Napakagat si Frida sa ibabang labi nya. Inaasahan nya nang tatanungin din sya ni Hanz ng tungkol dito.

"Of course." Nakangiting saad ni Frida kahit na hindi talaga sya sigurado pa...

"R-really?" Hindi makapaniwala si Hanz. Sa totoo lang sa lahat ng babaeng niligawan nya ay dito lang sya nahirapan kay Frida.

For him, Frida is different from all the girls he dated. Hindi nya maipaliwanag pero simula ng makilala nya si Frida ay parang naging ibang tao na sya. Dati rati ay kapag ginusto nya ang isang bagay, gagawin nya ang lahat makuha nya lang iyon. He will use all his charm, money and connection to get what he want. Pero with Frida, its different. Kaya nyang maghintay.

Napaka simpleng babae lang ni Frida. Kahit na nga ito na nga napamanahan ng bilyonaryong si Monsur del Thiero , nanatili parin itong simple. Hindi mo nga makitaan na nagsusuot ito ng mga expensive and branded clothing at bags sa mga date na tulad nito. Hindi nya rin nakitang nagsu suot ito ng maraming alahas kapag lumalabas. Tama na ang pares ng hikaw at kuwintas ang suot ni Frida. Di rin ito mahilig sa magagarang sapatos. Nanatili si Frida na humble at simple sa kabila ng yaman nito at isa iyon sa nagustuhan ni Hanz kay Frida. Napaka kwela din nito minsan ng hindi nito sinasadya and that makes her shine more. Nagagawang mapatawa ni Frida si Hanz ng walang ka effort effort.

"Yes. But can you still give me more time? Alam mo naman na... I've been through alot. At hindi ganun kadali ang lahat nang pinagdaanan ko."

Alam ni Hanz ang tinutukoy ni Frida. Lahat ng tungkol rito ay alam na niya. Kung saang pamilya ito nanggaling , kung ano ang pinagdaanan nito ng mawala si Monsur . Walang itinago si Frida tungkol sa kanyang buhay. Kahit na para sa iba ay negatibo iyon, for Hanz it was her imperfection that makes her become a great woman.

"Frida, Im willing to wait. Ngayon pa na sinabi mong may chance ako. Hindi ko na magagawang mag backout pa." He hold her hand with sincerity. " Frida. Let me help you move on. Let me make you happy , Frida. Im willing to give everything and do anything just to make you happy."

Tumango lang si Frida.

"I'll let you know" Nakangiting saad niya muli.

"Of course." Malapad na pagkakangiti ng binata. He had never been so sure in his lifetime . he knows what he want and what he needed more .

They parted ways with smile in their faces. Hindi maiwasang mangiti si Frida sa nakitang reaction ni Hanz. He looks like a different person today. Parang bata ito sa naging kilos nito. Tila nabawasan ang pagka cool nito sa ipinakitang excitement. He seems nice naman kahit na madalas formal at serious ang looks nito.

But why does it seems like , something is lacking? Maybe spark ?...connections ? ...Magic ?... She dont know.

Instead, she made a promise and enough na iyon kay Hanz para mas lalong magpursige ito sa pangliligaw kay Frida.

LUMIPAS ang mga araw at lalong naging masipag si Hanz sa kanyang panliligaw . Everyday ay nagpapadala ito ng bulaklak sa bakeshop ni Frida. Madalas din itong gumawa ng surprises mapasaya lang si Frida.

"Sigurado ka na ba, Frida?" Tanong ng kanyang ina na si Amy nang makita ang pumpon ng bulaklak na muling dineliver sa shop nila.

"Mabait naman po si Hanz. Galing sa respetadong pamilya at wala ata akong maipipintas sa tao."

"After kasi mamatay ng asawa mo, hindi ka na tumanggap ng ibang manliligaw. Naisip ko lang, talaga bang sigurado ka nang kaya mo ng magmahal muli?Noong nakaraang linggo lang ang sabi mo hindi ka pa handa pumasok sa kahit anong relasyon." May panunumbat sa tono ng kanyang ina.

"Hindi ko rin alam pa, Ma. Pero gusto kong subukan muli." Ani Frida na hindi makatingin sa ina.

"Ayoko lang na padalos dalos ka nanaman sa mga desisyon mo. Sino ba ang nahihirapan, diba ikaw rin?"

Hindi na nagawa pang sumagot ni Frida. Tama naman kasi ang sinabi ng kanyang ina. May mga desisyon syang hindi nya pinagiisipang mabuti.

Noong nabubuhay pa ang kanyang asawang si Monsur ay todo ang pag tutol ng kanyang mga magulang na maging boyfriend nya ito.

Maraming masasakit na salita ang sinabi ni Amy sa anak at sa boyfriend nitong malayo ang tanda kay Frida. Halos magkaedaran lang kasi si Henry na papa ni Frida at si Monsur. Dala ng pagtatampo sa hindi pagsuporta sa kanya ng mga iyon ay nagdesisyon si Frida na pakasalan si Monsur ng yayain sya nito. Nagulat nalang sila Amy at Henry sa ginawa ng anak. Matagal na hindi nagimikan ang magina. Hanggang sa nagkasakit si Monsur ng cancer.

Iyon ang matagal nang kinatatakutan ni Amy at Henry kaya tutol sila kay Monsur. Alam nila na darating ang araw na iiwan ni Monsur ang kanilang anak dahil narin sa katandaan nito. At tiyak madudurog ang puso ni Frida dahil doon at hindi nga sila nagkamali. Dahil tuluyang winasak ni Monsur ang kanilang anak sa pagkamatay nito.

"Anak, sana pagisipan mo muna ng maigi ang magiging desisyon mo ngayon. Ayoko makita ka ulit na sinisira mo ang iyong sarili ng dahil lang sa isang lalaki. Matanda ka na, matuto ka na sa buhay." Pangaral ni Amy sa anak.

Napakagat labi si Frida. Tama ang sinabi ng kanyang ina....

Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now