21

39 25 1
                                    

" Kyle!"

Agad akong niyakap ni Deianira. Umuwi ako ng diretso sa bahay namin. Naroon parin naman sina  Mama kaya ligtas siya dito. Hindi din naman nila alam kung saan ang bahay namin, hindi ko pa din sinabi ang pangalan nina Deianira.

" Baby, we're now free. Nasabi ko na sa wakas, at kailangan lang nating paghandaan ang mga sasabihin ng tao, ako na ang bahala doon, Deianira." Tumango siya. Niyakap niya ako, nakita ako ng mga magulang namin, tinignan lang nila kaming dalawa ni Deianira na magkayakap. Masaya ako na tanggap na ni Ivor, at nasabi ko na. Ang balita, mabilis lang yan kakalat, at maglalaho din lang agad. Kahit na ang galit ng mga tagahanga namin at sa mga nakarinig, lilipas din yan. Ang mahalaga, ligtas ang magina ko.

" Thank you so much, Kyle. Kahit ako nagulat kanina. Hindi ko alam na sasabihin mo na. Kanina pa ako nagaalala, sinabi nila na maraming tao sa labas ng stadium dahil inaabangan ka nila, kaya naman hindi ako mapakali dito. Akala ko hindi ka makakapunta dito sa bahay." Nagaalala ang tono ng kaniyang boses, ngumiti naman ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko hinalikan ang tiyan niya bago ang labi niya.

" We just have to avoid social media for a while, kapag nahinto na ang mga media, saka na ako sasagot ng mga tanong nila, sa ngayon, kailangan muna nating alagaan ang magiging anak natin, at kailangan din kitang alagaan." Tumawa siya sa sinabi ko.

Lumapit sa akin ang Mama at Papa ni Deianira. Hinawakan nila ang aking balikat.

" Anak, nagpapasalamat ako sa iyo, kasi kahit pare pareho nating alam na mahirap sa ginagalaw mong industriya, hindi ka nagdalawang isip na aminin sa kanilang may anak ka na, at may asawa ka na. Kaya masaya ako para sa inyong dalawa, hindi ako nagkamaling piliin ka para sa anak ko." Ngumiti ako. Niyakap ni Deianira ang Papa niya.

" Kaya nga, Anak. Alam kong kapag nalaman ng anak ninyo ang ginawa ng Daddy niya matutuwa iyon. Sana maging masaya kayong dalawa, Anak. Iyon ang susi para sa walang hanggang pagibig, okay?" Tumango kaming dalawa ni Deianira. Sina Mama at Papa ko naman ay hindi na muna sumiksik sa amin, nagpaalam na din sila na magpapahinga na.

Naiwan kaming dalawa ni Deianira sa sala, napagisipan na din naming tumaas na sa kwarto naming dalawa. Mamaya nalang ako didiretso kina Mama.

" Nakabalik ka na ba sa Doktor mo?" Tanong ko dito, tumango naman siya.

" Binigyan niya ako ng mga vitamins, iniinom ko naman sila, kaya alam kong wala tayong magiging problema, at isa pa, nakabili din sina Mama ng gamit ng anak natin, bukas ipakikita ko sayo." Tumango ako, hinalikan ko ang kaniyang noo, ngumiti naman siya doon.

Inalalayan ko siyang mahiga, natapos na silang kumain e, kakain nalang ako mamaya kapag nakatulog na siya. Inayos ko na ang kumot niya sa katawan at saka ko siya hinintay na makatulog.

" Goodnight, love."


Nang masiguro kong tulog na siya ay saka na ako bumaba para kumain, naabutan ko sina Mama at Papa na nasa baba at naguusap, magkayakap silang dalawa, at saka umiinom din si Papa. Siguro ay wala silang magawa kaya naman nandito parin sila sa baba. Kumuha ako ng pagkain, at saka ako tumabi sa kanila.

" Anak, I'm so proud of you. Sa concert palang, ginalingan mo na. Dalawang araw yung concert pero nakayanan mo, at saka nasabi mo pa sa kanila na may asawa at anak ka na. Nakaka proud ka, Anak." Ngumiti ako kay Papa. Si Mama naman ay nakangiti lang siya.

" Pa, I know you're proud of me. And I know you are in there. I love my wife, kaya ko ginawa iyon. Hindi ko sila kayang iwan, kaya kahit gaano ko kamahal ang trabaho ko, iiwan ko para sa kanila, iyon ang turo mo sa akin, Papa, hindi ba? Kaya nga kayo nagtagal ni Mama e, at nabuo ako, kasi nagmamahalan kayo, at buo parin kayo hanggang ngayon." Ngumiti ako sa sinabi ko. Sina Mama at Papa naman ay nagyakapan. Inabutan ako ni Papa ng alak, tinangggap ko naman iyon.

" Naalala ko pa noon, sumasayaw at nagra rap kalang sa bahay, ngayon, sa malalaking stage na at iba't ibang bansa pa, nabibili mo na lahat ng gusto mo at nagmamay ari ka ng iba't ibang bagay na matagal mo ng pangarap, modelo pa ng malalaking brand dito. Magkaka apo na din ako sayo, napaka bilis ng panahon." Sambit ni Mama. Niyakap ko si Mama sa sinabi niya. Pumagitna ako sa kanilang dalawa, gaya ng ginagawa ko noon sa kanila.

" Naalala ko din noon nang hindi natin siya pinayagan na makapasok sa isang recording studio, gusto niya daw doon magrap, kaya lang, mahal ang bayad, ngayon, may sarili na siyang studio at mga kanta na talaga namang kinagigiliwan ng mga tagahanga niya-"

" Hindi ko nga po alam kung may mga tagahanga pa din ako ngayon e. Nagsinungaling po ako sa kanila, pero, sinabi ko naman na po e. Natakot lang po talaga ako, kaya natagalan, at isa pa, hindi ko po alam kung tanggap pa nila ako." Malungkot na sambit ko sa kanila.

Hinarap ako ni Mama at saka niya ako nginitian, tinignan niya ako ng mataman sa aking mata.

" Anak, hindi ka santo para magustuhan ng lahat. Kung hindi ka nila tanggap, o hindi nila kayo tanggap, hindi na mahalaga iyon, hindi ka naman pinanganak para gustuhin at mahalin ka ng mga tao, kung sino lang ang tunay na mahal ka, talagang magi stay sila sayo, kagaya namin, mahal ka namin, kaya nandito kami para sayo, hayaan mo sila kung ayaw ka nila, basta ang mahalaga, mahal ka ng asawa at anak mo, pati kaming mga magulang ninyo." Tinignan ni Papa ang baso ko.

Agad kong tinaas ang aking baso at saka ako nakipag inuman kay Papa. Nang makatapos kaming sabay na uminom ay tumawa kaming dalawa ni Papa, si Mama naman ay agad na sumingit sa usapan namin na ikinatawa naming dalawa ni Papa.

" Huwag masyadong marami, baka paguntugin ko kayong dalawa diyan."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now