"Salamat po." Napangiti lang si Wilson saka inabot sa ginang ang cake na dala.

Mabait ang pamilya ni Joey at madali nyang nakagaanan ang loob pati ang mga pinsan nito.

Matapos niyon ay humiwalay sina Joey at Wilson sa karamihan habang ang iba ay nagiinuman at masayang nagkakantahan gamit ang videoke sa loob ng bahay.

"So, kamusta na kayo ni Frida?" Tanong ni Joey habang naglalakad sila sa hardin dala ang tagisang bote ng alak.

"Worst." Malungkot na pag amin ni Wilson.

"Huh, Bakit?" Takang tanong ni Joey saka naupo sa mahabang bench na naroon sa ilalim ng puno. Doon sila naupo at nagkwentuhan.

"Sinagot na nya si Hanz." Malungkot na saad ni Wilson.

"Hmmm..di na ako magtataka pa." Ani Joey

After nang event sa Attic Gallery ay naging close na sina Wilson at Joey. Unti unting nahuli ni Joey ang lihim na pagtingin ni Wilson sa stepmom nito na kanyang bestfriend naman.

Di na nagtaka pa si Joey nang malaman nya iyon dahil noon pa man ay mayhinala na sya na may malaking paghanga si Wilson kay Frida matapos bilhin nito ang set of her collections para lang makilala si Frida. At di nga sya nagkamali nang makilala nya ng personal si Wilson last month.

Nanghinayang si Joey, crush nya pa naman si Wilson ngunit ang kanyang romantic interest sa binata ay napalitan ng curiousity at kilig para rito at sa kaibigan.

"Ang complicated kasi ng relasyon nyo plus napaka slow mo pa."

"Ako, Slow?!" Pakiramdam ni Wilson ay nainsulto sya sa sinabi ni Joey.

"Yup. Anong gusto mong sabihin ko sayo...torpe, duwag, walang bay*g--"

"Hey foul na yan. Lalo mo namang pinasasama ang loob ko. Nakakatampo ka naman ."

"Eh kasi naman ang tagal na nyang feelings mo. Sa sobrang tagal mo nang binuro nangasim na at kahit ako si Frida ay di ko na tatanggapin yang pagibig mo. Realtalk lang ha, wag kang magagalit.Bukod sa napaka complicated ng relasyon nyo, sana di mo na pinaabot sa ganito ang lahat. Look at yourself ikaw lang ang nasasaktan ngayon."

"D*mn, I've tried so hard na putulin ko ang nararamdaman ko. Pinilit kong lumayo. Pero narito na sya eh...nakabaon na dito" Ani Wilson habang nakaturo sa kanyang dibdib.

"Im sorry Wilson..."

"Siguro nga it is better kung hindi nalang ako bumalik." Nilagok ni Wilson ang laman ng bote ng alak.

"Wilson, bakit hindi mo subukang magmahal nalang nang iba? Baka sakaling mabaling ang atensyon mo at unti unti mo syang makalimutan..."

"I've tried that before. Pero I just end up hurting them. Yung pain na nararamdaman ko, sa ibang girls ko lang din naibubunton at hindi tama iyon...mas lalo ko lang din sinasaktan ang sarili ko."

"Haaay ang hirap naman ng situation mo. Mas mahirap pa sa sitwasyon ko bilang babae" bahagyang natawa si Joey

"Bakit?"

"Ako kasi di ko iniisip yang lovelife na yan..hanggang nagulat nalang ako, Im already 35 na pala!" Malakas ang naging halakhak ni Joey "Lately pine pressure na ako ng family ko. Kelan daw ako magkaka boyfriend blah blah blah...haaay akala naman nila na ang lovelife ay tulad lang din ng pagsha shopping. Na kapag punta mo ng mall ay pipili ka lang ng gusto mo then, voila! May instant boyfriend ka na!" Malakas ang naging halakhak ni Joey

"Pero bakit di mo sinubukang makipag date? I mean maganda ka naman, mabait, may sense of humor Im sure maraming lalake ang nagkakagusto sayo kaya bakit di ka nagboyfriend?"

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now