Sasagot na sana ako nang tumunog yung cell phone niya, inis niya namang sinagot ito.

"What? Stop commanding me Belcher!"
Kunot noo niyang sabi, napakasungit niya talaga kahit sa mga kaibigan niya.

"Tsk! Im sorry baby, I have to go downstairs. I'll be back later, just wait for me" sabay halik niya sa noo ko at bumaba ng kama.

Nag-init ang mukha ko nang makita ang matambok niyang puwetan. Ang malapad niyang likod at nagpuputakang muscles sa braso at para siyang body builder.

"Stop staring at me like that or else, I will make love to you again at baka aakyatin ako ng mga gagong 'yon dito kapag natagalan ako"  pakiramdam ko lumiliyab na ang mukha ko dahil sa hiya.

Binato ko siya ng unan which  makes him laughed. Mabilis niya akong ninakawan ng halik sa labi at lumabas na ng silid. That handsome demon.

Napapangiti ako habang naghahalf bath, para na akong timang na kinikilig sa loob ng shower room. Gosh Coke, it seems that you didn't done with your teenage time.

Nanood ako ng movie ngunit hindi ko kinaya at inantok ako. Kaya habang nakahilata sa sofa ay nawalan ako ng ulirat. Nagising ako ng may narinig akong malakas na kalabog.  Nagulat ako at napahimas sa dibdib dahil ang pinapanood ko lang pala ang gumulat sakin. Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin ako sa wall clock.

Malapit na mag'ala sais ng gabi, mahigit 30 minutes din pala akong nakatulog. Nakaramdam ako ng gutom. Napabuntong hininga ako kasi hindi man lang ako inakyat ni Zach. Hindi pa ba nakauwi ang mga kaibigan niya?gusto ko ng kumakain, pero baka magagalit siya sakin kapag bumaba ako doon?

Magagalit kaya siya sakin kapag lumabas ako rito? Eh sa nagugutom na ako eh! Bahala siya diyan! Siguro nakipag-inuman siya sa mga 'yon. Maghahanap nalang ako ng ibang madadaanan papuntang kusina para hindi nila ako makita.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng room at pagdating ko sa sala ay walang tao, baka nasa office niya sila nag-iinuman o kung saang parte man ng bahay niya. Dumeretso ako sa dining room at meron ng nakahandang pagkain doon.

Iniwan agad ako ng mga maids ng makaupo na ako, napasimangot ako dahil mag-isa na naman akong kakain. Ayaw kasi nila akong samahan kumain dahil 'yon daw ang rules dito sa loob ng bahay.

Meron silang sariling dining, at habang kumakain ako ay iniisip ko si Zach. Gusto ko siyang makasama sa hapag ngayon, pero alangan namang makiistorbo ako doon sa loob.

Nawalan ako ng gana, kaunti lang ang nagalaw ko sa plato at uminom nalang ako ng tubig at tumayo. Napabuntong hininga ako ng ilang beses at naglakad paalis. Natigilan ako nang may nakita akong isang hall way, hindi ko alam kung saan papunta ang daan na 'yon. Naglakad ako at may nakita akong pinto, it was a glass door na hindi naisara ng buo.

May maraming halaman sa labas at lights at ngayon ko lang narealize na sa pool side din pala ang labasan ng door na ito, ngunit natigilan ulit ako nang may marinig akong mga tawanan.

"Well, the truth will never change na kinain mo rin ang sinabi mo Zach!"
Narinig ko ulit ang mga tawanan nila at nakita ko si Zach na Nakangisi rin.

"Stop it devil's, I will not eat what I have vomited."
Bigla silang natahimik lahat at pati ako ay bigla nalang kinabahan sa hindi malamang dahilan.

"Oh? What do you mean by that? Kita naman namin na inlove kana doon sa Coke mo" narinig ko muli ang iilang tawa nila.

"Shut up Belcher! I'm not, girls are just a toy. You don't know what kind of tactics I'm doing right now para lang mapasa akin ang anak ko pagdating ng araw. I don't need a woman because they are just a toy!"

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. No! This is not true! No. Naglandas ang mga luha ko at halos hindi ako makahinga dahil sa tindi ng paninikip ng dibdib ko.

"I thought you were inlove tado!"

"Inlove with revenge! " Muling nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na narinig ang pag-uusap nila dahil mabilis akong lumisan sa lugar na 'yon. Para akong lasing habang papasok ng room, napuno ng pagkamuhi ang puso ko nang marealize na ang batang nasa sinapupunan ko lang pala ang kailangan niya. Nagpapanggap lang pala siya para makuha yuang loob ko, niloloko niya lang ako. Napahawak ako sa dibdib ko, nasasaktan ako ng sobra, sumasakit ang puso ko dahil napakagaling niyang magdrama. Ang galing niya kung ganun!

Dahil nagawa noyang pagaanin ang loob ko, he was good at making me fall for him at 'yon ay parte lang pala ng plano niya. Paghihiganti parin pala ang nais niya, tangang-tanga ako sa sarili ko.

Napakawalanghiya niya! Wala siyang puso! I hate him! I hate him so much!

DW3 > jayewel

KEEP READING AND ABANGAN NIYO ANG SUSUNOD NA PANGYAYARI MGA DUDAY.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary Zares (COMPLETED)Where stories live. Discover now