20

43 29 0
                                    

" Why did you do that?!"

Hinampas ni Ivor ang lamesa kung saan kami dapat kakain. Kakain palang sana kami. Nakayuko naman ang mga kagrupo ko sa aking tabi. Si Ivor naman ay nasa harapan namin at nakatayo.

" Ivor, I have to do that because of my Wife, I am really sorry." Umiling iling siya sa akin. Nagiigting ang panga niya sa sinabi ko.

" No, hindi ganoon iyon. May tamang panahon para diyan, Kyle. Bakit sa mismong concert mo pa sinabi? Nakita mo ba ang reaksiyon ng mga tao? They are crying, they are shouting, hindi sila makapaniwala na may asawa at magiging anak ka na. Viral ka sa twitter, sa instagram, facebook, youtube, lahat ng social media sites, Kyle. Balitang balita ka na, mas lalo mo lang pinalala!" Sigaw sa akin ni Ivor. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito sa akin. Hindi ko alam pero mas maganda na nga na nasabi ko na e.

" Ivor, mas alam kong may panahon para dito, pero mas pinaaga ko lang, habang hindi pa hirap si Deianira sa tiyan niya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kapag malaki na ang tiyan niyon at doon siya dinumog, baka mapano ang anak ko-"

" Sinabi ko bang gumawa ka na ng anak mo, Kyle? Kasalanan ko bang may anak ka na? Alam mo naman na napakasikat ko, kilala kayo, tapos gagawa ka ng eskandalo niyo? Hindi ko lang alam baka bukas ay hindi na kayo kilala ng mga tao!" Tumayo si Brian para sana magsalita, kaya lang pinigilan siya ni Nathan. Umiling na rin ako sa kaniya.

Kaya ko na siguro ito nang magisa, tama na ang suporta nila para sa akin.

" Tao din kami, Ivor. Hindi kailanman nasa harapan kami ng camera at mga tao. Sa susunod na mga araw, iyang mga kagrupo ko, may iniibig na din. Nakakaramdam din kami ng pagmamahal, naghahanap din kami ng makakasam namin habang buhay, Ivor. Bakit ang ibang artista? Idol? Nakapag asawa sila at nagkaroon ng anak kahit na sobrang sikat sila, hindi ko naman hinihingi sa mga tao na mahalin kami ng asawa at anak ko, gusto ko lang din mamuhay ng normal kagaya ng ginagawa ng ibang tao!" Mahabang litanya ko. Kahit na kakatapos namin sa concert at pagod pa ay nagsisigawan kami.

" Alam ko, Kyle. Alam kong tao kayo at hindi ito permanente, pero sana naman sinabi mo sa akin, nagpaalam ka, ganoon ba. Hindi iyong naghuhunos dili ka diyan na nagaanunsiyo. Gulat ang tao, hindi nila alam ang gagawin nila kanina, masyado silang nabigla, binigla mo sila!" Tumayo ako sa harapan ni Ivor. Sina Alex at Cody naman ay tumayo din at saka sila tumayo sa likuran ko.

" Kung nagaalala ka sa mga tao, ako na ang sasagot sa mga tanong nila. Ako ang aako sa lahat ng sinasabi nila, kasi tutal naman ay ako ang may gawa nito, ako ang nagsimula at inannunsiyo ko ito nang walang pasabi at padalos dalos, kaya naman ako ang aako sa lahat ng sasabihin nila." Sambit ko.

" Kayo? May alam kayo dito-"

" Yes. May alam kami, at suporta kami kay Kyle na sinabi niya na ngayon. Besides, tama siya, Ivor. Tao kami, kailangan din namin ng magmamahal sa amin. Kaya proud ako sa kaniya." Ngumiti si Cody sa sinabi niya kay Ivor.

" Alam niyong lahat? Bakit hindi ninyo sinabi sa akin na ganito ang gagawin ni Kyle? Grupo kayo, kapag bumagsak si Kyle, damay kayo lahat, kaya bakit hinayaan niyo siyang gawin iyan, paano kapag kamuhian kayo ng mga tao at hindi na kayo tanggapin sa industriya? Paano kapag hindi na bumenta lahat ng ginagawa niyo? Edi wala na? Wala na lahat nang pinaghirapan ninyo!" Tumayo na silang lahat, at saka sila naglakad sa likuran ko. Tinignan nila ako, at saka sila ngumiti.

" Ivor, kung ano man ang mangyari sa grupo namin, magiging maayos kami, nasanay kami noon na kinamumuhian ng mga tao, bago namin marating ang tagumpay na ito, kaya alam kong malalagpasan din namin itong lahat, kung hindi mo na kami tatanggapin, ayos lang, kaya namin ang sarili namin, besides, lahat ng naipon namin, siguro sakto na yon para makapag tayo kami ng sarili naming entertainment." Sambit naman ni Nathan.

Hinawakan ni Ivor ang kaniyang sentido. Agad lumapit ang staff sa kaniya. Tinignan niya ako ng mataman at saka siya bumuntong hininga.

" Naghihintay sa labas ang mga media, napakarami nila. Paano kayo makakaalis dito sa backstage na ito? Paano kayo uuwi sa bahay niyo? Sa condo niyo?"

" Kami na ang bahala doon, baka hindi niyo na kami asikasu-"

" Saakin parin kayo, Kyle. Lahat kayo. Saakin kayo lumaki, nasaksihan ko kayong lumaki at lumago sa industriyang ito, kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan ko kayo nang dahil lang sa isang anunsiyo. Hindi ko kayo hahayaan na madumog at masaktan ng mga tao diyan sa labas. Matagal ko kayong inalagaan, at iniwas sa mga tao, kaya bakit ngayon pa ako bibitaw sa inyo?" Agad akong napangiti sa sinabi niya. Lumapit si Timothy kay Ivor at saka siya nito niyakap.

Yumakap naman si Ivor pabalik, kaya natawa ang ibang members.

" Magpapadala ako ng helicopter, doon kayo sumakay, ako na ang haharap sa kanila doon sa labas. Iyong mga staff, at lahat ng gamit ninyo, doon na sa mga sasakyan." Agad na nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Ivor.

" Ivor, talaga bang hindi mo kami iiwan? Pasensiya ka na kung padalos dalos ako, natatakot lang ako sa magiging kalalabasan kapag tatagalan ko pa ang paganunsiyo nito sa tao, ayaw ko lang na mapahamak ang asawa at anak ko, alam mo naman, magiging tatay na ako, gusto ko lang na ligtas ang mag ina ko." Mahabang paliwanag ko dito.

Tinapik ni Ivor ang aking likuran.

" Alam ko, Kyle. Naiintindihan ko. May punto kayo, kaya lang dapat ay sa susunod sabihan niyo ako, para hindi ako mabibigla at mapaghandaan natin ang sasabihin ng mga tao." Tumango ako.

Nagkumpulan kaming pito kasama si Ivor, ginawa namin ang ginagawa namin bago ang concert namin. Pinagpatong patong namin ang kamay naming walo.

" You did a great job, Boys. Umuwi na kayo."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora