Nakita ko namang tumango si Akio. "Yes, those two are best friends.”

"Hayaan na muna natin, ang importante wala na siya dito." biglaan kong sabi dahilan para mapatingin sila sa akin. Tumingin naman ako kay Dewei, "Kaso, okay ka lang ba? ang lala ng pasa mo Dewei." pag-aalala ko kay Dewei.

"Kaya nga, ayos ka lang ba? I think you should go para mag pahinga." wika ni Gelay sa kaniya.

Ngumiti naman ng kaunti si Dewei sa amin, “Yeah... See you tomorrow guys.” sambit niya at iniwan kami roon sa dance room.

Na iwan naman kaming tatlo dito.

"Bukas, mag pa-practice na tayo for
upcoming competition sa December." sabi sa amin ni Kean.

"Sure, I gotta go." sabi ni Gelay at tinignan niya naman ako, "Hindi ka ba sa-sabay Shan?" she asked me.

Umiling naman ako, "Maya-maya pa siguro ako a-akyat sa dorm, mahilig kasi ako mag pahangin sa labas e bago pumasok sa dorm.” pag pa-paliwanag ko.

Tumango naman siya at ngumiti sa akin, "Sige-sige, punta na ako ha? see ya.”

"Alis na ako bye!" pag papaalam ni, Gelay kay Akio at Kean.

Nang makalabas na si Gelay tumahimik naman 'yung buong dance room dahil tatlo na lang kaming na iwan dito.

"Wait, may ku-kunin lang ako. Ba-balik ako agad." biglaang sabi ni Akio at dali-daling lumabas ng dance room kaya iniwan kami ni Kean rito.

Parehas lang kaming tahimik at walang imikan sa isa’t isa, nag ku-kunwari na lang ako na tinitignan ko ang buong dance room at na pa-pansin ko rin na tinititigan na naman ako ni Kean.

"I can't take it anymore." basag ni, Kean sa katahimikan.

Mabilis ko naman siyang nilingon nang marinig ko iyon galing sa kaniya, "Huh?” nakakunot naman ang noo ko nang sinabi ko iyon.

Ano raw? I can't take it anymore? ano meron.

Bumuntong hininga naman siya at tumingin sa akin at medyo malayo rin siya sa kin.

"I'm head over heels for you. I admire you a lot, and I've fallen for you for so long. Happy Birthday, gorgeous.”

Dahil sa gulat ay napatitig ako sa kaniya at hindi ako makapaniwalang sinabi niya ito sa akin.

Nakakailang at naramdaman ko ang aking puso na nanatiling kalmado habang nakatitig ako sa kaniyang mga mata.

Halos ayaw bumuka ng bibig ko upang mag-pasalamat ako sa kaniya, kaya nagkatitigan lamang kaming dalawa.

Hanggang sa dumating na si Akio ay hindi pa rin ako nag-salita kay Kean.

Nakita naman ni Kean na dumating na si Akio kaya seryoso niyang tinignan si Akio at nag-salita naman siya, “You’re here, I have to go.”

Umalis naman si Kean at naiwan naman akong nakatulala.

Gusto niya ako, hindi naman siguro ako nagkakamali ng pag dinig, hindi ba? isa siyang choreographer at isa rin siyang Anak ng principal, hindi ako makapaniwala na ang Anak ng principal na choreographer ay nag kagusto sa akin at umamin sa akin ngayon.

"Hey, you okay?" pukaw sa akin ni Akio. Agad naman akong natauhan, tumango naman ako sa kaniya, "Of course, tara? doon tayo sa bench, kung saan madalas tayo umuupo doon. Maganda pa naman 'yung buwan ngayon." I said habang nakangiti sa kaniya, agad ko naman siyang hinila at lumabas kami ng dance room.








Habang nakaupo kami ngayon sa bench at tinititigan 'yung magandang buwan, bgla niya namang hinawakan 'yung kamay ko, napasandal na lang din ako sa balikat niya habang nakatitig sa magandang buwan na napapalibutan ng mga magagandang bituin.

"Ang ganda mo." bulong niya sa akin na naging sanhi para mas bumilis ang kabog ng aking puso.

Humiwalay naman ako sa pagka sandal sa kaniya at hinarap siya. "Alam ko, hindi ko nga alam kung saan ako pinaglihi ni Mama e." pagbibiro ko, he just chuckled.

"Talikod ka."

"Huh?"

"Tumalikod ka." he repeated.

Ginawa ko naman iyon, hinintay ko naman 'yung sunod na gagawin niya. Habang nakatalikod ako, nakaramdam na lang ako na may inilagay siya sa aking leeg, napayuko naman ako doon upang tignan kung ano ito.

A necklace.

Nang mailagay na niya ito, agad naman akong napahawak sa kuwintas at napangiti dahil doon.

"Dapat talaga kanina ko binigay 'yan, kaso nag kagulo sa cafeteria kanina. Pero mas mabuti na lang din ngayon ko ibinigay, look, the moon is so beautiful like you." sabi niya sa akin.

"Ang ganda nito, maraming salamat!" agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito.

Sobrang ganda pa.

"Maligayang kaarawan, Shanianah.”

Let's Dance? (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang