05

60 50 0
                                    

" Timothy?"

Agad akong napatayo nang makita kong humiga si Timothy sa sahig dahil sa sobrang pagod sa pagsasayaw. Agad namang tumawag ng staff at medic si Cody.

" Timothy? You're exhausted. Calm your nerves down." Pinagpapawisan ito ng malala at saka nahihirapang huminga. Mabibigat ang paghinga nito at nakapikit ang mga mata niya habang nakahiga sa sahig. Malamig din ang sahig kaya kailangan siyang ilipat ng higaan.

Pumasok ang mga medic sa loob ng aming dance room. Agad nilang tinignan si Timothy. Ang ibang kasama naman namin ay nagaalala sa kaniya.

" Tanggalin niyo nalang iyong damit niya, at saka iyong pantalon, palitan nalang, nahihirapan siya." Alalang sambit ni Theodore. Agad na tumakbo palabas si Cody para kumuha ng maisusuot ni Timothy na pangibaba.

Si Alex naman at Nathan ay nakatingin lang sa kaniya, at nagaalala.

" Wala ba kayong oxygen? Iyong mas madaling gamitin." Sambit ni Nathan. Sumunod sila sa sinabi, agad nilang kinuha ang oxygen na ginagamit namin tuwing may concert kami. Paikot ikot siya sa sahig, hindi siya mapakali, ang pawis niya sa likod ay dumikit na sa sahig.

Si Alex naman ay kausap si Timothy, nakatingin siya ng nagaalala.

" Timothy, are you okay? You need to rest. I'll tell this to Ivor." Tumango si Timothy. Napangiti ako dahil kahit na ganoon ang nararamdaman niya ay gumagawa siya ng paraan para mapagaan ang loob namin.

Napapabuntong hininga ako habang nakatingin sa kaniya.

" Sir, you have to sit down, kailangang lagyan natin ng yelo ang batok ninyo, para mawala ang tension." Tumango naman si Timothy, tumulong siyang iayos ang sarili niya sa pagupo, nakatanggal na ngayon ang kaniyang damit at saka ang pinaglalagyan niya ng earpiece.

Minasahe nila ang batok ni Timothy, at saka nilagyan ng yelo ang batok niya. Dinagdagan din ang electric fan at saka piniinom siya ng tubig. Napapailing naman siya habang pinapakiramdaman ang sarili.

" Sorry.." Sambit niya ng paulit ulit habang inaalagaan siya ng mga staff. Agad namang umiling si Alex. Ang iba naman ay nakatingin lang kay Timothy. Si Nathan naman ay nasa isang sulok at nakatingin kay Timothy. Kahit noon pang mga concerts namin ay ganiyan siya, kaya lang ay hindi parin kami sanay, hindi kasi namin kayang tignan siyang naghihirap, dahil siya ang pinakabata sa grupo.

Lumapit si Brian sa kaniya.

" Kapag kumalma ka na, umuwi ka muna sa bahay, huwag ka munang sasama sa amin." Paalala nito. Tumango naman siya. Tumunog ang aking telepono, kaya naman tinignan ko ito, isang mensahe mula kay Deianira. Lumayo ako ng kaunti para walang makakita sa mensaheng ibinigay niya.

Tumabi ako kay Nathan, at saka ko binasa.

' Love, I need you right now. I'm sick.'

Agad akong napatingin kay Nathan. Magisa niya sa bahay namin kung ganoon. At hindi naman siya pwedeng puntahan ng kung sino lang. Kailangan niya ako. Pero paano?

Tumayo ako, nagpaikot ikot ako sa harapan ni Nathan, hindi ko alam ang gagawin. Si Timothy ba o si Deianira? Si Timothy ay may nagaalaga, marami sila dito, iyong Asawa ko, naroon at magisa, may sakit pa.

" Anong problema, Kyle?" Tanong ni Nathan sa akin, umupo ako at saka ko ibinulong sa kaniya.

" May sakit si Deianira, hindi ko alam paano ako tatakas." Napahawak siya sa kaniyang sentido, kahit ako ay nahawa na din. Narito ang mga staff lahat, mahigpit din sa labas, hindi ako basta basta makakaalis dito, dahil kailangan ko ng ibang sasakyan.

Tumingin sa akin si Cody, alam niya na agad ang problema ko.

" Ipapatawag ko ang sasakyan ko, doon ka na sumakay-"

" Salamat, kailangan kong puntahan si Deianira." Umiling naman siya sa akin.

" Kami na ang bahala kay Timothy, hintayin mo na doon sa labas." Pasimple akong pumunta kay Timothy para tapikin siya, hindi na muna ako magpapaalam sa kaniya, sana ay maayos na ang pakiramdam niya kapag nakabalik na ako dito mamaya.

Nagtanguan lang kami nila Brian at Alex, nakatulala kasi si Theodore dahil nagaalala parin siya kay Timothy na nakahiga na. Nang nakaalis ako sa dance room ay saka na ako naghintay doon. Hindi naman ako nakita, kaya naman maayos ang pagkakaalis ko at malinis. Kaya lang ay baka hanapin ako ni Ivor, ako na ang gagawa ng paraan doon.

" Love.." Agad kong hinalikan ang kaniyang noo. Nakahiga nga siya at saka nakakumot. Matamlay ang mga mata at ramdam ko ang init niya.

Ibinaba ko ang gamit ko at saka ko siya inasikaso.

" Anong nararamdaman mo? Hmm? May kinain ka bang hindi maganda? May ininom kang hindi maganda?" Sunod sunod na tanong ko. Umiling siya. Tumingin siya sa mga mata ko at saka siya ngumingiti.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

" Wala naman akong nakain na hindi maganda, Kyle. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. After we made love, iba na ang pakiramdam ko." Sambit niya. Napaisip ako.

What is wrong with her?

" Are you still in pain? Does it hurt? May nagawa ba akong mali?" Tanong ko. Umiling siya sa akin. Umayos siya ng higa para mayakap ako ng maayos.

Nagaalala ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

" No, Kyle. Don't say that. Wala kang ginawang masama. I think I'm drained, that's why. Or maybe I'm exhausted." Tumango ako sa sinabi niya. Maybe. Pero baka naman dahil hindi pa siya sanay?

Nilagyan ko ng tuwalyang may yelo ang kaniyang noo, at saka ko siya binantayan. Nakatingin lang ako sa kaniya magdamag. Hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya.

" I have to leave them. Timothy is exhausted also, he almost fainted. Mabuti nalang at-"

" Love, kahapon, nagsusuka ako, and then I am sleepy all the time." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatayo ako sa sinabi niyang iyon.

" What else?" Tanong ko.

Nagisip siya ng malalim, hawak pa niya ang kaniyang baba habang nakatingin sa kisame. Ako naman ay naghihintay sa sasabihin niya.

" I feel like I'm tired, kahit wala akong ginagawa." Napalunok ako sa sinabi niya.

Tuluyan na akong tumayo at saka hinawakan ang mga kamay niya.

" Are you delayed?" Tumango siya. Napakagat siya sa kaniyang labi.

Hinalikan ko ang kaniyang noo dahil sa tuwa.

" Meet your Doctor tomorrow, I think your pregnant, My love."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now