"We need to work. Mamayang gabi na lang ang 'cuddle time' natin." Humagikhik ako.

He swayed our bodies into one, not breaking the body contact that we were having. "Are you giving me permission to make love to you?" Rinig kong inosenteng tanong niya.

Natutop ko ang bibig ko sa sinabi niya. "Caius!" Namumula kong singhal sa kanya.

"Kidding." I heard him giggle. Feeling the warmth of his hug. "I can wait, my queen. I love you," masuyong saad niya at hinalikan ako sa aking buhok.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. Hinatak ko siya palapit sa akin at inikot ko ang mga braso ko sa leeg niya. "Mas mahal kita." He grinned when he heard me say it.

He gave me quick peck on the lips and genuinely smiled again. "How many days is our extension?"

"Maybe three to five days, my king." I chuckled. "Maganda nga dito sa Canada pero, mas mahal ko ang trabaho ko sa Pinas."

Tumango siya habang nakangiti na parang lalaking kinikilig. "And I woke up everyday wanting to kiss and cuddle with you, babe."

Tinampal ko ang bibig niya. "At ano naman ang kinalaman ng sinabi ko sa sinabi mo?"

He just shrugged his shoulders while his eyes were so proud while looking at me. "You unexpectedly ignited my world in just one click."

Kumunot ang noo ko. "E , ikaw nga na biglaan nalang na pumasok sa buhay ko ay--"

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko roon ang isang naka-maskarang lalaki.

"Who are you?!" Narinig kong tanong ni Caius at saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Biglang sumilay ang kaba sa dibdib ko dahil sa hitsura ng lalaki na nasa harapan namin ngayon.

"S.X.M," narinig ko naman na sinabi ng lalaki.

SXM? Ano'ng ibig sabihin no'n? "Caius..." bulong ko. "K-kilala mo ba siya?"

Hinawakan lang niya ang kamay ko at nanatili ako sa likod niya. Pero, nagulat na lang ako nang biglang hinubad ni Caius ang t-shirt niya at hinagis kung saan. Tumalikod siya at sa tingin ko ay ipinakita niya ang tattoo na nasa likod niya.

"Mr. B," narinig kong sambit ng lalaki na nasa harapan namin.

Muling hinarap ni Caius ang lalaki at ang sumunod na nangyari ay mas lalong ikinatakot ko. "Head down!" I heard Caius roared kaya napasunod ako at hinila ko rin siya pababa.

Nanginginig na lumingon ako sa likod ko at gano'n na lamang ang gulat ko ng makita ang isang hindi ordinaryong kutsilyo na ngayon ay nakabaon na sa pader. Sa lakas ng pagkaka-baon dito ay sa tingin ko ay abot sa labas ang hiwa nito. Dahil halos hindi mo na makita ang kalahati nito.

Napatili ako at napayakap kay Caius. "Tell him that I will give him what he wants!" Rinig kong singhal ni Caius. "Just don't disturb me with my plans!"

Napatili ako ng isang kutsilyo pa ang nahagis niya at sa puntong ito ay malapit ito sa aking paa. Mas lalo akong nanghina sa takot. "Caius," mahina kong tawag sa kanya.

"One more knife and I swear you will rot in hell." Rinig kong pagbabanta ni Caius sa lalaki. Ngunit hindi ata ito nakinig at isa pang kutsilyo ang binato niya at napatili na naman ako dahil ito naman ay bumaon sa kaliwang bahagi ko.

"Caius!" Impit kong tawag sa kanya.

He lost his control and immediately stand up as he walk towards the man and with one dangerous move, he punched it once and the man fainted. My eyes widened at the sight. Hindi ako makapaniwala na sa isang suntok lang ay napatumba niya kaagad ang lalaki.

Nakaupo pa rin ako at nanlulumo. Bigla akong nawalan ng unawa sa nangyayari. Parang hindi ko kinaya na maitatak lahat sa utak ko.

"Don't move, I'll just get rid of him." Hindi ko na nagawang nakapagsalita sa sinabi niya dahil parang nawalan na ako ng gana.

Nanghihina akong napahiga sa malamig na sahig. Parang sa ilang sandali na lang ay mahihimatay na ako. Ewan ko kung makakaya ko pa. 

"Knives..." Now, I even had my latest fear.

"Hey..." Hindi ko namalayan na nandiyan na si Caius sa tabi ko. Bigla na lang niyang inangat ang katawan ko at niyakap. "Shh," pagkalma niya sa akin.

"Caius, hindi na siya babalik 'di ba? Hindi na... hindi na..." Paos kong sambit.

"I'll be more protective of you from now on. Shh, enough of it. I love you..." Sumiksik ako sa kanyang dibdib.

"'Wag mo akong iiwan, ha? Natatakot ako..." Hinaplos lang niya ng marahan ang likod ko at pa-ulit-ulit na hinahalikan ako sa aking buhok para tuluyan ng kumalma.

"Nandito ako palagi," bulong niya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

HINDI na natuloy ang business matters namin ngayong araw dahil sa nangyari kaninang umaga. May trauma pa rin ako at pakiramdam ko ay kapag lumabas kami ay baka biglang may humahabol na pala sa aming mga lalaki na may dalang mga matatalim na kutsilyo.

"Hot coffee my queen." He gave me one tea cup and I immediately took it from him

"Thank you." Tumabi siya sa akin dito sa kama at sinandal ang ulo sa headboard ng kama. "Na-inform mo na ba sila Arthur na hindi tayo makakapunta ngayon sa site?"

Kahit na sumimangot siya sa pagbanggit ng pangalan ni Arthur ay sumagot pa rin siya. "Yeah. I told him that something happened between us and you were so--"

"What the fúck?!" Halos matapon ko ang iniinom ko.

"Kidding. I said that it was already in the afternoon when you woke up." At least his excuse is legal enough to believe in.

Napamasahe ako sa sentido ko. Siguro nga, stressed pa rin ako sa nangyari kanina at parang hindi pa ako nakaka-recover. Kanina nga ay halos lumuwa ang mata ko dahil nakita ko kung paano niya naalis ang kutsilyo na nakabaon kanina. Isang hugutan lang 'yon!

I sipped my coffee and took a deep breath. Malaki ang tiwala ko kay Caius. Hindi niya ako magagawang saktan.

●♥●

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now