09

51 43 0
                                    

" This way, Sir."

Flash ng camera ang sumalubong saamin nang palabas na kami ng airport at sasakay na kami sa eroplano. May mga Army's pa din ang namilit na pumasok at makita kami, kaya ngumingiti nalang kami para gumaan naman ang loob nila.

" Kanina din, gustong magpalitrato nung babae, sabi ni Ivor, bawal, kaya hindi tuloy nakapag picture." Sambit ni Nathan habang naglalakad. Tumingin naman si Brian sa mga media at saka siya kumaway.

Yumuyuko naman ako at bumabati sa mga media at reporter na narito.

"Army ata iyong babae, nakita ko may photocard siya ni Alex, sayang hindi siya doon sa lane na iyon." Tumatawa si Timothy habang naglalakad, tumingin naman si Alex, kaya mas lalong napatawa si Timothy at Theodore.

Tumingin kaming muli doon sa babae. Hindi naman nakatingin kaya ayos lang. Nakaalis na kami ng airport at nasa eroplano na kami.

" Mabuti pinayagan ka ni Deianira?" Sambit naman ni Nathan. Tumango naman ako habang nag aayos ng aking gamit sa tabi ng aking upuan, naka special ang upuan namin, kaya hindi din kami makikita ng tao, at saglit lang naman ang byahe kaya siguro makakaidlip lang ako.

" Oo, pumayag naman. Kapag nakauwi na tayo, diretso ako sa kaniya. Binilin ko naman siya sa mga tauhan at kasama din ang Mama niya kaya walang problema." Tumango si Nathan. Magkakasama kami sa isang kwarto, lahat naman may sariling upuan at katabi ko nga si Nathan kaya nakakapag usap kami ng tungkol sa ganitong bagay.

Humiga ako, maya maya ihahanda na ang pagkain, kaya naman hindi ako magpapatalo sa pagkain, lalo na si Alex na may dala pang mga pagkain sa bag niya. Kasama niya naman sa pagkain niya si Timothy, lagi naman.

" Pagdating ba natin doon, magsho shoot na tayo ng performance video?" Tanong sa akin ni Theodore.

Agad din akong napaisip. Hindi ata nasabi sa akin iyon ni Ivor.

" Hindi ko din alam. Walang sinabi si Ivor, baka kapag nakarating na tayo doon, saka niya sasabihin."

" Sige, salamat." Bumalik na siya sa upuan niya katabi si Brian.

Ang lahat ay nasa mabuti namang kalagayan. Nakaupo at nakahiga naman ang iba. May nakahawak sa telepono, may kumukuha ng litrato, at  may iba naman na kumakain, at tulog naman ang isa. Ako naman ay nakatingin lang sa bintana, gustong gusto ko ng kapaligiran, masaya ako kapag nasa ibang lugar ako at nakikita ko ang paligid, napakagandang tignan. Nakakagaan sa loob at pakiramdam.

" Kyle, pwedeng doon ka muna sa pwesto ko? Kukuha lang ako ng litrato."

" Sige." Tumango at pumayag nalang ako sa gusto ni Theodore. Gustong gusto niya ng photography, kaya naman kapag nasa ibang lugar kami, lagi siyang may hawak na camera at dala dala niya lagi ito.

Ang upuan niya kasi ngayon ay wala sa tabi ng bintana kaya naman hindi siya makakuha ng litrato. Ang iba namang member na nasa tabi ng bintana ay tulog, kaya hindi niya maistorbo. Lalo na si Brian at Alex.

Hindi ko matawagan si Deianira dahil may staff sa labas at binabantayan kaming pito. Kaya pasimple nalang akong nakikipag text sa kaniya.

Nang makababa kami sa eroplano matapos ang lipad namin ay panay reporters at flash ng camera ang sumalubong sa amin.

" Sir, this way please. You have to go to your Hotel Rooms right now for you and the other members to take a rest before your performance shooting later." Tinuro ng isang babae ang daan kung saan kami papasok at sasalubungin kami ng mga guwardiya.

" Thank you very much for your information."

" You're welcome, Sir. Enjoy!"

Dala namin ang mga maleta namin, sila Timothy at Nathan naman ay naka backpack lang. Ang iba naman ay pinahawak na nila sa ibang staff ang mga gamit at dala nila. Ilang minuto na paglalakad lang ay nakarating na kami sa aming mga sasakyan. Tatlo sa kabila at apat sa kabila. Rule iyon na hindi kami pwedeng isang member sa isang sasakyan. Ewan ko ba.

" May naka assign na daw na kwarto para sa members. After ng shooting para sa performance, kailangan nating mag live, para sa mga fans. Ilalabas na din nila mamaya iyong airport photos natin." Balita ko sa mga kasama ko nang makarating kami sa aming hotel. Isa isa naman ngayon ang aming tutulugan, pero bawat labas ng kwarto ay may isang nakabantay na guard para sa amin.

Tinawag ko nalang ang anunsiyo na iyon sa kanila. Baka busy na din silang maligo at mag ayos para maghintay ng pagkain at makapunta na kami sa aming pupuntahan mamaya para mag shooting. Kailangan na agad mag shoot dahil hindi naman kami pwedeng magtagal dito. Dahil may mga interviews at performances din kami sa lugar namin, at hindi lang dito.

" Love?" Tanong agad ni Deianira ng makapunta ako sa loob ng banyo, nilakasan ko nalang ang tubig para hindi marinig ang usapan naming dalawa ng asawa ko.

Hindi naman siguro kami maririnig kaya ayos na ito. Kailangan ko lang siyang makamusta at masabi kong nakarating ako dito nang maayos, para hindi na din siya mag alala pa. Bawal pa naman iyong ma stress.

" Nakarating na ako. Maayos ba ang lagay mo diyan? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ko.

" Wala naman, Kyle. I am waiting for you, actually. Sakto at kakatapos din ng meeting namin, kaya naman nasagot ko ang tawag mo agad." Sambit niya. I am happy that she's fine. Kaya napangiti ako.

Sinilip ko ang labas. Kapag natapos na akong kausapin siya ay maliligo na ako, para makapag palit na ako at makapunta na ako sa mga make up artist namin para maayusan nila kami.

" Kapag may nangyaring hindi maganda, tawagan mo ako, para may balita ako sa iyo. Don't stress yourself, love. I am telling you this. Hmm? I love you."

" I love you too, Kyle. I love you always. I will be fine. Okay? Be careful also,  I will watch your performance on Youtube later. Take some rest first. I love you." Ngumiti ako sa sinabi niya.

" I love you, My wife. I will see you soon. Bye."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now