10

48 39 0
                                    

" Let's watch it first."

Nagkumpulan kaming pito kasama ang mga ilang staff at cameraman sa isang projector. Kailangan naming panuorin ang performance na ginagawa namin. Kailangang maganda ang kalalabasan nito.

" It's all perfect, Kyle. Huwag na nating ulitin." Sambit ni Brian. Tumango din naman ang iba bilang pagsang ayon.

" Tama na iyan. Maganda na ito." Sabay na sambit ni Timothy at Nathan. Hinanap ko ang director na gumagawa at tumutulong saamin.

" It was perfect, Director. We don't need to repeat the performance shooting."

" It's good to hear that. You did well. Thank you for today. The editors will do their parts later." Tumango naman ako at saka ngumiti. Nakipag kamay ako sa kaniya. Lumapit naman ang ilang member at binati din ang director.

Ilang beses kaming nagpicture kasama ang buong staff nila. Nang natapos kami ay saka na kami tinawag ng mga staffs namin para makaalis na at makapag handa na para sa live performance naman namin mamayang gabi. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay kinausap ko si Deianira sa text message. Ang iba namang members ay nakaupo lang ng maayos at nagpapahinga.

Nang makarating ang sasakyan namin sa isang venue ay saka na kami nag ayos ng mga damit namin. Nagpalit kami at nag ayos ng aming mukha. Dinagdagan lang nila ang make up namin kanina at saka ang damit namin ay pinalitan nila.

" Brian, iyong breakdance mo mamaya ha? Magiingat ka, madulas ang stage nila, pinuntahan namin kanina." Sambit ng isang staff kay Brian. Tumango naman si Brian.

" I will." Pagsagot naman nito.

Lahat ay handa na. Naka ayos na kaming lahat. Ang mga earpiece namin ay nakasaksak na din sa aming tainga. Ang mga fans ay madidinig na din ang sigawan sa labas. Magpeperform lang kami at pagkatapos niyon ay aalis na agad.

" Grabe. Madulas nga doon. Mabuti nalang hindi ako nadulas nang tuluyan." Tawa ni Brian nang matapos na kaming magperform. Kamuntikan na siyang madulas dahil sa sinabi nga ng staff kanina bago kami magsimula. Madulas naman talaga ang sahig nila sa stage. Kaya naman ingat kaming lahat kanina.

Ang mga singsing na nakalagay sa mga kamay ng ibang members ay agad nilang tinanggal nang makapasok na kami ulit sa make up room at dressing room. Ang mga earpiece din namin ay tinanggal na. Ang mga iba pang accessories ay inalis ko na sa katawan ko.

" Last day natin dito bukas? Magpaalam tayo kung pwedeng umalis, mag mall tayo, or shopping, sa gabi nalang, bago tayo mag live." Nagkibit balikat si Alex.

" Baka hindi pwede. You know, Ivor." Tumawa naman si Timothy at Theodore. Si Brian at Cody naman ay naguusap habang nauunang mag ayos ng gamit nila.

Kailangan na umalis. Dahil baka masundan kami ng fans kapag naabutan pa namin na umalis ang mga tao dito sa venue. We also have to rest, dahil bukas ay last day, at may interview kami. Sumakay kami sa sasakyan namin. Magkakatabi at magkakasama kami nila Nathan at Brian sa isang sasakyan. Ang iba namang naiwan na members ay nasa isang sasakyan.


" Kyle, alis tayo mamaya ha? Hindi magagalit yan sa Ivor, saglit lang naman, kasama naman natin ang mga guwardiya." Pamimilit ni Brian sa akin sa sasakyan, kahit si Nathan ay nakabusangot na sa harapan ko at nagmamakaawa ang itsura.

Tinignan ko silang dalawa.


" Sure. We can. May gusto din akong puntahan kaya naman pwede. Hindi magagalit si Ivor, kargo naman natin ang isa't isa kapag nagalit." Tumawa ako sa sinabi ko. Kahit si Nathan ay natawa din.

Nauuna ang sasakyan nila Timothy, kami naman ay nasa pangalawa lang. Kahit gaano ko o namin na gustong lumanghap ng hangin mula dito ay hindi namin magawa. Hindi naman kami pwedeng magbukas ng bintana, dahil makikita nila kami. Makikita kami ng mga tao, kahit nga ang bintana namin ay tinted, na kapag nasa labas ka ay hindi mo talaga makikita kung ano ang nasa loob nitong sasakyan namin.


" Mamaya po dadating na ang pagkain ninyo. Tatawagin nalang po namin kayo kapag aalis na ang sasakyan at nasigurong wala ng masyadong tao sa Mall na pupuntahan ninyo mamaya." Mahabang litanya ng staff sa amin. Tumango naman sila.

Ngumiti ako.


" Hihintayin nalang namin. Magpapahinga na din kayo. Maraming salamat."

" Maraming salamat, Mr. Intellegentsia."

Umalis ang Babaeng staff. Isa isa na kaming binuksan ang mga pintuan namin at saka kami pumasok sa kani kaniyang mga kwarto namin. Pagbaba ko ng gamit ko ay tinawagan ko kaagad si Deianira.

" Love, napanood ko ang performance ninyo!" Bungad niya agad sa akin. Tumawa naman ako sa bungad niya.

Tumingin ako sa paligid, baka may makarinig sa akin.


" Really?  How was it? Nagawa ko ba ng maayos ang moves ko? What?" Tumawa nanaman ito. Nahawa na ako sa tawa niya. Umupo ako sa sofa na narito para matanggal ko ang sapatos ko.

" Yes, you did great, Love. And also the other members. Ang galing ninyo, always. I'm so proud of you, Love." Ngumiti ako sa sinabi niya. Inayos ko ang mga gamit ko, at naghanda ako ng mga gagamitin kong damit para mamaya kapag aalis kami saglit.

" Thank you, Deianira. Bukas ay aalis na kami dito, babalik na kami diyan. Aalis kami mamayang gabi at magmo- Mall. May gusto ka bang ipabili?" Tanong ko dito. Ilang minuto siyang natigil sa pagsasalita, baka nagiisip ng ipapabili sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay saka na siya nagsalita.

" Anything, Love. Ikaw na ang bahala. Just be careful with your Fans, baka madumog kayo at masaktan. Kumain ka na." Humiga ako saglit habang naghihintay ng pagkain.

Mamaya maya ay nandito na ang pagkain kaya kailangan ko ng patayin ang tawag. Wala namang CCTV dito sa mga kuwarto namin. Bawal iyon sa amin, sinabi at binilin iyon ni Ivor sa may ari ng hotel na tinutuluyan namin ngayon kaya safe ako kapag kausap si Deianira sa telepono.


" Okay, I will buy you something later. I have to eat first. Eat your dinner also. Don't drink coffee, Love. Gatas na ang dapat mong iniinom. I love you, always, My wife."

" I love you more, Kyle. See you soon. We'll wait for you."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now