23

35 24 0
                                    

" Grabe, ako sabi pinaglihian ni Deianira e, tignan mo, ang gwapo!"

Pang aasar ni Brian sa amin, 1 year has passed, at nangak na ang asawa ko, malaki na din ang anak namin, kaya naman ang mga Tito at Ninong niya ang excited para sa paglaki niya. Nakatingin lang ako sa kanila habang nilalaro nila ang anak namin.

" Brian, hindi ka nga laging nakikita ni Deianira e, paanong ikaw ang paglilihian?" Tanong naman ni Nathan, nagkibit balikat naman si Brian. Nilalalaro nila ang Anak ko, habang kami nila Deianira ay abala sa pag aayos ng pagkain ng anim na iyon. Ilang taon na din ang nakalipas, mabuti nga at magkakasama parin kami, hindi naging madali na tanggapin ng mga tao, pero paunti unti naman ay natanggap na din nila ang katotohanan.

" Makikita mo naman iyan kapag lumaki na, kapag magaling sumayaw, saakin nga nagmana-"

" Paano kung kay Timothy? O kaya kay Nathan? Tatlo kayong magagaling, tapos paano kapag hindi sayo nagmana?" Pasali naman ni Cody, hindi siya sumasama sa usapan nila kanina pero nakikisawsaw na siya ngayon, baka naiingayan na dahil sa kakulitan ni Brian.

Tinignan ni Brian si Cody at saka siya tumawa.

" Ayusin mo naman pananalita mo, baka matakot anak ni Kyle, sabihin niya mukha kang kumakain ng tao, napaka sungit." Tumawa kami sa sinabi ni Brian, si Cody naman ay walang reaksiyon, kung minsan na pauwi na ang mga ito at pabalik na sa building ay doon niya nilalaro ang anak ko, mas gusto niyang kalaro ang anak ko ng magisa, dahil mas nasosolo niya daw at doon niya tinuturuan ang anak ko magrap.


" Hindi ba may concert kayo? Sa susunod na buwan? Baka manuod kami nila Mama kasama si Ayu." Ayu ang palayaw ng anak namin, cute lang na itawag sa kaniya, kaya ganoon na ang napag isipan ng lahat. Payag din naman sila kaya iyon nalang, tanging palayaw lang ng anak namin ang alam ng mga tao, itinatago namin ang tunay niyang pangalan, para narin sa private life ng anak namin.

" Oo nga, meron, kaya mas maganda iyan at makakanuod na kayo, para naman makita na kayo ng tao, nakakalabas na nga kayo ng hindi kayo tinatanong ng tao e, masaya kami na natanggap na kayo ng mga tagahanga namin." Ngumiti si Deianira sa kanilang lahat.

" Salamat ha? Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na ginawa niyo iyon, na kahit na magiging delikado ang buhay artista niyo, hindi kayo nagdalawang isip-"

" Nako, hayaan na natin iyon, ang mahalaga, nandito na tayo, at saakin magmamana ng sayaw si Ayu." Umiling kaming dalawa ni Deianira. Kumain kami at inayos namin ang lamesa nang matapos na kaming tumulong sa pagluluto, si Alex ay kasama din naming magluto, mahilig ba naman siyang kumain, kaya hindi niya aatrasan iyon.

" Nagpahanda pala ako ng inumin, kasi baka nakakahiya kay Brian, mainom pa naman ang isang ito." Mas lalong umingay ang lamesa. Nasa hita ni Deianira si Ayu, kumakain siya ng pagkain niya, hindi pa naman pwede ang pagkain namin sa kaniya kaya malalambot na pagkain palang ang kinakain niya, gulay at prutas.

" Salamat, buti nalang dito kami matutulog, bukas pa kami babalik sa building, si Kyle, babalik balik nalang daw doon kapag may kailangan kaming gawin, kaya anim kaming babalik doon bukas."

Tuwang tuwa ang lahat habang nakikitang kumakain si Ayu, kumuha din kami ng litrato kanina bago kumain, para may remembrance kami sa bawat araw ng buhay namin kasama ang bagong miyembro ng pamilya. Madungis na ang anak ko, kaya ako na din ang naglinis dito, hinayaan ko munang kumain ang asawa ko.

" Si Kyle, mukhang under kay Deianira ha?" Tumawa si Deianira.

" Nako, hindi naman. Sa totoo lang, kahit na ayaw kong ipagawa ang ganiyang mga bagay sa kaniya kasi ako naman dapat ang gagawa ay siya na ang nagkukusa, pambawi niya daw saamin, kasi magiging busy daw kayo sa concert niyo." Naguumpisa ng uminom si Brian, si Nathan ay hindi naman mainom, kaya ilang inom lang ay titigil na iyan, noong isang araw ay bumisita dito ang kapatid niya, para tignan ang anak namin, kaya naghanda din kami doon.

Pinalitan ng damit si Ayu at saka ko siya pinabuhat kay Theodore, marami ang tagabuhat at taga alaga kapag narito silang anim, kaya gustong gusto kong bumibisita sila dito.

" Oo nga, magiging busy kami sa concert days namin, pero pagkatapos niyon, dito din lang naman iyan uuwi, kaya makakabawi parin." Unti unti ng kinukuha ang mga plato namin sa lamesa, umiinom na kasi sila, at natapos na silang kumain, kaya nagliligpit na.

" Manunuod kami ni Ayu, pero sa backstage nalang siguro, baka matao kasi masyado non, kawawa naman yung bata." Paliwanag ni Deianira.

" Sinabi din saamin ni Ivor na kung manunuod kayo, doon daw kayo sa kaniya, o baka nga may lugar kayo sa backstage para hindi masaktan ang inaanak niya." Tumawa kaming lahat.

Sa susunod na buwan pa ang binyag niya, pagkatapos na ng concert namin, para hindi hassle, hindi kasi ako makakasama sa pag aayos ng preparation sa simbahan at sa handaan kaya after nalang ng concert, gusto ko kasi ay kasama ako sa pagpaplano.

" Sige, siya nalang ang sasabihan ko kung matutuloy kami ni Ayu, excited na din siguro siyang makita si Ayu, ilang linggo siyang hindi nakakapasyal dito e." Sambit niya.

" Brian, dahan dahan ha? Nakahanda na din pala yung kwarto ninyo, kung inaantok kayo, pwede na kayo doon." Pagsisingit ko sa usapan nila. Si Cody, nakatutok lang sa telepono niya, si Nathan ay ganoon din, sina Brian, Timothy at Theodore ay umiinom, si Alex naman ay kakaunti lang ang iniinom.

Tumayo ako sa upuan ko para kunin na ang anak ko, ako na mismo ang bumuhat dito, naka bucket hat siya kahit na maliit pa ang ulo nito, pina costumize daw ito ni Nathan para magmukhang cool ang anak ko. Ayos.

Nagkakasiyahan kami sa labas, sila ay nagiinom, si Deianira ay nakatingin at nakikipag kwentuhan lang sa kanila. Maya maya ay matutulog na din ang mga iyon. Nanlaki ang mata namin sa narinig namin mula kay Ayu.

" Dada!"

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now