"I feel guilty..." Mahinang sagot ni Frida habang inaakay sya ni Josh papasok sa kanyang kwarto.

Nangunot ang noo ni Josh.

"Of what ?" Tungkol ba iyon sa kaniya ? ... tanong ng isip ni Josh

"Of everything ...." Bulong ni Frida.

Di maintindihan ni Josh ang ibig sabihin ni Frida ngunit ramdam nya ang lungkot na dala dala ng puso nito.

Marahan nyang ihiniga si Frida si kama nito. Naupo si Josh sa tabi ni Frida at matagal na pinakatitigan muna ito habang ito'y natutulog.

"Im sorry Frida. I hope I could ease your pain....Alam kong nahihirapan ka na. But dont worry, tatapusin ko na ang ano mang meron sa amin ni Nicole so we can live together." Ani Josh habang marahang hinihimas ang buhok ni Frida.

"F*ck you!" Isang boses iyon ng babae na kanina pa pala nakikinig sa kanya.

Naroon iyon nakatayo sa harap ng pinto na nakalimutang isara ni Josh.

"Nicole, let's talk about this outside." Napatayo si Josh at mabilis na lumapit kay Nicole.

"What is the meaning of this?!" Sigaw ni Nicole. "Totoo ba ang mga narinig ko?"

Hinawakan ni Josh si Nicole sa braso nito saka pilit na hinihila palabas ng kwarto ni Frida. Ngunit nagpupumilit si Nicole na manatili roon.

"Matagal nyo na ba akong niloloko talaga? Ano ang relasyon nyong dalawa?! Sagutin mo ako Josh!"

"Nicole keep your voice down." Sita ni Josh ngunit hindi nagpatinag si Nicole.

Unti unting nagising narin si Frida sa ingay na kanyang naririnig sa kanyang kwarto.

Nagulat din sya nang makita ang magkasintahan na naroon sa loob ng kanyang kwarto na nagtatalo.

"Anong kaguluhan ito?" Takang tanong ni Frida.

Kumawala si Nicole sa pagkakahawak ni Josh upang makalapit sa kanyang stepmom.

"B*tch!" Isang malakas na sampal ang ginawad ni Nicole sa pisngi ni Frida. Gulat at lito si Frida sa mga nangyayari.

"Stop it!" Pigil ni Josh sa kanyang girlfriend

"N-nicole, ano bang nangyayari?" Litong tanong ni Frida habang sapo parin ang kanyang pisngi.

"Kelan pa kayong dalawa nagkarelasyon? Tell me! Kelan nyo pa ako niloloko!"

"N-nicole, wala kaming relasyon.." Her voice cracked. Dumating na ang oras na kanyang kinatatakunan.

"You think ganun ako katanga? I saw you a couple of times, hindi lang dalawang beses kong nahuli kayong palihim na magkasama. Hindi lang ako nagsasalita dahil wala akong matibay na ebidensya. Pero sinagad nyo na ako ngayon..." Bumaling ang kanyang tingin kay Josh "At talagang iiwan mo ako para rito? She is a wh*re!"

Nanlaki ang mga mata ni Frida. Tila napako na sya sa kanyang kinatatayuan at di na nya nagawa pang ipagtanggol ang kanyang sarili.

"I said stop! Hindi ka ba talaga marunong makinig? Puro nalang ba talaga sarili mo ang iyong pinakikinggan?" Galit na saad ni Josh habang hawak parin si Nicole sa mga braso nito.

"I dont care!" Muling hinarap ni Nicole si Frida. "Magsalita ka, kelan nyo pa ako niloloko?"

"I-i didnt mean to...I swear to God hindi ko alam na boyfriend mo si Josh." Mabilis na nagunahan ang mga luha sa mga mata ni Frida. Pakiramdam nya ay nahihirapan syang huminga. Bakit napakalupit naman ng tadhana? Hindi pa nga sya nakaka move on kay Hanz, ngayon nama'y maiipit sya sa relasyon nina Nicole at Josh. Hindi sya handa para rito.

"You didnt mean? Huh! Sa tingin mo maniniwala pa ako sa inyong dalawa?And of all people ikaw pa talaga ang gagawa sa akin nito Frida?" Unti unti nang sumisilay ang luha sa mga mata ni Nicole. Di nya tanggap itong mga nalalaman nya ngayon.

"Im sorry Nicole..." Walang ibang salitang mamutawi sa bibig ni Frida. Alam nyang kahit anong paliwanag ang gawin nya ngayon ay hindi na katanggap tanggap.

"Hindi ka pa ba nakuntento, Inagaw mo na sa akin ang daddy ko ngayon naman ang boyfriend ko. Baka naman pati si kuya ay ahasin mo pa?" Akusa ni Nicole.

Hindi umimik si Frida. Pati si Josh ay nabigla sa pananahimik ni Frida...That means, pati si Wilson ay may lihim na relasyon kay Frida?

Mas lalong naghurumintado si Nicole sa naging sagot na katahimikan ni Frida. Hindi sya makapaniwala.

"F*ck pati ba si kuya Wilson? Mal*ndi ka! Mal*ndi! Isa kang halip*rot! Lumayas ka rito! Layas!!!" Walang pagsidlan ang galit ni Nicole.

Magkaliwaang sampal ang binigay ni Nicole sa kanyang stepmom. Kung wala nga lang doon si Josh ay malamang na nahablot nya ang buhok ni Frida.

"Nicole stop it! Di ka pa ba titigil?! " Asik ni Josh habang yak*p sa braso nya ang kanyang nobya upang pigilan iyon.

Hinil* ni Josh palabas nang kwarto ang kanyang nobya.

Naiwan si Frida na gulat parin at hindi makapaniwala sa mga nangyari nang gabing iyon. Wala syang magawa kundi ang mapaupo nalang sa sahig kasabay ang pagtagas ng kanyang mga luha.

Bakit ba nangyayari ang mga ito? Hindi naman nya kagustuhan ang lahat ng nangyari...Paano ba nagsimula ang lahat ng ito? Ngayon lang narealize ni Frida na maling mali ang ginawa nyang takpan ng isang kasalanan ang isa pang kasalanan.

Napaka walang kwenta nya! .. Galit na galit sya sa kanyang sarili.Alam nyang hindi sya mapapatawad ni Nicole kaya kinabukasan din ay nagdesisyon si Frida na umalis na nang bahay na iyon. Wala na syang dahilan pa para manatili pa roon.

"Friend....huhuhu" Mabilis na yinakap ni Cecile ang kanyang kaibigang si Frida matapos malaman ang lahat ng nangyari sa mansyon.

Nagtaka kasi sila nang malaman mula sa ina ni Frida na bumalik na ito sa kanilang bahay sa Antipolo.

"Im sorry friend kung wala kami noong time na kailangan mo kami." Ani Joey habang hawak ang isang palad ng kanyang kaibigan.

"Sinasabi ko na nga, wala talagang mabuting idudulot sayo ng Josh na yan!" Inis na saad ni Cecile.

"Alam nyo namang di ko sinasadya ang nagyari sa amin ni Josh noon. Huli na nang malaman kong boyfriend sya ni Nicole... Oo, aminado ako, naging marupok ako...Anong magagawa ko, tanga itong puso ko eh, sobrang tanga...na kahit sabihin kong pigilan ko at mali ang gustuhin ko sya, hindi ko magawang iwasan sya. Huhuhu" Frida breakdown.

Ngayon lang nasabi ni Frida ang lahat ng ito sa kanyang mga kaibigan. Hanggat maaari kasi ay pinagtatakpan nya ang kanyang totoong damdamin para kay Josh kahit na halata rin naman nina Cecile at Joey ang kanyang totoong nararamdaman para sa binata.

"Its okay, friend. It's okay..." Niyakap din ni Joey si Frida. Naaawa sya sa kaibigan. Di nya rin maiwasan ang maiyak sa pinagdadaanan ni Frida. Alam nilang may pagkakamali ang kaibigan ngunit di tamang pagalitan at sisihin pa nila ito ngayon. For now, they'd like to hug Frida and console her.

Mali man ang naging desisyon ni Frida noon.. kailangan nyang gumawa ng hakbang upang itama ang lahat ng iyon. Kinakailangan nyang humingi ng tawad kay Nicole. Kailangan nyang patunayan na nagsisisi na sya. Kaya gagawin nya ang lahat upang maiayos ang kumpanya upang sa ganun lang ay makaganti sya sa kanyang mga kasalanan.

Makalipas ang ilang araw ay nagbalik sya sa opisina. Kailangang harapin nya si Maverick. Kailangan nitong pagbayaran ang ginawa nito sa pamilya ni Monsur. Babawiin nya ang dapat para kay Wilson at Nicole.

Ngunit isang mas malaki palang sekreto ang gigimbal sa kanya. Isang sekreto na wawasak sa kanyang buong pagkatao...

Frida ( COMPLETE )Kde žijí příběhy. Začni objevovat