Prologue

124 52 2
                                    

" Magkakaroon tayo ng malaking concert, naghahanap pa kami ng mas malaking venue, kapag natapos na lahat ng kailangan natin ay saka niyo na ipabalita sa mga Fans ninyo."

Paliwanag ng aming Manager. Nasa isang kwarto kami at naguusap usap. I am the leader, kaya kailangan ay lagi akong nasa focus at papasok lahat sa utak ko ang sasabihin nila. Mas matanda naman sa akin si Alex, pero hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili nila na maging leader ng grupo.

" Kyle, may awardings din pala kayong pupuntahan, at kailangan ninyong magsukat ng mga damit mamaya, pupunta ang mga stylist ninyo dito at saka ang wardrobe para ayusin ang mga kakailanganin para sa  awardings." Paliwanag ni Ivor ang aming manager. Matagal na siya sa amin, at saka simula palang noong nasa ibaba palang kami, siya na ang kasama namin, kaya hindi nakakapagtakang kilala na namin ang isa't isa.

Tumango naman ako at saka ko tinignan ang iba ko pang mga kasama sa banda. Lahat sila ay nakikinig din at nakafocus sa sinasabi ni Ivor.

" Okay, practice nalang muna ang gagawin ninyo ngayon dahil kailangan na nating iupload ang dance practice ninyo sa Youtube channel ninyo." Tinawag nila ang aming mga make up artists at saka nila kami isa isang inayusan at binihisan nang makalabas kami ng meeting room.

Tuwing may labas kaming bagong kanta at may kasama itong sayaw, lagi naming ipinababalita sa aming mga Fans ang mga ginagawa namin. Iyon ang mahirap, wala ka dapat tinatago.

Pero iba sa akin.

" 5, 6, 7, 8!"

Nagsimula ang kanta, sinasabayan namin ang galaw ng bawat isa. At saka kami sumasayaw ng buong puso. Nakangiti kami upang ipakita sa aming mga tagasuporta na mahal namin ang ginagawa namin at masaya kaming ipakita ang talento ng bawat isa sa amin. Nang matapos ang kanta ay saka lang kami nakapag pahinga. Inabutan kami ng mga tubig at saka mas lalo nilang nilakasan ang mga hangin sa loob ng dance room para agad matuyo ang aming mga pawis sa likod.

Nakaupo lang ang lahat ng kasama ko sa lapag, at pinapakiramdaman ang pagod ng bawat isa.

" Hey, Kyle! You should call someone! Baka mamaya ay nagaalala na iyon sa iyo!" Tumawa naman si Nathan sa sinabi ni Theodore. Napailing naman ako sa sinabi niya. Nakita ko ang aking telepono sa gilid kung saan naroon ang mga upuan.

I sighed.

" Maingay daw kanina si Alex sa social media kanina? Nababasa ko ang mga posts ng Army's, tuwang tuwa nga sila." Sambit ni Theodore. Tumawa naman si Alex sa sinabi niya. Tumayo na isa isa ang mga kasamahan ko at saka sila pumunta sa mga staff para magpalit ng mga damit nila. Ako naman ay naiwang magisa dito sa dance room namin.

Tinanggal ko ang aking mga sapatos at itinira ang medyas kong kulay puti, ramdam ko ding tumutulo pa ang pawis sa aking likuran at mga noo, kaya agad ko itong pinunasan. Sa propesyong ito, bawal kang mapagod, bawal kang magkasakit, bawal kang tatamad tamad, lalo na kung malaki ang pangalan mo sa industriya ng Musika.

" Kyle, aalis na daw ang sasakyan in 10 minutes, doon na daw muna tayo sa bahay bago tayo babalik dito para sa fitting." Sumilip sa pintuan si Brian, at saka siya ngumiti nang maluwag, hindi na din makita ang mga mata niya kapag ngumingiti, kaya gustong gusto siya ng mga tao dahil sa kagandahan ng puso nito.

Tumayo na ako at saka binitbit na ang sapatos ko palabas ng dance room, tamad na akong magbalik niyon, tsinelas nalang ang gagamitin ko kapag palabas na kami ng Building.

" Sir Kyle. Ito na po ang tsinelas ninyo, may mga media po sa labas kaya sinabi sa amin ni Mr. Ivor na ayusan kayo." Agad kong inilayo ang aking mukha sa kaniya. Hindi ko naman na siguro kailangang mag make up pa kahit na pauwi na ako ng bahay. Nakita ko din ang iba ko pang kasama na umaway sa mga makeup artists nila, kagagaling lang kasi sa pawis tapos lalagyan nanaman ng makeup.

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now