CHAPTER 28

130 4 0
                                    

"Malaki na ang losses ng inyong company simula nang mamatay si Monsur. And in order to save it, ibinenta sa akin ni Maverick ang ilang shares ng JoyExpress." Pag amin ni Hanz "Noong una ay wala naman ako masyado interes sa Company nyo. I just want to expand my business and grow my assets. Pero di ko alam na ibinebenta ni Maverick ang Company behind your back. Ang sabi nya ay nagconsult na sya kay Nicole at lahat ng desisyon ay ibinigay niyon sa kanya"

"At naniwala ka naman? You are unbelievable." Di makapaniwalang saad ni Frida. "And then you tried to fool me too. Nakipaglapit ka sakin para kunin ang loob ko knowing that I have the biggest share sa Company, right?" Nanlilisik na tingin ni Frida. Ginamit lang sya ni Hanz.

"At first Yes, I admit!" Matapang na pagamin ni Hanz. "But everything's change nang makilala kita. Lahat ng plano ko nagbago...dahil natutunan kitang mahalin. Please forgive me Frida. Kung gusto mo, ibabalik ko ang lahat mapatawad mo lang ako--"

"No need. The damages has been done. Sinira mo na ang tiwala ko sayo. Pagbabayaran nyo ito ni Maverick. I will file a case, kaya humanda kayong dalawa." Banta ni Frida. Padabog na tumayo si Frida sa kanyang upuan. Hindi na nya mapapatawad pa ang ginawa nitong panloloko sa kanya...sa kanila.

That night ay nagpaka lunod si Frida sa alak. Heto ba ang hatol sa kanya ng langit? Sa kanyang mga kasinungalingan at kasalanan?

Kailangan nyang ayusin ang gusot na ginawa ni Hanz. Kailangan nyang makumpronta si Maverick. Hindi sya makakapayag na hindi pagbayaran ng dalawa ang ginawa ng mga ito.

Frida dialed Wilson's number again. Pero hindi sinasagot ni Wilson ang kanyang tawag.

"F*ck. I wish you were here to give me advice..." Ani Frida saka hinilig ang ulo sa bar counter.

Kanina pa sya naroon sa bar upang magpakalunod sa alak. Pakiramdam nya nagiisa sya ngayon..wala syang karamay at gusto na nyang umiyak.

"Maam, maam, magsasara na po kami" Niyuyogyog pa ng bartender si Frida na naka tulog na sa ibabaw ng bar counter.

"Haay..paano na ito?" Tanong ng bar tender sa isa pang waiter na naroon.

"Subukan mo tawagan isa sa mga kakilala nya para masundo sya" Utos ng waiter.

Sakto naman nang oras na iyon ay tumunog ang cellphone ni Frida at nakareceived ito ng text.

"Where r u?" -Josh

Iyon ang text na nareceived ni Frida sa kanyang cellphone na nabasa ng bar tender.

"Oh, ayan. Tawagan mo na yan." Utos muli ng waiter.

Nagreply ang waiter gamit ang cellphone ni Frida. Sinabi nito na naroon si Frida sa bar at kinakailangan na itong sunduin sa kadahilanang magsasara narin ito.

Wala pang 30 minutes ay mabilis na nakarating si Josh sa bar na kinaroroonan ni Frida upang sunduin ito.

"Frida, is everything okay?" Tanong ni Josh sa mahimbing na natutulog na si Frida sa kanyang tabi na noo'y nasa passenger's seat na.

Hindi sumagot si Frida. Bagkos ay umungol lang ito habang mababakas ang lungkot sa mukha.

Ano kaya ang problema ni Frida?..tanong ng isip ni Josh.

Nang makarating sila nang bahay ay inakay ni Josh si Frida sa paglalakad habang ito ay pasuray suray.

"Nasaan na tayo Josh?" Natatawang tanong ni Frida. Sa sobrang kalasingan ni Frida ay tila hindi na alam nito ang nangyayari.

"We're home. Ihahatid na kita sa kwarto mo, okay?"

"Hmmm"

"Bakit ba nagpakalasing ka ng sobra?"

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now