Chapter 12

155 3 0
                                    


"Hello hon...how are you?" Bati ni Frida sa harap ng puntod ng kanyang yum*ong asawa. "I hope happy ka, kung nasaan ka man."

Dala ni Frida ang boquette ng sari saring bulaklak para sa yum*ong asawa.Inilagay nya iyon sa isang vase na naroon sa puntod.

"Kung ako naman ang tatanungin mo, okay lang kami."Naupo si Frida sa tabi ng puntod ng asawa saka isa isang dinampot ang mga tuyong dahon na nasa puntod.Have you seen Nicole lately? She's so pretty sa kanyang bagong looks plus sobrang galing nya rin mamahala ng business mo. I am so proud of her. Si Wilson naman,the usual, busy parin sa kanyang bagong business and napaka metikuloso pagdating sa mga details. No wonder maraming nagkakagusto sa kanya." Natawa ng bahagya si Frida at muli ay ikinuwento na ang tungkol sa kanya."By the way hon, remember Hanz? Naikwento ko na sya sayo before .Hindi parin sumusuko ang taong iyon sa kanyang panliligaw. Wala akong nararamdamang spark or connections sa kanya, pero ano sa tingin mo...maaari ko na ba subukang magmaghal muli?" Ani Frida.

Kasunod niyon ay umihip ang malamig na hangin. Animo'y isa iyong sagot sa kanyang katanungan mula sa dati nyang asawa.

"I guess you're right." Nakangiting saad ni Frida habang dinadamdam ang malamig na hangin nang oras na iyon.

Naalala niya ang huling habilin sa kanya noon ni Monsur bago ito mamatay.

"Frida , I want you to be free . I want you to fall in love and be love again." Ani Monsur .

"No, Monsur , dont say that. I will never love anyone. I will never leave you. So for goodness sake , tigilan mong magsalita ng ganyan." Naiiyak na saad ni Frida.

"Soon ...I'll be gone....and I want you to be happy kahit wala na ako." Mararamdaman ang panghihina sa boses ni Monsur. Hindi na kinakaya nito ang sakit na nararamdaman. "Ipinapaubaya na kita kay Wilson. He will take care of you ...."

"Ano bang sinasabi mo?!" Naguguluhang tanong ni Frida habang ang mga luha ay naguunahang tumulo sa kanyang pisngi. Nararamdaman nya ang hirap na nararamdaman ng kanyang asawa.

Ngunit hindi na nasagot pa ni Monsur ang kanyang katanungan. Nang oras na iyon ay bin*wian na ito ng buhay.

For two years pagkatapos ng kanyang pagluluksa, ngayon ay naiintindihan na ni Frida ang nais ipabatid ng asawa. At alam nyang magiging masaya ito para sa kanyang susunod na kabanata. ...

"Are you free tomorrow?"

Yan ang tanong ni Hanz kay Frida kahapon.

"Yeah. Why?"

"Tomorrow is my birthday." Kaswal na saad ni Hanz .

"What?! Ba't di mo ako agad sinabihan ng mas maaga?" Ani Frida. Napahinto na sya sa pagaayos ng mga loafbreads na nakapatong sa estante.

"Nahihiya akong yayain ka. Actually, Im not sure kung magugustuhan mong samahan ako sa birthday ko." Saad ni Hanz sabay higop ng mainit na kape.

Naging kaugalian na lately ni Hanz ang magkape sa bakeshop nina Frida. Soon he will grab some goodies para sa mga empleyado nya.

"Of course! I dont want to miss a free meal" biro ni Frida.

Natawa ng marahan si Hanz. He really find her cute.

"I'll be at your house by 10AM will that be okay?" Nakangiting tanong ni Hanz

Napalingon si Frida sa kanyang ina na animoy nagpapa alam. Hindi sya sigurado kung okay lang na iwan nya ng ganun kaaga ang bakeshop. Marami pang customers sila kapag ganoong oras.

"Sige na, wag mo kaming alalahanin. Kaya na namin ito nina Mercy at ng kapatid mo. Nariyan din naman si Christian para tumulong" saad ni Amy na ang tinutukoy ay ang barista at serbedora ng kanilang bakeshop.

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now