19

44 31 1
                                    

" Let's go!"

Sigaw ni Nathan nang makatungtong kami sa stage. Pangalawang araw na ng aming concert, at ngayon na ang pinakahinihintay kong araw, aamin na ako sa kanilang lahat, at ito na din kasi ang pinakahuling concert, dalawang araw lang naman ito kaya ito na ang araw kung kailan ako aamin.

Kung ano ang kinanta namin doon sa unang concert ay iyon na din ang kakantahin namin, ang mga outfit din namin ay iyon pa din, kaya hindi na kami mahihirapan.

" Fire!" Sigaw namin nang sabay sabay. Dumagundong at umilaw ang mga Armybomb nila at saka kami sinabayan sa pagkanta kasama ang fanchant nila sa amin.

" Fire!"

Nakailang kanta kami ay saka na kami ulit tumigil, pumwesto kami sa may gitna at saka kami inabutan ng tubig.

" Wow! So many Armys! Are you happy?" Sigaw ni Theodore, umilaw ang mga lightstick nila nang sabay sabay at saka sila sumagot.

" Yes!" Sigaw nila. Agad akong napapalakpak sa sinabi nila. Nakita ko si Nathan na kumukuha ng litrato ng mga tagapanuod namin.


" Okay, are you ready for more?"

" Yes!"

Namatay ang mga ilaw, at saka kami pumwesto para sumayaw, hinihintay lang namin ang tugtog, habang wala pa ay inayos ko ang aking earpiece. Nang tumunog na ay saka na kami nagsimulang sumayaw at kumanta, nakangiti ako buong performance, todo sayaw naman sina Timothy, Nathan, at Brian, sina Alex, Cody, at Theodore naman ay nagkukulitan.

" DNA!" Todo buhos kami sa sayaw, kahit na dinig na din sa aming mic ang hingal ay wala kaming pakialam, basta ba ay pinagpapawisan kami sa sayaw namin, wala kaming pakialam.

Nagsasaya naman ang mga nanunuod, may kumukuha ng video at litrato namin habang sumasayaw, ang mga ilaw at spotlight din sa stage ay napakaganda kaya mas nadadagdagan ang intense ng sayaw. Ang tugtog din ay napakalakas kaya naman dumadagundong ang buong stadium, pati na din ang sigaw ng mga nanunuod ay talaga namang hindi magkamayaw sa lakas.

" We are not tired yet! Let's enjoy!" Sigaw ni Brian.

Panay sigaw at talon ang mga nanunuod. Hindi ko iniisip ang tensiyon ko mamaya, kinakabahan man pero bahala na, para naman ito sa magina ko, kaya gagawin ko na. Kung hindi na nila ako tatanggapin bilang kagrupo nila, ayos lang naman sa akin, basta ba hindi maaapektuhan ang mga kasama ko.

Bumalik kami sa likod para magpalit, maya maya ay lilibot na din kami, pagkatapos pa ng ilang kanta. Nang makapalit na at makapag retouch na ay saka na kami bumalik sa stage, bumukas ulit ang mga ilaw, kaya panay sigaw nanaman ang sumalubong sa amin.

" Let's go!"

" Jump! Jump! Jump!"

" Woo!"


Kahit buhok namin ay pawis na din, daig pa namin ang naligo, ang ilang members ay nakikipag usap sa mga nanunuod na malapit sa kanila. Ako naman ay nasa camera, maya maya ay sumunod na sila sa akin.

" So What!"

" Let go!"

Hawak nanaman ni Alex ang machine na may usok, at saka niya ito winagayway sa ere, gumaya naman si Timothy, nang lumapit si Brian sa gitna nilang dalawa ay saka nila itinutok iyon kay Brian, kaya naman agad itong tumalikod at napaupo dahil sa lakas ng pwersa ng usok na iyon, kahit si Theodore ay hindi din nakatakas sa kalokohan nila. Tumawa naman sina Nathan nang makita iyon.

" Woo!"

Nang maayos na ang sasakyan namin para makalibot ay inalalayan na nila kaming sumakay, sa isang sasakyan ay apat na member, dito naman sa sinakyan ko ay tatatlo kami. Tumili ang mga taong nasa mataas na parte ng upuan, malalapitan na namin sila. Nakikipag kamay ang ibang members, ako naman ay hindi ko magawa, hindi ako makapunta doon, ayaw kong makipag siksikan.

" Yeah, life goes on~" Sumasabay sila sa kanta namin.

" Like an arrow in the blue sky-" Agad kong tinutok ang mic sa audience, sumabay naman sila.

Nilibot namin ang buong stadium, inalalayan nila kaming umalis doon sa sinakyan namin at saka kami bumalik sa stage, at kailangan na naming magpaalam sa kanila. Ito na ang oras para sabihin sa kanila, wala na akong kailangang gawin, ito na ito.

" Woo! I enjoyed a lot, really. This is so exciting, but we have to end it. But, don't worry, I hope we'll see each other soon! Thank you for coming tonight, and I will never forget this day and yesterday as well. I love you, Army's. Keep safe when going home and don't catch a cold, have a good rest also, let's all have a good rest!" Sambit ni Brian. Pumalakpak sila sa sinabi niya.

" How are you, Army's? I bet you enjoyed watching us. I really love you all. Thank you so much. And I'm sorry if my voice is not fine today-"

" It's fine!" Sigaw pabalik ng mga nanunuod, ngumiti naman si Timothy, agad naman akong napangiti . Ako na ang huling magsasalita, kaya pinauna ko na sila.

Sumunod naman si Alex.


" Yes! Yes! Yes! Tonight is so great and amazing. We did a great job, Boys. And Army's did a great job also. I am so hungry right now that's why we have to end this as soon as possible. Joke!" Ani Alex.

" No, Alex, the staff prepared some food backstage, but, we have to end this because it's getting late, we know that many Army's that is watching us tonight is minors, so they have to go home early. So, take care when you get home and tell your parents that you saw us and watched us tonight!" Tumawa ako sa sinabi ni Cody. Napaupo naman sa tuwa ang ibang kagrupo namin.

Pinatapos ko ding mag speech ang ibang members bago ako, alam kong hindi nila aasahan ang sasabihin ko kaya naman kailangan kong bumwelo. Nang matapos na sila sa kanilang sasabihin ay saka na ako humarap sa kanila. Tinignan ako ng mga kagrupo ko, at saka nila ako nginitian.

" Hello guys. I want to tell you something. I guess this is the right time to say this. Army's I'm really sorry but I have to say this. I have my wife, and my wife is pregnant."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now