CHAPTER 22

128 6 0
                                    

Sinabi ni Frida sa kanyamg sarili na after Christmas nya sasagutin si Hanz ngunit dahil sa hinihingi ng sitwasyon ay kinakailangan nyang gawin ito ngayon.

Alam nya sa kanyang sarili na unfair para kay Hanz na gawin nya itong panakip butas. Pero anong magagawa pa ba nya? Naiipit na sya sa dalawang naguumpugang bato at iyon lang ang tanging naiisip nyang paraan ngayon.

Malapad ang pagkakangiti ni Hanz na naroon sa kabilang parte ng mesa.

"Is it true?!" Di makapaniwalang saad nito.

"Omg! Im so happy for you mom! Congrats Hanz, nakuha mo narin ang matamis na oo ni mommy" kinikilig na saad ni Nicole na animo'y teenager.

"Great" Naparolyo ang mga mata ni Josh sabay lagok ng wine. Kanina pa sya nagtitiis. Konti nalang ay sasabog narin sya.

"Wow...congratulations!" Malakas namang bati ni Wilson na may halong panguuyam.Malakas ang kanyang naging palakpak kasabay ang nanlilisik nitong mga tingin. This is the most st*pid thing he ever heard on a Christmas day. " Then, I hope you had a MERRY Christmas Frida,congrats to the both of you." Padabog nyang hinagis ang kanyang table napkin sa ibabaw ng mesa. ..Nakakawalang gana nang kumain kasabay ang mga ito.

"Kuya?!" Sita ni Nicole sa naging ugali ng kanyang kuya.

Ngunit hindi na muling tinapunan ni Wilson nang tingin ang mga kasama.

Huminga ng malalim si Frida. Alam nyang galit si Wilson. Alam nyang nasaktan nya ito. Ngunit kailangan nyang gawin iyon. Para sa ikatatahimik din nito.

"Hayaan mo na sya.." Ani Frida sa anak anakang si Nicole."Im sorry...hindi lang siguro sya handa pa para rito. Dont worry kakausapin ko sya" Baling naman ni Frida kay Hanz.

"It's okay I understand." Ani Hanz na may malapad paring pagkakangiti.

"Dont worry about him. Ganyan lang talaga si kuya masyadong killjoy yan eversince naman. So, let's cheers to your happiness."
Masayang saad ni Nicole sabay taas ng kopita.

"To our happiness!" Masayang saad ni Hanz habang nakataas ang sa kanya paharap kay Frida.

Alanganing ngiti lang ang ginanti ni Frida kasabay ng pagtaas nya ng baso.

Pasimple nya ring tiningnan si Josh na naroon sa kabilang upuan na tila walang kainte interes sa nangyayari. Habang si Wilson naman ay napansin nyang nanggaling sa taas palabas nang pinto dala ang susi ng sasakyan nito. Gustuhin mang pigilan iyon ni Frida ay wala syang magawa kundi ang manatili sa kanyang kinauupuan....Nagaalala ba sya sa nararamdaman ngayon ni Wilson? O baka nahihirapan din syang makita itong nasasaktan dahil sa kanyang kagagawan?

After ng munting salo salo ay nagkaroon naman ng konting palaro si Frida para sa kanila at sa mga kasambahay nya na sina, Mameng, Natty, Manang Belen at ang kanilang family driver na si mang Victor. At ang pinaka main ng event na pa raffle ni Frida para sa mga katulong ay talaga namang inabangan ng lahat dahil namigay si Frida ng 30,000 para sa grandprice na kung saan ay si Manang Natty ang nanalo. Masaya ang matanda dahil may maidaragdag na syang padala para sa pamilya sa probinsya.Natapos ang gabi na puno ng kasiyahan at tawanan.

Past 2AM na nang magdesisyon si Hanz na umuwi habang si Nicole at Josh naman ay nauna naring magpahinga sa kanya kanyang kwarto. Pagod narin sila sa byahe at sa naganap na small christmas celebration.

"I still cant believe na tayo na talaga." Ani Hanz habang hawak ang isang kamay ni Frida papalabas ng malaking gate ng mansyon.

"Are you that happy? Kanina ka pa dyan ngiting ngiti, eh." Natatawang saad ni Frida.

"Of course,may iba pa bang pwedeng dahilan? I am with the most beautiful woman right now. Wala nang mas sasaya pa sakin ngayong gabi kundi ang makasama ka, Frida ." Sabay halik ni Hanz sa likod ng kamay ni Frida na kanina pa nakakulong sa palad ng binata.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now