"Ahm..ahm..ahem"She clears her throat . Hindi nya alam kung ano ang kanyang dapat sabihin. Makasama nya lang ang lalaking ito sa kanyang tabi ay parang sasabog na ang kanyang puso.

"Are you okay? Bakit namumula ka?" Tanong ni Josh nang mapansin ang pamumula ng magkabilaang pisngi ni Frida. Sinapo ni Josh ang pisngi ng huli."You feel hot."

Itinaas ni Frida ang kumot upang itago ang kalahati ng kanyang mukha. To be honest, sobra syang nahihiya sa nangyari sa kanila kagabi. Imagine, who would ever think na magkakaroon pa sya ng one night stand sa isang mas bata at gwapong tulad ni Josh?

"W-wala ito." Di mapigilan ni Frida ang kiligin. Bakit ba parang mabilis na nagbago ang ihip nang hangin sa kanilang dalawa? Bakit naging ganito nalang bigla ang kanyang nararamdaman ngayon?

Tila ba lahat nang mga ala ala ni Monsur ay panandalian nyang nakakalimutan.

"Hmmm... You're blushing..." Tudyo ni Josh kay Frida sabay kiliti sa bew*ng nito.

"Eeeiiih! Stop it, Im not blushing " sita ni Frida sa patuloy na pagkiliti ni Josh sa kanya. Para silang mga bata na naghah*rutan pa.

Mabilis na puma*ibabaw si Josh kay Frida at ikinulong sa mga bisig nya. Matagal nyang tinitigan muna si Frida. He never felt this happy nung sila pa ni Nicole. He never had those crazy and uncontrollable feeling na tulad ng kagabi.

Walang ano ano ay pinaliguan nya muli si Frida ng h*lik.

Napatili si Frida dahil sa nakakakiliting pag h*lik sa kanya ni Josh sa likod ng kanyang tenga. And it ended in a most beautiful way. They shared that bed with moans and laughter...

"Please stay..." Bulong ni Josh habang nilalaro ang hibla ng buhok ni Frida matapos ang nangyari.

"I cant. Magagalit sakin si Mama. I promised na uuwi na ako ng Maynila today." Kaswal na saad ni Frida.

"Sige na...just one more day. Please?" Pagmamakaawa ng binata.

"As much as I wanted to, pero hindi pwede."

"Oh, Frida c'mone. Are you going to leave me here alone?"

"Napagusapan na natin ito kahapon. I told you, uuwi na ako ng Maynila ngayon."

"Then, how can we get in touch. Can I have your number?"

"Nope." Kaswal na sagot ni Frida.

"But why?!"

"Josh, what happened last night is just..just a one night stand. Its nothing, okay?"

Hindi sumagot si Josh.

"Lasing tayo, malungkot and vulnerable. Nadala lang ako. Nadala lang tayo, right?"

"So, ganun lang yun?"

"Of course. May iba pa ba?" Kaswal na saad ni Frida.

Hindi sumagot si Josh. He thought they have something. A special kind of something...but he was wrong.

"Dont worry. Makakalimutan mo rin ako. Makakalimutan din kita." Mahinang saad ni Frida. Ang mga salitang iyon ay tila isang punyal na tumusok sa puso ni Josh. "Its just a one night stand. Kaya it's better kung hindi natin hahanapin ang isat isa. Promise me, hindi mo ako hahanapin, okay?"

Nakakunot noong tumango lang si Josh. Hindi nya maintindihan si Frida. He thought iba sya sa mga babaeng nakilala nya. Pero she is just the same like those girl he met for one night stand.

"Fine, then I guess we need to pack your things na. I'll help you. Wait"

Sandaling nagpaalam si Josh para magtungo sa CR habang si Frida ay nag aayos ng kanyang sarili.

May isang parte ng kanyang pagkatao ang pinagsisihan ang naging desisyon nyang iyon. Tama bang iwan nya rito si Josh na nagiisa at malungkot parin? Tama bang umalis sya at tapusin nya na agad ang isang relasyong halos hindi pa nga nagsisimula?

TING!

Tumunog ang cellphone ni Josh na nasa ibabaw ng side table. Bumukas iyon ng kusa at nag appear ang home screen niyon.

Nabigla si Frida. Isang larawan ng dalawang mag couple ang naroong naka save sa cellphone. Kilala ni Frida kung sino ang babaeng naroon sa picture. Kahit bali baliktarin pa ni Frida ang angulo ng mukha ng babae, natitiyak ni Frida na ang babae sa cellphone kasama ni Josh ay walang iba kundi si Nicole. Ang anak ni Monsur na si Nicole. Her daughter, Nicole!

Nagmadaling tumayo si Frida sa kama ng binata at napahawak sa kanyang ulo.

" Mali" Naguguluhang saad ni Frida. "Hindi ito totoo..." Muli nyang nilingon ang cellphone ng binata upang muling titigan ang larawan. Ang sweet ng dalawa sa kuha nilang litrato.

Hindi na nag hintay pa si Frida sa pag balik ni Josh. Mabilis syang lumabas ng kwarto nang binata at bumalik sa kanyang kwarto. Isa isang inempake nya ang kanyang mga gamit. Hindi tamang magtagal pa sya roon.

"Hey, wait Frida!" Sigaw ni Josh nang makitang bitbit na ni Frida ang kanyang mga gamit sa labas ng resort. "Aren't we saying goodbyes? Bakit naman sobra kang nagmamadali. You still have time." Tumingin pa si Josh sa kanyang relo. Past 10 palang at by 12 pa ang check out ni Frida ng resort.

"You know what, I dont have anymore reason to stay here. Bye Josh. Kalimutan mo na ako at kalimutan mo ang nangyari sa atin." Nagtatagis ang mga bagang ni Frida na para bang pinipigilan nitong maiyak.

"Wait, ano bang pinagsasasabi mo? May nagawa ba akong mali? Bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala kang ginawang mali. Ako, ako ang may ginawang mali, Josh! So please, let me go!" She break down. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili.

Ano bang nangyayari kay Frida? Sa simula naman talaga ay malinaw ang naging usapan nila ni Josh. It was just a one night stand. Paanong ngayon ay nagi guilty sya na nagsama sila ni Josh buong magdamag?

Sinubukan pang habulin ni Josh si Frida ngunit hindi na ito nagpapigil pa at inutusan ang bangkero na paandarin na ang makina ng bangka.

Sunod sunod ang pagtagas ng kanyang luha. Hindi nya inaasahan na sa lawak ng America at ng Pilipinas ay dito pa talaga sila nagtagpo ni Josh. Ang lugar na inaakala nyang magbibigay ng kapayapaan sa kanyang isipan ay di nya inaasahang magdadala sa kanya sa impyerno.


Frida ( COMPLETE )Where stories live. Discover now