08

50 45 0
                                    

" Paanong makikita sila sa Building na iyan? Galing sila sa isang convinience store!"

Hindi ako nagsasalita habang naririnig ang sinasabi ni Ivor. Agad kumalat ang sinabi ng babae na iyon, nakita niya daw si Brian. Well, nakita niya naman, pero i dedeny parin iyan ng mga manager at staffs namin. Hindi kami pwedeng mainvolve sa dating issues, nasa rule namin iyon.

Pero ako? Pwede ata.

" Brian? Hindi ba nasa convinience store kayo ni Kyle kahapon? Paanong may isang fan ang nakakita daw kayo sa isang building?" Tinignan ako ni Brian. Agad naman akong umayos ng upo at ako na mismo ang sumagot.

" Nasa convinience store nga kami, nagutom kami ni Brian kaya kumain kami doon. Baka namamalikmata lang ang babaeng iyon, kaya akala niya ay si Brian ang nakita niya."

Tumango naman si Ivor, ang bilis ko siyang mapaniwala, kaya naman napapabuntong hininga kaming dalawa ni Brian.

" Okay, since the issue is now solved. We have to talk about your performance in Los Angeles. Doon kayo for 3 days, bukas kailangan niyo ng maghanda ng mga gagamitin ninyo, at sa gabi, aalis tayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napakuyom pa ang aking mga kamay sa nasabi niya.

Nagkatitigan ang ibang members, ang iba naman ay napahawak sa kanilang mga bibig. Yeah, it's Los Angeles. Talagang nakaka excite naman talaga iyon. Kaya lang, may maiiwan ako dito. Hindi ko ata kaya iyon.

" You have to prepare your things para sa tatlong araw na stay doon. At saka, ang mga damit na gagamitin niyo sa performance niyo ay mga staff na ang aayos. Kaya magpahinga kayo ngayon." Tumango kaming lahat. Sila Nathan at Theodore naman ay tinawagan na ang mga kamag anak nila, dahil matatagalan nga kami doon, hindi din naman iyon sigurado, dahil baka kunin kami sa mga interviews.

Kinuha ng mga staff ang maleta namin, at saka nila iyon inilagay sa kotse na sasakyan namin pabalik sa bahay namin maya maya.

" Aalis na kami, Ivor. Anong oras pala ang alis? Alam naming iaannounce niyo ito sa tao, at alam na nila ito ngayon palang, kawawa ang mga Army's kapag nakipagsiksikan sila sa Airport bukas." Sambit naman ni Alex. Napatango naman si Ivor sa sinabi ni Alex sa kaniya.

Tumayo si Ivor at saka niya sinukbit ang kaniyang bag.

" 7 pm, aalis na. Alam na nga ng Fans niyo at ng media, kaya nagpahanda ako ng mga back up, kaya walang magiging problema. Bawal din namang pumasok sa airport, kaya walang masasaktan sa inyo." Tumango kami.

Umalis siya at saka pati ang ibang staff. Kaming pito at mga natitirang staff nalang ang nandito. Kailangan kong magpaalam kay Deianira mamayang gabi. Baka kasi may hindi magandang mangyari sa kaniya habang wala ako, wala siyang makakasama kapag may nararamdaman siya o kaya naman ay kasama magpa check up sa kaniyang doktor.

" Nakapag paalam na ako sa kapatid ko, at sa mga magulang ko, nabasa na din naman nila kaya naman, madali akong nakatawag." Sambit ni Nathan. Agad naman kaming tumango at sumang ayon sa sinabi niya.

" Ako din, natawagan ko na ang magulang ko, ang mga kapatid ko, wala namang pakialam sa akin." Natawa kami sa sinabi ni Theodore. Nakasimangot naman siya sa tawa naming anim. Si Timothy naman ay busy sa telepono niya dahil may nilalaro,ang iba naman ay nakasandal lang ang ulo sa lamesa dahil wala silang gana siguro.

Tumayo na si Alex, kaya sunod sunod na iyon. Tumayo na din kaming anim, para makapag paalam na at makapag handa na kami ng gagamitin namin sa pag alis at makapag pahinga na din.

" Tara na, nakahanda na daw ang kotse sa likod."

Nang makarating kami sa bahay namin ay tumawag agad ako kay Deianira. Nakabantay ang mga staff sa labas kaya hindi ako makakapag paalam na aalis ako kay Deianira. Kaya itatawag ko nalang.

" Love? 3 days lang iyon, kaya ko naman kung wala ka dito. At saka narito naman sila Mama at may napag sabihan na akong isang tauhan ko, kaya anytime na kailangan ko ng tulong, may lalapit saakin habang wala ka." Sambit niya. Gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya. Ang mga ibang members ay nagaayos na ng gamit nila. Tatawag muna ako, para mamaya ay mag eempake nalang at saka na matutulog.

" Nag aalala lang ako sa iyo. Baka kasi wala kang kasama sa pakikipag kita sa Doktor mo, at paano ang mga cravings mo?" Tanong ko dito. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

" Love, may maghahanap na ng mga cravings ko, maayos ako, si Mama nalang ang sasama muna saakin pansamantala." Ngumiti ako sa sinabi niya.

" Okay, I have to go. I'm sorry but I have to end the call quickly. Mag eempake pa ako. Magpahinga ka na. I love you, always, Deianira. Remember that." Narinig ko ang pagtawa niya ng mahinhin.

" I love you more, Kyle."

Nang maibaba na ay saka na ako umakyat at nagligpit ng mga damit ko. Nag empake ako at saka nag ayos ng mga damit. Kaunti lang at pambahay ang mga ito lahat. Bukas naman ay nakaready na ang mga damit namin para sa airport at ang sa performance, tapos ang amin nalang na ieempake ay ang damit namin na gagamitin sa loob ng hotel.

" Kyle, pahiram ito ha? At saka kukunin ko na ang Earphones ko, baka kasi masira mo." Napailing ako sa sinabi niya.

" Babawiin ko nalang din ang hihiramin mo kung bubulyawan mo ako sa pagiging hindi ko maingat sa gamit." Sambit ko.

Umalis agad siya nang matapos na siyang maghalungkay ng mga gamit ko dito. Nag empake ako ng maayos, at saka ko isa isang sinilip ang mga kasamahan ko kung natapos na silang magayos ng mga gamit nila.

" Kyle, pwede ba akong magdala ng gitara doon? Pero sabi ni Ivor, mga damit lang daw kasi, paano ba ito?" Napakamot ako sa aking uluhan sa sinabi niya.

" Timothy, bawal. At saka baka kapag nagdala ka niyan, ipapaiwan iyan sa airport. Baka magalit iyon."

" Gusto ko kasing gumawa ng kanta para sa mga Army's."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now