***

NAGISING ako sa ingay sa kusina. Ang aga aga sobrang ingay na agad, pumunta muna ako sa banyo para mag hilamos at pag katapos ay lumabas na rin naman sa kwarto.

"Yahaaaa!!!" Agad nanlaki ang mata ko nang makita ang kalat sa kusina, jusko.

"Chester Ace, anong ginagawa mo?" Ang takang tanong ko rito at di maiwasan ang mainis.

"I just doing something!" Ang sabi nito at saka pumasok sa aparador sa ilalim ng lagayan ng stove, hayst na bata to.

"Tumigil kana nga Chester Ace!" Inis kung bigkas at saka kinuha siya kung saan naroroon.

Ang gulo naman ng bata na to! Agad ko itong dinala sa sala at pinaupo sa sofa, ang dungis niya na rin. Tsk asaan ba kasi si Hunter.

"Where is Hunter?" Ang takang tanong ko rito pero nagulat ako ng makitang wala na siya sa kinauupuan niya kanina.

"Chester Ace asaan ka?" Inikot kung tingnan ang sala pero hindi ko siya nakita.

"I'm here tito Tyrone!" Agad napadako ang tingin ko kung nasaan siya, nasa harapan siya ng TV at tinitingnan kung ano iyon.

"Tsk, let's go. You need to bathed." Ang sabi ko at saka siya kinarga. Agad ko siyang dinala sa kwarto ko at saka pumasok sa banyo.

'Ey royalties gumising na kayo, mag linis kayo sa kusina ang kalat dun.'

Ang sabi ko sa isip ng royalties.

"Tito Tyrone, my mommy said she wants to ask if how are you?" Ang sabi ni Chester Ace habang naliligo kaya napatingin ako sa kanya at nangunot ang noo.

Masyadong palaisipan para sakin kung sino ba ang ina niya.

"If you want to know who is my mommy, don't worry tito you will meet her at the right time." Ang sabi nito at saka nag tampisaw sa tubig, masyadong mystery para sakin ang bata na to.

"Hihintayin ko kung kailan iyon." Ang sabi ko at saka huminga ng malalim.

Pag katapos niyang maligo ay agad kona din naman siyang binihisan.

"Bakit ang kalat sa kusina kanina?" Ang tanong ni FryLah kaya naman itinuro ko si Chester Ace na nag lalaro sa sala, habang nanonood ng TV.

"Tsk, nagising ako sa ingay ni Chester Ace kanina, kaya himala nga at hindi kayo nagising. Pag labas ko dito ang kalat na." Agad akong napatingin kay Hunter na kalalabas lang ng kwarto at mukhang kagigising lang. Gulo gulo kasi ang buhok nito at medyo pumipikit pikit pa.

"Where is Chester Ace?" Ang sabi nito kaya naman itinuro kona lang si Chester Ace na nag lalaro parin hanggang ngayon.

"Paano tayo papasok sa klase kung andyan si Chester Ace? Baka gumawa lang yan ng gulo sa labas." Ang sabi ni HushLee.

"I'm not like that, woman!" Ang sigaw ni Chester Ace at nag lakad patungo kay Hunter at nag pakarga.

"Chester Ace can I ask, how old are you?" Ang sabi naman ni Denver.

"I'm one year old, but my birthday is coming, and I'm excited about that because my mommy is have a gift for me, ang sabi ni mommy, kapag dumating yung day ng birthday ko, she tell me who is my real father." Ang daldal niya sobra, pero naiisip ko rin kung kailan ang birthday niya kaya nag tanong na rin ako.

Masyado siyang matalinong bata. Hindi katulad ng ibang bata, sa edad na isang taong gulang alam niya na rin kung paano mag salita ng tama. Yung nga lang ay dahil masyado siyang pasaway.

"Kailan naman ang birthday mo?" Ang tanong ko rito.

"Tomorrow is my birthday, we should prepare because my mommy is coming." Ang sabi nito, kaya naman kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Darating ang ina ni Chester Ace bukas?

"Tama na muna yan, kailangan na rin kumain ni Chester Ace, and royalties hindi na muna kayo pumasok. Bumili kayo ng gamit ni Chester Ace, at ng pangangailangan niya." Ang sabi ni Hunter sa cold na boses kaya wala na kaming nagawa kundi ang kumain na lang.

Hindi rin namin pwedeng suwayin si Hunter. Baka magalit naman yon. Mabuti nga at nakikipag usap na siya samin ng hindi nagagalit.

Gaya ng sinabi ni Hunter ay hindi kami pumasok, ang sabi niya rin kasi ay mag handa kami para sa darating na birthday ni Chester Ace, masyado niya kasing pinahahalagahan ang batang si Chester Ace, okay naman na yon sakin dahil nag bago na siya kahit kunti hindi na rin siya masyadong malungkot pero natatakot ako dahil darating na ang ina ni Chester Ace bukas, baka kunin na siya ng ina nito.

"I want strawberry cake, that's my favorite and that's mommy's favorite too." Ang sabi ni Chester Ace dahil tinanong namin siya kung ano ang gusto niyang flavor nang magiging cake niya.

Pero natigilan ako dahil sa sinabi niyang flavor ng cake, paborito din kasi ito ni Ariana.

Ang ibang handa ay si Hunter na ang nag sabi. Cake lang naman kasi ang sinabi ni Chester Ace.

"Tito Tyrone I want also strawberry juice." Ang sabi nito, tsk kakasabi ko lang na cake lang gusto niya dumagdag pa.

***

TAPOS na namin gawin ang lahat, at dumating na rin ang ibang royalties dala ang gamit ni Chester Ace.

Ang dami nga nilang pinamili, meron ding malalaking laruan para kay Chester Ace.

"Please I want go outside!" Ang pangungulit ni Chester Ace kay Hunter.

Wala naman nagawa si Hunter kundi sundin ang bata, kaya wala sa oras ay lumabas ito.

"Sama natin sila!" Turo ni Chester Ace samin, kaya napatampal sa noo si Hunter at sinamaan kami ng tingin kaya agad na rin kaming napatayo.

Agad na kaming sumunod sa kanila, at halos tuwang tuwa si Chester Ace dahil kakaiba raw ang mundo ng magic world hindi tulad sa lugar nila.

Pero kapag tinatanong namin siya kung saan ba ang lugar nila ay hindi niya ito sinasagot.

"I-describe mo nga ang lugar nyo Chester Ace." Ang sabi ni Hunter, kaya tila nag iisip naman ito dahil humawak ito sa kanyang sintedo.

"There is have a devine cloud then that's it, my mommy is not allowed to me to go outside, I don't know why. I always stay at my room." Ang sabi nito

"But I know how to use my power's!" Ang sunod na sabi nito. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya pang iba.

Ang sabi niya sa tahanan nila ay mayroon na devine cloud ibig sabihin nasa langit siya ng galing?

Sino ba talaga ang tunay niyang ina't ama?

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄|

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now