15

40 32 0
                                    

" Okay! Nice!"

Sumalampak na ako sa aking upuan nang matapos kaming mag rehearsal para sa nalalapit naming concert. Tiyak na maraming pupunta kaya naman kailangan ay mapaghandaan na namin ang lahat.

" Kapag soundcheck ba, may suot din tayo?" Tumango sila.

Binigyan nila kami ng tubig, uminom naman kami agad. Ilang oras kaming pinagpahinga, at nang matapos na ay saka na kami bumalik sa kotse, may nakakuha ng litrato namin, kaya lang ay iilan lang.

" Babalik na po tayo sa building. At kailangan daw pong magpahinga na kayo."

Sumakay kami sa kotse. Sa iisang sasakyan lang kami. Masyado kasing madaming tao sa labas kaya kailangan ay iisang sasakyan kami.

Pasakay na ako sa sasakyan namin nang makatanggap ako ng tawag.

" Love? Can you come over? It hurts, a lot." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

" I'll come over, baby, where are you?"

" House." Pinatay ko ang tawag ko. Tinignan ko ang driver at sila Brian.

" Brian, may emergency kay Deianira, ikaw na bahala sa kanila, aalis ako sa ibang kotse." Agad naman silang tumingin sa akin, tumango si Brian, ang ibang member naman ay nagtataka.

Umalis ako nang mabilisan, sa sasakyan ng isang staff ako sumakay, pinahiram lang saakin ang susi at saka ako na magisa ang nagdrive paalis ng venue na iyon, private exit ako lumabas kaya walang makakasunod sa akin.

Ilang minuto na pagda drive ay nakita ko na ang bahay namin, agad akong tumakbo papasok at hinanap si Deianira.

" Love!" Sigaw ko mula sa labas. Nang buksan ko ang pinto ay napahawak ako sa aking sentido. Pumutok ang comfetti na kulay blue at saka ko nakita ang buong pamilya ko, at ni Deianira, nakangiti silang lahat, si Deianira naman ay agad akong niyakap.

" Akala ko ba-"

" Bumalik ako sa Doktor, sinabi niya na pwede na daw makita ang gender ni Baby kaya naman pinakita ko na, it's a boy, Daddy Kyle, lalaki ang panganay natin." Halos maluha kong tinignan si Deianira. Niyakap ko siya pabalik at saka ko hinalikan ang noo at labi nito, bumati naman ako sa mga magulang ni Deianira at sa mga magulang ako, lahat sila ay narito at may nakahanda na ding pagkain.

" Matutuwa sila Brian nito kapag nalaman nila, akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa iyo, bakit ganoon ka magsurprise, ginulat mo ako." Hinawakan ko ang kaniyang beywang, ngumiti naman si Deianira.

" Idea iyon nila Mama mo, kaya naman sinunod ko nalang, are you happy, Kyle?" Nakangiti niyang tanong sa akin, tumango tango naman ako sa kaniya.

Kumakain na ang mga pamilya namin, kami naman ni Deianira ay nasa kusina at naguusap ng masinsinan, hindi naman kami tinatawag, kailangan namin ng space.

" Ako nalang ang magsasabi kina Brian mamaya, sa ibang araw naman ay magset tayo, para makakain tayo nang sabay sabay nila Ivor, ayos lang ba iyon?" Nagaalala kong tanong kay Deianira. Tumango naman siya kaya ngumiti ako dito.

Sumama na kami sa pagkain kasama ang buong pamilya. Sinandukan kami nila Mama, magkatabi naman kaming kumain, nakangiti sa amin ang lahat.

" Kyle, sinabi saamin ni Deianira na ayos lang sa Manager mo ang tungkol sa anak ninyo?" Tanong ng Mama ni Deianira.

" Yes Ma, naghahanap nalang po ako  ng oras kung kailan ko sasabihin sa mga tagahanga namin, mukhang doon po ako mahihirapan." Tumango naman sila.

" Maaayos niyo iyan, balang araw, ang mahalaga ay bantayan natin ng maayos si Deianira dahil siya ang unang apo ng pamilya na ito." Nagtawanan naman sila sa sinabi ng Mama ko, kaya naman umingay ang buong bahay, masaya kami habang naroon, hindi ko nagawang tumawag kina Brian kung ano ang nangyayari dito sa bahay, baka mamaya ay nagaalala na ang mga iyon saakin.

Sinulit ko na kasama sila. Doon na din daw muna sila matutulog habang wala ako, lahat na sila ay doon na, para kung may emergency ay may kasama si Deianira. Pumayag naman ako sa kanila kaya naman mas gumaan ang pakiramdam ko doon.

" Kyle, baka hinahanap ka na ng mga kagrupo mo?" Tanong naman nila sa akin.

Tinignan ko ang aking telepono at nakita kong madami na silang mensahe sa akin, baka nga hinahanap na nila ako.

" Opo, hinahanap na nga po ako, maraming salamat po talaga at dito muna kayo pansamantala para bantayan ang asawa ko." Sambit ko. Niyakap naman ako ng Mama ni Deianira.

" I'm so proud of you, Kyle. Hindi mo iniiwan ang anak ko, kahit na ipinagbabawal sa industriyang kinaroroonan mo ang pag aasawa." Ngumiti ako.

" Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, kaya ko pong talikuran lahat ng mayroon ako, basta po ay makakasama ko siya habang buhay." Mas lalo akong niyakap ng Mama ni Deianira. Yumakap naman ako pabalik, wala na akong hihilingin pa, maayos ang pagsasama ng pamilya naming dalawa ni Deianira, magkakaanak na kami, tanggap kami ni Ivor, at may mga tunay akong kaibigan, kaya wala na akong ibang hihilingin kundi maging ligtas at masaya kaming lahat dahil may dadagdag sa pamilya namin.

Sumama sina Mama at lahat ng narito sa bahay sa yakapan, may iba nga na kumukuha pa ng litrato, kaya naman mas lalong umingay ang bahay. Inayos ko na ang gamit ko, dahil kailangan ko ng bumalik, hindi naman porke't maayos na kay Ivor ang lahat ay aabusuhin ko ang mga ganitong bagay.


" Deianira, aalis na ako, kapag natapos na ang concert, kahit dito ako ng dalawang araw, basta papayagan ako ni Ivor." Pagpapaalam ko kay Deianira, tumango naman siya, hinalikan niya ang aking leeg, niyakap ko siya nang mahigpit.


" Of course, maayos ako dito, Kyle. Hindi ka na magaalala sa akin, take care of yourself and also your voice." Ngumiti ako.


" Be careful when walking, okay? Huwag ka ng magsusuot ng heels kung okay lang, I love you always, Love." Hinalikan ko ang labi niya.

Sinamahan na nila ako sa labas ng bahay para pasakayin, kumaway at bumusina naman ako nang makapasok na ako sa loob ng kotse. Kailangan ko na din pala itong ibalik, hindi pala saakin ang kotse na ito.


" Hello? Kyle? Nasaan ka na daw?" Tanong ni Cody.


" Pabalik na ako."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now