusad ang bus patungong Quezon Province.

Ilang oras lang ang naging byahe nya. Nasinag pa sya sa mataas na sikat ng araw ng bumaba sya ng bus.

Nasaan na ba sya banda ?

Luminga linga si Frida sa kanyang paligid. Nakita nya ang mga signboards ng mga sasakyang dumadaan sa kanyang harapan. Nakalagay roon ang lugar patungong Mauban Quezon .

Bitbit ang kanyang bag ay sumakay sya ng van patungong Mauban. Ang tanging alam nya lang ay gusto nyang magpakalayo layo at kalimutan muna ang sakit na dulot ng pagkawala ni Monsur.

"Hi, Ate, papunta ka rin ng Cagbalete? " tanong ng dalagang katabi nya sa van .

"Cagbalete?" Bulong ni Frida.

"Yup, papunta rin kami doon . I heard napaka ganda raw ng place na yun at iyon daw ang Next Boracay ng South." Madaldal na saad ng dalaga.

Tumango lang si Frida.

"Saan ka naka check in ? Kami si La Luz resort, maganda doon maraming lights sounds and party- party at night. " Saad pang muli ng dalaga.

Noon lang napansin ni Frida na tila lahat ng sakay ng van na iyon ay magkakasama papuntang isla.

"Ahm..wala pa.."

"I see, so daytour ka lang pala. Naku sayang Im sure mabibitin ka sa pag stay mo doon.Dont tell me hindi kita sinabihan " Sabay ngiti ng ubod na tamis ng dalaga.

Tumango lang muli si Frida. Bakit nga ba hindi nalang sya magtungo sa islang sinasabi ng dalaga. Baka sakaling sa pagpunta nya doon ay makahanap sya ng katahimikan ng isip.

Sumabay si Frida sa mga kabataan papuntang Cagbalete sakay ng bangka.

"Ahm...bukod sa La Luz , ano pang ibang resort mayroon doon?" Tanong ni Frida sa dalagang kanina pa kwento ng kwento sa kanya.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now