17

42 32 0
                                    

" Nice! Nice! Okay!"

Sigaw ng photographer. Nagkakaroon kami ng photoshoot para sa poster ng aming magiging concert, maaga kaming nagsimula at ngayon naman ay anong oras na, hindi pa din kami tapos.

" Nice! Brian! Smile!" Sigaw ng photographer, ngumiti naman si Brian kaagad. May tig iisa kaming photoshoot, at may group din. Nauna si Alex, sumunod naman si Brian, susunod ako mamaya kapag natapos si Nathan.

Sumasayaw sayaw din si Brian para mas maganda ang kaniyang kuha, nagagandahan din naman sila sa ginawa ni Brian kaya ginaganahan silang kumuha ng litrato niya.

" Nice! Maganda lahat, kailangan lang naming papiliin si Ivor tungkol dito."

Nagtagal ang photoshoot, hindi naman ito sobrang matagal, basta kasi magpopose ka ay kukuha na agad sila, dire diretso din ang flash kaya mabilis ang proseso. Hindi ko pa natatawagan si Deianira, kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

" Sold out na daw lahat ng ticket mula Day 1 at Day 2, kaya puno ang stadium, kahit ang souncheck tickets ay ubos na din." Pumalakpak si Alex, lahat naman at excited, kaya ginagawa namin ang best namin para doon, excited na din ako.

" Kaya nga, siguradong masaya nanaman ang concert niyo, noong nakaraan ay 3.1 billion ba ang kita niyo?" Tanong ng cameraman saamin.

" Yap, 3.1 billion nga." Pagsangayon ni Nathan, napanganga naman sa gulat ang photographer.

" Grabe talaga, hindi ko akalain na ganito kayo sisikat, sabagay, pinaghirapan niyo naman kasi iyan." Ngumiti kaming lahat.

Sabay sabay kaming kumain ng grupo, ang photographer naman at ang iba niyang kasama ay umuwi na. Hindi na sila pinakain pa dito ni Ivor, si Ivor na din ang mamimili ng mga litrato namin para sa ilalabas naming litrato sa concert.

" Malapit na pala ang concert? Tatlong araw nalang? Hindi na din tayo pina schedule ni Ivor sa Vlive, tsaka sa ibang social media, at saka hindi daw tayo aattend sa ibang awardings." Pagsasabi ni Theodore. Tumango kaming lahat.

" Oo nga, tatlong araw nalang, balak ko na palang sabihin sa mga tao sa Day 2." Nanlaki ang mata ni Cody, agad naman silang lumapit sa akin, tumango nalang ako para masiguro na ayos lang.

" Sigurado ka ba?" Tanong nila.

Tumango ako.

" Oo, mas mahihirapan kami ni Deianira kung malaki na ang tiyan niya at saka ko sasabihin sa tao, baka makunan pa siya dahil baka dumugin siya ng tao pagkatapos kong sabihin." Nagkibit balikat ako sa kanila, basta buo na ang desisyon ko na sasabihin ko, bahala na kung anong mangyari, mahal ko ang mga tagahanga ko, at ang trabaho ko, pero mas mahal ko ang anak ko at ang asawa ko.

" Tama naman iyan e, basta suporta kami, kahit anong mangyari, nandito kami." Ngumiti ako.

" Salamat ha? Kung hindi dahil sa inyo, wala akong lakas ng loob." Tumawa naman sila. Tinapik nila ang aking braso, napailing naman ako, hindi ko alam kung iiyak ako o matutuwa.

Sila na din ang kasama ko sa pagdedesisyon kaya napakasaya ko.

" Okay! Iyong mga mic ba nila? Ayos na?" Sambit ni Ivor, kararating namin sa venue kung saan kami magcoconcert. Tinignan ng mga staff ang mics namin, lahat naman ay nasa ayos, may lalagyan kasi ang aming mic, kaya naman hindi siya mahahawakan nang kahit na sino. At saka may design nga ang bawat mic namin, kaya maganda siyang tignan kapag nasa stage kaming lahat.

Kani kaniya din kami ng pili ng mic, kung anong gusto naming kulay.


" Sir, yung earpiece po, pinalitan na namin ng design, sinabi niyo po iyon, hindi ba?" Sabi ng staff kay Ivor, tumango naman si Ivor sa kanila.

Inabot nila sa amin ang aming mga earpiece at mic, at saka kami nag ayos ng kaunti para kapag aakyat na kami sa stage ay maganda kaming tignan at presentable kahit na wala kaming make up. Napakaraming upuan ang narito, at nakaka excite dahil mapupuno ang buong stadium, kaya naman hindi na ako  makapaghintay na mag concert ulit.

" Okay, limang kanta lang ang soundcheck, para hindi kayo mapagod agad. Tapos bukas, hindi na tayo magpa practice, dahil concert na yon kinabukasan." Tumango kami.

Nag ayos ako ng aking sumbrero, at saka na kami umakyat sa stage. Pinatugtog na nila ang mga kanta namin.

Nauna ang Make It Right.

Dis-ease
So What
Telepathy
Life Goes on

Umupo kami sa stage nang matapos kaming kumanta, inabutan kami ng tubig, at saka kami nakipag meeting kina Ivor nang saglitan.

" Bukas, pwede kayong makauwi muna sa pamilya ninyo, tapos sa hapon, balik kayo agad, kasi kailangan niyong magpractice ng sayaw at iyong pagpapalit ng outfit niyo."

" Diretso na ba dito agad sa concert day? O sa hapon pa tayo pupunta?" Tanong ni Cody.

" Before lunch, diretso na tayo dito, doon na kayo magme make up sa bahay, para retouch nalang kayo dito."

Umalis si Ivor, nauna na siya sa amin, tinignan ko ang buong stadium. Napakalaki nito, halos hindi ko mabilang kung ilan ang upuan. May standing din, at nasa unahan sila, mga VIP ang uupo dito. Pati mga soundcheck ay dito din. Mukhang marami nanaman ang makakapanood.

Minsan may mga nag iillegal streaming, pero para kay Brian, ayos lang daw iyon, hindi naman iyon masama para sa kaniya, naiintindihan niya at namin na ang ibang tagahanga ay hindi makabili ng ticket para makita kami ng personal na sumasayaw at kumakanta para sa kanila, kaya okay lang na mag illegal stream, basta hindi inaabuso.

" Kyle, I can't wait na sabihin mo ang tungkol sa inyo ni Deianira, alam kong matatanggap ka ng tunay na tagahanga kung sasabihin mo nga iyon." Ngumiti ako.

" Kaya nga, sana maintindihan nila na tao din tayo at may karapatan tayong magmahal, hindi din naman natin mapipigil ang sarili natin na magmahal e." Tumawa si Brian.

Agad na nagkumpulan kami sa tabi. Dahil baka marinig ng mga staff, hindi pa kasi ata nasasabi ni Ivor kaya baka magtaka sila kung sino si Deianira.

" Maiintindihan nila iyan, at sa oras na lumabas na ang anak ninyo, alam kong mamahalin nila siya katulad ng pagmamahal nila sa iyo, hindi lang dahil sa galing mo sa pagsasayaw at pagkanta, kundi pati ang kabutihan ng puso mo, Kyle."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now