13

45 34 0
                                    

" Love? Anong sabi ng Doktor mo?"

Tanong ko kay Deianira nang makapasok ako kaagad sa kaniyang kwarto. Nakita ko siyang nakaupo at may inaayos sa kaniyang lamesa kaya naman lumapit ako sa kaniya kaagad.

" Our baby is fine. Next month, pwede na nating makita kung anong gender, mag oorganize ba tayo ng party?" Tanong niya sa akin. Napakibit balikat naman ako, paano kami magoorganize ng party kung dapat ay nasa private lang kaming lugar? Baka mamaya ay makita kami ng mga tao, mas delikado iyon.

" I don't know. Siguro ay sasabihin natin kay Ivor ang tungkol sa atin, next week, para makapag organize tayo ng party at maisama natin ang members na iba." Tumayo si Deianira at saka siya yumakap sa akin, ngumiti naman ako sa sinabi niya.

Sumagot ako sa mga yakap niya, mas hinigpitan ko ito, at saka ko siya hinalikan sa mga labi niya nang matapos kaming magyakap.

" Thank you for doing that, Kyle. I know Ivor, magagalit iyon for sure, pero you are still planning to tell him about this." Nginitian ko siya.

" No worries, love. Para narin sa kaligtasan mo at ng anak natin, kailangan na nilang malaman." Tumango siya. Itinabi na niya ang kaniyang ginagawa at saka siya humiga sa kama.

Sumunod naman ako, dito na muna ako magpapalipas ng gabi ko. Nagpaalam naman ako kay Ivor na sa mga magulang ko ako pupunta, kaya baka hindi niya ako hahanapin mamaya.

" And also, dala ko iyong sapatos na nasa live namin. Hindi ko pa alam ang gender pero panglalaki agad ang ibinili namin ni Brian, siya ang nakakita niyon." Tumawa si Deianira tapos ibinigay ko ang paper bag sa kaniya na may laman na sapatos.

Binuksan niya ito at saka niya tinignan ang laman nito. Ngumiti siya nang matapos.

" Kyle, you know what? Kasing gwapo mo ang anak natin kapag lalaki nga siya. Sana iyong mga anak din ng ibang members ay lalaki para may grupo na papalit sa inyo." Tumawa ako sa sinabi niya. Humiga ako sa tabi niya at saka ko hinalikan ang noo nito. Kinuhana ko siya ng litrato habang hawak niya ang sapatos.

Ibinalik niya ito sa lalagyan agad at saka itinabi sa lamesa.

" We'll do a group for sure. At kasama doon ang mga anak namin. Hindi natin masasabi kung kailan iibig ang ibang iyon kaya naman kailangan natin ng pasensiya para doon."

Inayos ko ang aking bag sa tabi at saka ako tumabi kay Deianira. Kinumutan ko siya at saka siya yumakap sa akin.

" Maybe si Brian ang susunod. I don't know, he's so excited kaya baka wala sa oras ay mag asawa na din iyon." Tumawa ako.

" You know what? Nahuli ko siyang nagbabasa ng r18+ na libro, and also, some movies, hindi ko alam bakit ganoon." Tumawa kami. Hindi ko alam pero noong minsan ay nahuli ko siya, hindi ko naman siya masisi, ilang taon na din siya at may pangangailangan na din. Kidding.

" Maybe that's his past time? Or maybe para maiba ang takbo ng isip niya at hindi puro trabaho?" Nagkibit balikat ako.

Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa kaniyang mukha. Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ilang buwan nalang ay makikita at malalaman na namin kung anong kasarian ng anak namin, kaya naman nakakatuwang isipin iyon.

" Kyle, what if, ayaw akong tanggapin ni Ivor? Paano kung sabihin niyang-"

Pinutol ko ang sasabihin niya.

" Deianira, kung ayaw niya tayong magkasama, hihiwalay ako sa grupo, iyon lang iyon. Napagusapan na namin ito, na kung may isa man sa aming mga kagrupo ang magkakaroon ng relasyon at hindi papayag si Ivor, aalis kaming pito sa trabaho." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

" Love, kayo ang pinaka sikat na grupo ngayon, paano kung aalis kayo? Paano ang mga nagmamahal sa inyo? Paano ang mga fans niyo?" Hinalikan ko ang labi niya, hindi siya sumagot sa halik ko.

Nakabusangot siya.

" Mahal kita, Deianira, mahal na mahal, at ngayong may anak na tayo, at magiging mga magulang na, hindi ko kayo pwedeng iwan, kaya kong talikuran ang trabaho at pagkasikat ko, kung ikaw din lang ang makakasama ko habang buhay, Deianira." Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

Inilagay ko ang kamay ko sa kaniyang beywang, at ganoon din ang ginawa niya.

" Thank you so much, Kyle. I am so excited for our baby. Nasabi ko na din kina Mama and they understand na wala ka habang inaannounce ko dahil sa trabaho mo."

" Sa susunod na mga araw ay ako na ang kakausap kina Mama. Kung hindi ko naman kaya dahil sa practice sa concert ay sa telepono nalang ako tatawag." Tumango siya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para ipagluto siya. Natapos na ako sa lahat kaya naman naligo na din ako para sa pag alis ko. Nakita ko naman siyang gising na, kaya inaya ko na siyang bumaba para makakain kami nang magkasama.

" Maaga ka ngayon?" Tanong niya.

" Yeah, we have to rehearse. Hindi naman iyong world tour kaya madali lang kaming matatapos." Tumango siya. Sinandukan ko siya ng pagkain at saka ko ibinigay ang gatas.

" Take care of your voice, Kyle. I badly want to watch but, Army's are wild, kaya baka matulak tulak lang ako kapag nagsimula na kaya hindi na muna." Sumubo na ako at nagmadaling kumain.

" Yeah, kapag nakalabas na ang anak natin ay saka na kayo manuod sa akin, para naman makita niya kung paano ako magperform sa stage." Tumawa at ngumiti naman si Deianira.

Kinuha ko na ang aking bag nang matapos kaming kumain, may kasambahay naman mamaya kaya iyon nalang ang maghuhugas ng plato, hindi din kaya ni Deianira dahil may pasok siya at bawal na siya sa gawaing bahay.

" Love, I think we have to go, tatawagan kita kung kailan natin kakausapin si Ivor, okay? Don't stress yourself too much, I can handle this." Hinalikan ko ang labi niya. Sumagot naman siya doon, mauuna akong lalabas kaya naman kailangan ko ng magpaalam.

" I love you, Kyle. I'll wait for your call."

" I love you more and our child, My wife."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant