12

45 37 0
                                    

" The people are expecting you to reveal who is your wife and your child."

Tumawa naman ako sa sinabi ng interviewer. Ang mga kasama ko naman ay walang reaksiyon, siguro ay para hindi nila ipahalata na may alam sila tungkol sa amin ni Deianira.

" Again, I bought that shoes because it's  cute, that's it." Nagkatinginan naman kami ni Brian at saka kami nagkangitian. Ang ibang member naman ay halos hindi alam ang ire react dahil sa iniisip naming dalawa ni Brian.

Tumingin naman kami sa ibang nga nanunuod. Agad silang tumitili at kumakaway sa tuwing nakikita nila kaming nakatingin sa direksiyon nila.

" Are you coming home, later? Right?" Tanong ng Interviewer.

Tumango kaming lahat sa tanong niya.

" Yes, we will be back here soon. We just have to prepare for our upcoming concert." Sambit naman ni Alex. Tumango kami sa sinabi nito bilang pagsang ayon.

" We will wait for you, guys? The Army's would literally wait for your comeback here."

Nang matapos ang interview ay agad kaming kumuha ng litrato. Nagpaalam kami at saka na kami lumabas sa backstage. Nagtanggal kami ng mga gamit na nasa katawan namin at saka kami sumakay sa Van na sasakyan namin. Buong grupo kami ngayon na nakasakay dito dahil may mga tao sa labas na naghihintay din saamin.

" Brian, muntik na tayo doon sa Interview." Sambit ko kay Brian. Bumusangot naman ito.

" Sorry na, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko." Tumango naman ako sa sinabi ni Brian. Tinapik ko naman ang balikat niya para hindi alam niyang hindi ako galit at ayos lang.

Kailangan pa naming maghanda para makaalis na kami. Kailangan naming mag ayos at magpalit pa ng damit para diretso na kami sa Airport mamaya.

" Alex, mamaya na daw kumain, doon na sa eroplano, kailangan nating mag ayos muna." Napakamot siya sa kaniyang uluhan nang dapat ay kukuha na siya ng pagkain sa ref ng kaniyang kwarto.

" Sige, sige."

Naligo na kami at nag ayos. Hindi naman kami naglalagay ng make up kapag nasa eroplano at pauwi na kami. Diretso tulog na kasi kapag ganoon. Kakatapos pa naming mag interview kaya naman agad na makakatulog ang mga kasama ko mamaya, panigurado.

" Sir, we have to go." Sambit naman ng staff namin. Tumango naman kaming lahat, si Brian at Timothy lang naman ang laging nahuhuli tuwing kailangan na naming umalis at tuwing may interview kami.

Nakaempake naman na ang lahat nang umalis sila sa kani kaniya nilang mga kwarto. Kinuha na ng mga staff ang aming mga bag at saka na kami umalis sa hotel. Hindi naman kailangan na kumuha ng litrato kaya naman dire diretso lang kami na umalis, yumuyuko at nagpapasalamat kami kapag may nadadaanan kaming staff ng hotel na ito.

" Sir, the media's are already there. Sa private exit po tayo pupunta para hindi po kayo makita at malapitan ng saesang fans." Tumango ako. Ang ibang member naman ay nakasuot ng earphones para relax lang sila mamaya kapag may mga media na sa airport.

Nang makarating kami sa airport ay saka na kami inasikaso ng mga guwardiya doon. Sa private exit nga kami dumaan at saka nagpa check ng passport bago kami nakasakay ng eroplano, may nakakita saaming mga media pero kaunti lang.

Nauna din nila kaming pinasakay sa eroplano para hindi kami masyadong makita ng mga tao, kahit naman may nakakakita sa amin, hindi naman nila kami iniistorbo, kaya ayos lang iyon. Malapit din kami sa banyo, para hindi kami mahirapan na maglakad ng malayo.

" Kyle, laman ka nanaman ng balita." Walang emosyong sambit ni Cody sa akin. Agad kong tinignan ang nasa telepono niya.

Pinakita niya ito sa akin at saka ko binasa ang laman nito.

" Akala nanaman ng mga Army's ay may asawa at anak ka na. Which is totoo naman, paano na ito ngayon?" Agad akong napakamot sa aking ulo, paano na nga ba?

" Wala pa akong naiisip na paraan. Kapag malapit ng manganak si Deianira, ipakikilala ko na siya kay Ivor."

" Tama iyan."

Pahinga namin ang buong byahe, kahit na minsan ay nagigising kami dahil sa ingay, pero wala namang problema sa akin iyon, hindi ko alam sa ibang member. Inabot ang byahe ng ilang oras, hanggang sa makabalik na kami sa aming destinasyon. Makakauwi nanaman ako sa asawa ko.

" Ilang araw lang tayo doon pero namiss ko dito. Grabe." Sambit ni Nathan habang nakangiti sa mga tao. May mga fans din na naghihintay sa amin, pero itong mga ito, hindi naman sila agresibo, alam nila na pagod kami at kailangan naming magpahinga kaya nagustuhan ko ang ugali ng mga Army's na taga dito sa Korea.

Nakalinya sila nang maayos kung saan may limit kung hanggang saan lang sila makakapasok dito sa loob ng airport para makita at makuhanan kami ng aming litrato.

" Magpapaalam ako mamaya diretso ako kay Deianira, may check up siya kahapon pa e." Sambit ko sa mga kasama ko. Tumango naman sila. Ako naman ay panay mensahe kay Deianira na nakauwi na ako at diretso ako sa kaniya mamaya kapag naayos ko na ang aking sarili at nakalinis na ako ng aking katawan.

Nang nakarating kami sa bahay namin ay may nakahanda naman ng mga pagkain, kaya agad kaming nakakain ng aming gabihan. Dahil gabi na, mas mabilis akong makakapunta at makababyahe sa bahay namin ni Deianira.

" Kyle, you should answer Army's questions. Kanina pa sila nagpopost sa Weverse, you know them." Sambit ni Cody habang nagsasandok ng pagkain niya sa plato.

Agad namang tumingin saakin si Alex.


" Yes, you know them. Curious sila sa lahat ng bagay, kaya dapat may sagot tayo sa lahat ng-"

" Nasagot naman na niya sa interview, hula ko, iyong interview ipapalabas nila mamaya, ang problema, kung hindi ipapalabas iyon sa ibang telebisyon." Tumango ako sa sinabi ni Brian.

Wala namang pakialam sina Timothy at Theodore sa usapan namin.

" Kahit na, nakikita niyo ba ang mga post ng Army's? Nakakabahala." Ani Nathan.

Pinakalma ko sila agad. Tumayo ako sa harapan nila.

" Calm down. Ako na ang bahala. Kumalma kayo. Sasagutin ko ang iba mamaya kapag natapos na akong kumain."

" Good."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now