11

51 37 0
                                    

" Parang gusto kong bumili ng sapatos ng bata."

Bulong ko kay Brian. Tumawa naman siya sa akin. Agad niyang kinuha ang kamay ko at dahan dahan kaming umalis sa mga iba naming kasama. Hinanap namin ang silid kung saan nakalagay ang mga gamit ng mga bata. Si Brian naman ay todo lingon para tignan ang mga sapatos na hinahanap ko.

" Ayon, Kyle! Panglalaki muna ang bilhin mo, alam kong lalaki iyan." Umiling ako sa sinabi ni Brian. Doon nga niya ako hinila at pinunta sa mga sapatos ng batang lalaki. Agad namang nakita ko ang maganda at simpleng sapatos na kulay brown na nakasabit sa isang gilid at nagiisa nalang. Mukhang mahal kaya lang, maganda naman talaga at saka alam kong babagay iyon kung lalaki nga ang anak namin ni Deianira kaya naman pinakuha ko din agad kay Brian iyon.

Kinuha ni Brian ang sapatos at saka kami pumunta sa counter para bayaran iyon.

" Hello, Sir. Good Evening." Bati ng saleslady na nasa counter. Ngumiti naman kami, at saka yumuko, baka kasi mamukhaaan kaming dalawa.

" Babayaran na namin ito." Nilabas ko ang akong cash. Ibinigay ko ito sa counter, agad naman niyang inayos ang binili namin, at saka nila ito iniabot sa akin. Naka paper bag kaya hindi makikita kung anong nasa loob. Ito nalang ang ibibigay ko kay Deianira. Napangiti ako nang maisip ko kung anong magiging reaksiyon niya kapag ibinigay ko na ito.

Lumapit kaming muli ni Brian sa mga kasamahan namin na namimili pa ng mga gusto nila. Tinignan nila ang dala ko, pero di naman nila tinanong kung ano ito.

" Ang mahal nito, Theodore. Ito talaga ang bibilhin ko sayo?" Halos mangiyak ngiyak na si Nathan habang tinuturo ni Theodore ang gusto niyang ipabili kay Nathan. Isa itong jacket na may art ni Van Gogh sa harapan. Agad namang tumawa si Nathan sa reaksiyon ni Theodore nang ngumuso na ito.

Napailing naman si Nathan at saka kinuha na ang jacket. Nilabas niya ang kaniyang wallet at saka niya sinama si Theodore sa counter. Namukhaan sila ng cashier, agad na sumenyas ang staff na bawal kumuha ng litrato.

" Thank you, Nathan. Babayaran ko naman, sabi ko. Wala akong dalang wallet, nasa staff." Sambit ni Theodore sabay kindat, senyales na nagbibiro siya.

Agad sumingit si Alex.

" Nakita kong kumindat sa camera, Nathan. Baka niloloko ka nito." Tumawa si Timothy, si Brian naman tumatawa na din sa aking likuran.

" Okay, Mr. Ivor said, we have to go, BTS. It's getting late. May flight po kayo bukas." Tumingin sila sa staff na iyon. Agad namang tumango ang iba. Kailangan pa naming mag live. So, we really have to go.

Sumakay kami ng maayos sa sasakyan. Mabuti nalang at walang nakakita sa aming iba. At wala ding nakasunod sa amin habang papunta kami sa sasakyan. Hinawakan ko ng mabuti sa aking mga kamay ang sapatos na ibinili ko, masyado akong excited sa binili ko, baka hindi ako makapag pigil at uuwi na agad ako mamaya para ibigay ito kay Deianira.

Nang makauwi kami sa hotel kung saan kami nakatira ay agad kaming inayusan para gumawa ng live. Kailangan ito para updated ang mga Army's. Baka kasi nagaalala ang mga Army's sa amin. Nag ayos na kami at saka na kami umupo sa sofa kung saan kakasya kaming lahat.

Inumpisahan na nila ang pagla live, naghintay naman kami, nang mapintod na ay saka na ako nag ayos.

" Hello!" Bati namin sa camera. May tablet naman na dala si Cody para panuorin at tignan ang mga comment ng aming mga taga hanga. May hinanda din silang pagkain namin para kapag natapos na kaming mag live ay pwede na kaming matulog dahil nakakain naman na kami.

" We landed safely here. And we are done shooting for our performance video, it's awesome, right, Timothy?" Tumawa si Nathan matapos niyang banggitin si Timothy na busy kumain at uminom ng juice.

Agad naman itong tumango at nagpunas ng kaniyang labi.

" The director and the staff are so nice, and the performance video is beautiful." Puri niya naman. Agad naman kaming pumapalakpak sa sinabi ni Timothy.

" Tomorrow, we'll be back to you, guys. We just have to rest for tonight and tomorrow, after our interview, we're going home." Sumbat naman ni Theodore.

Tumatango tango lang ang ibang members dahil wala naman silang maisingit na topic. Agad naman na nagtaas si Brian ng kamay at saka nakangiti siyang tumingin sa akin.


" Kyle bought some baby shoes. But I don't know why.  Look, it's so cute!" Puri ni Brian sa sapatos na kinuha namin kanina. Tinanggal niya ito sa paper bag at saka niya ipinakita sa camera.

" This is really cute right?" Sambit ko naman at sska inagaw ang sapatos mula kay Brian. Agad naman silang tumawa at ang iba naman ay napailing habang nakayuko.

Kahig kailan talaga si Brian, siya na ata ang pinaka excited sa kanilang lahat, baka mamaya ay viral nanaman ang live namin dahil dito.


" I bought this because I find it cute. Brian saw this also, so, we both buy it, but I'm the one who pay for it." Tumawa naman ulit sila.

Panay tawanan at kwentuhan ang nangyari sa live namin. Nababasa din namin ang comments ng mga fans at alam naming masaya sila dahil nandito kami at binibigyan sila ng update.

" Oh, Kyle is viral." Agad na sambit ni Alex nang matapos ang live namin. Tumingin silang lahat sa telepono ni Alex. Agad naman na napailing si Cody, Theodore at Timothy.

Tinignan ko din ang aking telepono, kita ko nga ang litrato na hawak ko ang sapatos at hula nila sa post ay baka daw may anak ako na naiwan.


Mabuti naman at alam ninyo.


" Lilipas din iyan. Hangga't wala akong sinasabi sa kanila, hindi maniniwala ang fans." Pagpapagaan ko ng kanilang kalooban. Agad naman silang tumango sa sinabi ko.

Natapos na din kaming kumain, isa isa na silang umalis para magpahinga. Bukas ay last interview na, at pagkatapos niyon ay aalis na kami kinagabihan. Nang papasok na ako sa kwarto ko ay tumawag si Deianira. Pumasok muna ako bago sagutin.

" Love?"

" Kyle? The shoes are so cute!"

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon