03

66 52 0
                                    

" Good morning, Love."

Bati ko nang makapunta ako kinaumagahan sa bahay namin ni Deianira. Nakatulog pa ito nang buksan ko ang pintuan, masarap at mahimbing ang kaniyang tulog.

" Love, wake up, please? I'm here, baby." Malambing na sambit ko sa kaniya. Iginalaw ko ang aking kamay papunta sa kaniyang beywang, at saka ko siya niyakap mula sa likuran nito.

Masyado akong maagang pumunta dahil kailangan naming bumalik sa building kaagad. Naghahanap pa din ako ng tiyempo hanggang ngayon kung kailan ko sasabihin sa manager namin, dahil baka  hindi niya kami tanggap para sa isa't isa, lalo na at may mga taga hanga kaming naghihintay sa amin.

" Kyle? Are you here? You're so early." Ngumiti ako nang magsalita na siya. Nakapikit parin ang mga mata nito, pero alam niyang narito ako sa tabi niya. Humarap siya sa akin at saka niya ako niyakap pabalik, hinalikan ko naman ang kaniyang noo. Kahit na bagong gising ay napakabango niya, ito lang ang namimiss ko tuwing wala ako sa bahay naming dalawa, sayang nga at bawal ako ditong umuwi araw araw.

Nang idilat niya ang mata niya ay saka ko hinalikan ang mga labi nito. Agad naman siyang sumagot. Pumaibabaw ako sa kaniya at saka ko hinawakan ang mga kamay niya.

" Kyle..." Hindi ko pinakinggan ang mga daing nito. Patuloy lang ako sa paghalik sa kaniya. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.

Sinalubong ko iyon.

" This is too early-"

"It's not, we are doing this before, Deianira, come on." Tumawa siya sa sinabi ko, at saka siya na ang kusang humalik sa mga labi ko.

Ramdam ko ang init ng katawan naming dalawa habang magkayakap.

" Does it hurt?" Tanong ko dito. Tumingin siya saakin at saka umiling. Tumango naman ako kaagad. Tumayo na ako upang ipaghanda siya ng makakain.

" I'm fine, Kyle."

" Mauuna na ako sa baba, take a shower first, unless, you want me to join you-" Binato niya ako ng unan at saka siya nagbalot ng sarili.

" Kyle, stop it, you drained me!" Nagkibit balikat ako, hinalikan ko ang noo niya bago ako nagbihis at bumaba para magluto ng pagkain naming dalawa.

Hindi naman nagtagal ang pagluluto ko, hindi naman kami kumakain ng mabibigat na pagkain sa tiyan tuwing umaga, kaya naman kaunti lang ang iniluto ko, kapag nakakain na siya at natapos na, saka na ako maglilinis ng katawan ko. Hindi tumatawag ang iba kong kagrupo, baka may pinuntahan din sila at kasama ang mga magulang nila.

" Kyle, I'm done. Let's eat?" Tanong ni Deianira habang pababa sa hagdan, nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya, nakaputi itong dress at naka sandals, kahit na nasa bahay lang ay napaka ayos niya parin, dahil alam niyang kasama niya ako.

" How's your work? Nabalitaan ko na you have this big project?" Pagsisimula ko ng usapan naming dalawa. Tumango ito sa akin.

" Yes, I have, with another Business Man. May kalayuan ang ipapatayo naming project na iyon kaya I have to come with him, you know, love, I can't drive." Bumuntong hininga ako, agad akong umiling sa sinabi niya. Uminom siya ng tubig at saka siya nagtaas ng kilay sa akin.

Tinignan ko siya sa mga mata niya.

" Kailangan ba iyon? May mga driver ka, doon ka nalang, baka kung anong gawin niyon kapag dalawa lang kayo sa kotse niya." Paliwanag ko. Umiling naman siya. Agad siyang ngumiti sa akin para pagaanin ang aking loob dahil sa sinabi niya.

Umiling parin ako.

" Hindi parin ako papayag, Deianira. Kahit gaano kalaki ang project na iyan kung ganiyan naman ang style ng Business Man na makakasama mo, huwag nalang. Magpahatid ka sa driver mo, o ako ang maghahatid sayo?" Pagbabanta ko dito, bumusangot naman siya sa harapan ko. Tumayo siya at saka lumapit sa akin, umupo siya sa mga hita ko at saka ako hinalikan sa mga labi ko.

Umiwas ako ng tingin.

" Love, fine, calm down, magpapahatid nalang ako kung iyan ang gusto mo." Tumango ako.

" Good. Mamaya aalis na ako, mahigpit ang schedule namin ngayon kaya naman kailangan kong bumalik kaagad. Akala nila mga magulang ko ang kasama ko." Agad nanaman siyang sumimangot sa aking harapan, nagtaas naman ako ng kilay sa inasta niya.

Dahan dahan niyang iniaalis sa akin ang belt ng pantalon na suot ko.

" Hindi ka ba napapagod sa ganito? Tatakas ka, at gagawa ng palusot para lang makita mo ako?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kaniya.

Hinawakan ko ang mukha niya at saka ko hinawi ang mga nakatabing na mga buhok sa pisngi niya.

" Hindi ako kailanman nakaramdam ng pagod, Deianira. Hahanap ako ng tiyempo para ipakilala ka sa manager namin, sigurado akong tatanggapin ka nila, dahil alam kong hindi nila ako kayang bitawan sa grupo namin." Malakas ang loob kong sinabi sa kaniya iyon.

Ngumiti siya.

" What if I'm pregnant, Kyle? Bibitaw ka ba sa grupo mo, para alagaan kami ng Anak mo?" Tanong niyang muli. Hinalikan ko ang labi nito, tumango ako ng walang pagaalinlangan.

" Kahit anong mangyari, basta hawak mo ang Anak natin, hindi ako magaalinlangang bumitaw para alagaan ka. Bago pa ako sumikat, nasa akin ka na, hindi ako papayag na mawala ka dahil lang sa kasikatan ko, Deianira, stop asking questions, please?" Tanong ko dito. Masaya siyang ngumiti at umayos ng upo sa aking mga hita.

Natapos na kaming kumain, at kailangan ko na ring maglinis ng katawan para makabalik na sa building namin, baka hinahanap na nila ako.

" Kyle, I have my meetings also, so I have to make things quick." Tumayo siya sa aking harapan, at saka na kumilos para umalis. Kahit ako ay ganoon din ang ginawa.

Nakaligo na ako at nakabihis, handa na kaming maghiwalay ng daanan ni Deianira upang hindi kami makita ng kung sino. Mahirap na lusutan ang mga media lalo na at malakas ka sa taong bayan.

" Love, I'll call you later after my meeting, is that okay?" Tanong nito, tumango ako, hinalikan ko ang labi niya sa huling pagkakataon, bago ko siya hinayaang makasakay sa kotse niya.

Ngumiti ako.

" I love you always, my wife. Take care."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon