"You are delusion*l, Miss Marseille. Hindi mo alam ang pinapasok mo." Banta ni Wilson

"I know." Maagap na sagot ni Frida. "At handa narin naman ako sa kahit na ano pang ipukol nyo sa akin." Matapang na dagdag pa nya.

Mabilis na inagaw ni Wilson ang braso ni Frida saka mariing ipinaramdam ang sakit na nagbabadyang maramdaman ni Frida sa oras na pakasalan nito ang ama nya. Halos madur*g ang buto nito sa mahigpit nyang paghawak.

"You are walking on a thin ice Frida...dont tell me, I didnt warn you." Nagtatagisan ang mga bagang ni Wilson sa pagpipigil ng galit. Pakiramdam nya ay mababaliw na sya at sasabog sa matinding pagnan*sa na paghiwalayin ang dalawa.

Pero ang mga sumunod na mga lihim na kanyang natuklasan ay biglang nagpabago ng kanyang mga plano.

Nalaman ni Wilson na may sakit ang kanyang ama na colon cancer. Hindi iyon alam ni Frida dala narin ng pakiusap ng kanyang ama.

Dahil doon ay hindi na nya napigilan pa ang kasal ng dalawa. Nagparaya si Wilson at saka umalis patungong states. Doon ay nilibang nya ang kanyang sarili at pinilit kalimutan si Frida.

Muli lang bumalik si Wilson ng Pilipinas after nyang malaman na lumala na ang sakit ng ama. Doon nya nakita kung gaano kamahal ni Frida ang daddy nila.

Sinubukan nyang mapalapit kay Frida at pilit iwaksi ang nararamdaman para sa kanyang stepmother.

Sinubukan nya...he tried his very best upang maging mabuti kay Frida, kahit na mahirap itong makasama sa iisang bubong. Kinakailangan nyang gawin ito para sa amang nahihirapan.

Hanggang sa pinatawag sya ng kanyang ama at ibinigay ang huling habilin nito....

"W-wilson, I want you to know ...how proud I am to have you as my son..." Nahihirapan na si Monsur sa kanyang pagsasalita.

"Dad, I am happy to have you too. I know you can do this, kaya mong lumaban" mapait na ngiting saad ni Wilson.

"No..my son, I cant continue..di ko na kaya..." Ani Monsur sa mahinang boses.

"Shhh...dad wag ka nang magsalita. Take a rest." Naluluhang saad ni Wilson. Naaawa sya sa kalagayan ng kanyang ama. Nahihirapan syang makita ito na nakaratay sa hospital bed na puno ng tubo at iba't ibang aparato na nakakabit sa katawan.

"I want you to make a p-promise, Wilson."

"Yes of course, anything for you dad." Maagap na sagot nya sa kanyang ama habang hawak ang isang kamay nito.

Hinila si Wilson ng marahan ng kanyang ama palapit rito . Saka bumulong sa kanyang kabilang tenga.

"Take care of Frida. I want you to make her happy....I know you have feelings for her..."

Nanlaki ang mata ni Wilson sa kanyang narinig...Anong ibig sabihin ng kanyang ama?!

"I-i didnt marry her out of love...Our marriage is fake." Bulong nitong muli.

Napaatras si Wilson sa kanyang narinig. All along ay niloloko sila ng kanilang ama. He lied to everyone, including Frida!

Napasapo ng bibig si Wilson. Kasinungalingan lang pala ang lahat. And he cant believe that this dy*ng man infront of him is nothing but a be*st! He is a monster!

Mabilis na tinalikuran ni Wilson ang kanyang ama. Muli ay nilunod nya ang kanyang sarili sa alak. Ilang taon silang niloko...ilang taon 'syang' niloko nito. All along, hindi nya parin pala kilala ang pagkatao ng kanyang ama. Bakit nga ba sya nagparaya? Para saan pa ang kanyang pagtitiis kung ang babaeng kanyang iniibig ay niloloko lang din ng ama nyang walang puso?

Wilson saw everything...he witnessed Frida's love for his father. Pero bakit ganito ang ginanti ng kanyang ama kay Frida? Niloko at ginamit lang ng kanyang ama ang babaeng kanyang iniibig. Did he really mean well that Frida is just his trophy?!

Matindi ang naging galit ni Wilson sa kanyang ama hanggang sa lagut*n ito ng hininga. Hindi sya nakaramdam ng kahit na anong awa rito. Walang luha ang lumabas sa kanyang mga mata sa araw ng libing ni Monsur. Ang kanyang puso ay puno ng galit..pagkamuhi...walang paglagyan iyon ng kahit na mumunting pagibig para sa kahit na sino.

Everyone made him like a fool. Simula sa exgirlfriend nyang si Monique, sa kanyang pinsan na si Blake hanggang sa ama nyang nagawang lokohin silang lahat.... They are all liars!

Matapos niyon ay itinago ni Wilson ng dalawang taon ang lihim ng kanyang ama. Why?...because he wants Frida to stay with them.
Gusto nyang bumawi sa kahit na anong paraan. Kung kinakailangang mawala pati ang kanyang presence ay gagawin nya just to give her time and peacefulness.

Kaya naman nag desisyon syang umalis at ibaling ang kanyang isip sa bagong negosyo.

All his dedication and effort turn into success. He manage to grow his business sa Singapore. At ngayong handa na syang muling harapin si Frida, natatakot syang muli nanamang mahuli sya sa pila.

Hindi sya makakapayag...7 years is enough already. It is too much, at hindi na nya kaya pang maghintay ng another year para ipagpaliban ang pag amin nang kanyang nararamdaman.

Huminga nang malalim si Wilson saka tumayo sa kanyang kama.

Binuksan nya ang malaking pinto ng kanyang walk in closet saka pumasok sa lob niyon. Mula roon, sa pagitan ng mga nakahanger nyang jackets and coats ay inabot nya ang isang painting.

"It's been so long...I miss you, my Heliotrope." Mapait na ngiting saad ni Wilson sa isang painting na naroon sa loob ng cabinet.

Isang magandang babae ang nakaupo sa paligid ng mga maliliit na bulaklak na kulay violet. Masaya ang mukha niyon at puno ng buhay ang mga mata.

Matagal nang nakatago ang painting na iyon sa kanyang kwarto at ni minsan ay hindi sya naglakas ng loob na isabit iyon sa kanyang kwarto. But this time, he decided to show it. It's time to reveal his biggest secret....

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now