"Anong plano mo ngayon? " Tanong ni Cecile

"Sa totoo lang, hindi ko pa alam. May choice ba ako? Dapat ko bang palayasin sya? O ako ang dapat na umalis?" Ani Frida saka muling tinungga ang laman ng bote

Nalungkot ang dalawang kaibigan ni Frida para sa kanya.

"So sinagot mo ba si Hanz dahil kay Josh?" Usisa ni Joey.

"Im sure di iyon magagawa ni Frida. Hindi nya magagawang maging panakip butas lang si Hanz, right friend?" Paninigurado pa ni Cecile.

Ngunit hindi sumagot si Frida sa tanong ni Cecile.

"F*ck! Did you really do that para lang makaiwas kay Josh?"

Sa halip na sagutin ni Frida ang kaibigan ay mas pinili nyang ubusin nalang ang laman ng kanyang alak.

"I am so disappointed...bakit ka kumuha ng isa pang bato para ipukpok ulit sa ulo mo? Di ka pa ba nadadala? Paano kung malaman iyon ni Hanz?And paano narin kung malaman ni Nicole ang tungkol sa inyo. Frida, ang dami mo nang taong sinasaktan sa paligid mo. Di ka pa ba nagi guilty?" Mahabang sermon ni Cecile sa kaibigan.

"Of course, nagi guilty ako. P-pero...pero...sobra na akong naiipit. Hindi ko na alam ang gagawin ko kagabi"

Napatayo si Cecile sa kanyang kinauupuan. This is not what she expect from Frida.

"I know this may sound like an excuse, pero plano ko na talagang sagutin si Hanz after Christmas. Di ko lang kasi ine expect na hihingin ng sitwasyon na mapapaaga ko syang sagutin." Ani Frida

Napahalukipkip si Cecile sa kanyang braso. Dismayado sya sa kanyang kaibigan.

"Okay Friend, since nariyan na iyan, focus ka nalang kay Hanz. Since ngayon ay boyfriend mo na sya, wala kang dapat isipin kundi sya. Kalimutan mo iyang si Josh at layuan mo sya. Hindi maganda kung malalaman ni Nicole ang tungkol sa naging past ninyo. Tiyak malaking gulo ito." Nangaalalang saad ni Joey.

"Iyon nga rin ang kinatatakot ko. Last night nahuli kami ni Wilson na nagtatalo. Hindi ako tiyak kung may alam si Wilson tungkol sa amin. Pero siguro mabuti narin iyon. Alam kong kahit papaano ay may kakampi ako sa bahay na iyon."

Napalunok si Joey at umiwas ng tingin kay Frida. She felt guilty dahil kasalanan ng madaldal nyang dila kung bakit naghinala si Wilson kay Frida at Josh.

"Then I guess, hanggat maaari umiwas ka nalang. Keep yourself busy sa shop and lumabas ka kasama ni Hanz. We will a company you if you need us. Okay?"

Tumango lang si Frida. Tama ang kanyang mga kaibigan. Sa ngayon, wala syang magagawa kundi ang iwasan muna si Josh. Good thing babalik din naman ng America ang magkasingtahan matapos ng Christmas vacation ng dalawa.

Ngunit akala ni Frida ay ganun kadali na iwasan nya si Josh. Ang hindi nya alam ay mas madalas pa nga nya itong makakasama nang dahil kay Nicole.

"Hmmm, bagay sa iyo ito mom." Ani Nicole habang namimili sila ng mga damit sa isang kilalang botique sa Greenbelt. Sikat ang botique na iyon sa mga mayayaman kaya naman may ilan ilan nang customers doon kahit na maaga palang.

"No, alam mo namang hindi ako nagsusuot ng mga ganyan." Tanggi ni Frida sa isang mini dress na may spaghetti strap. For her, masyadong sexy iyon at hindi sya mahilig sa ganoong klase ng style.

"You know what, bagay na bagay ito sa iyo, mom. Im sure kapag nakita ka ni Hanz na suot ito ay siguradong magugulat sya sayo." Nagniningning ang mga matang saad ni Nicole. "Comeon, try it. Sukatin mo na" Excited na utos ni Nicole kay Frida.

"Okay.."Romolyo ang mata ni Frida na nasa himig na napipilitan . Ayaw nyang magtalo pa sila ni Nicole kaya pinagbigyan nalang nya ang nais nitong isukat ang mga damit na napili ng kanyang stepdaughter.

Frida ( COMPLETE )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora