"Bakit?" Ang takang sabi ko din dito.

"Gusto kung makita yon, pero..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang mag liwanag ang buong paligid, may mga crystal din na nakatanim at doon sa loob may kulay itim na bulaklak.

"Bakit nag karoon sila ng crystal?" Ang sabi ng kasama ko, na tila hindi maka paniwala.

Napatingin din ako kay Hizaku nang mag liwanag ang buong katawan niya. Mula sa pagiging anyong pusa niya ay naging isa siyang makisig na binata.

"Hizaku!" Ang gulat na sigaw ni Ariana at tumakbo para yakapin ang binata.

"T-teka Ariana, yung abs ko na iipit." Agad akong napatawa dahil sa kayabangan ng dragon na to.

"May abs ka rin? Patingin?" Ang sabi ni Ariana, at medyo itinaas ang damit ng lalaki.

"Tsk, may abs ako. Hindi mo pwedeng makita." Ang sabi nito, sa tingin ko ang ugaling meron si Hizaku ay seryoso pero makulit, childish at palatawa pero may tinatago ring pagiging cold sa katawan.

"Grabe hindi ako makapaniwala na isa kang gwapong lalaki. Ang pangit mo kasi pag dragon ka." Ang natatawang sabi ni Ariana, dahilan para pumadyak ang paa nito na tila ba nag tatampong bata.

Langhiya nakalimutan ata nila na andito ako.

"Tsk, umuwi na nga tayo." Lumingon naman sila sakin.

"Selos kana niyan kuya? Asos." Ikiniss niya ako sa pisngi.

"Umuwi na tayo, baka hinahanap na tayo ng royalties." Ang sabi ko kaya napatango naman silang pareho.

"Teka, bakit ka nga pala naging binatang lalaki?" Ang nag tatakang sabi ni Ariana kay Hizaku.

"Ang totoo niyan, hindi ko rin alam kaya, umuwi na tayo haha." Ang sabi nito at naging dragon mula kaya sumakay na ulit kami sa likod niya, lumipad siya at dumaan sa dagat, halos ang baba ng lipad niya kaya nakikita na rin namin ang malinaw na dagat pati ang mga isdang naninirahan sa ilalim nito.

Lumipad rin siya sa himpapawid at muli at tinaasan ang lipad, ang masasabi ko lang ay sobrang ganda.

***

"GRABE ang ganda parang gusto ko ulit yun ulitin." Ang masayang sabi ni Ariana pag baba pa lang namin sa may gate, naging lalaki na ulit ang dragon, kaya para na rin lang siyang studyante ng Academy.

"Tara na." Ang sabi ko at nag simula ng mag lakad ganun din ang dalawa.

"Baka mag selos yung prinsepe ng apoy na yon pag nakita niya ako." Ang rinig kung sambit ni Hizaku kay Ariana.

"Bakit naman?" Tanong ni Ariana dito.

"Ei kasi mas gwapo ako kaysa sa kanya, whahaha." Agad akong patampal sa sarili kung noo dahil dun, tsk ang yabang talaga.

"Tsk, mas gwapo si Hunter sayo noh, diko yun ipapatalo." Ang masayang sabi ni Ariana.

Pagpasok pa lang namin si dorm ay nakatuon na agad ang pansin nilang lahat saamin. Yes, dito na rin titira si Ariana dahil ang may kwartong inilaan ang dorm para sa kanya, kahit nong wala pa siya.

"Bakit di nyo kami sinama." Ang malungkot na sambit ni Frylah dito, at napatingin sa lalaking kasama namin.

"And sino siya?" Ang turo ni Hushlee kay Hizaku.

"He's Hizaku." Tipid na sambit ni Ariana at uupo na sana ng bigla siyang yakapin ni Hunter.

"I miss you wife, ayukong umaalis kana hindi ako kasama." Ang tila nag tatampong sabi nito kay Ariana.

Hindi ako makapaniwala na may ganyang side si Hunter, at kay Ariana lang niya ginagawa. Ang cold niya kasi saamin maging sa kanyang pamilya, masaya ako para sa kanila but at the same time nalulungkot rin.

"Ano ka ba Hunter, ilang oras lang tayong hindi nagkita, kailangan masanay ka na." Ang sabi ni Ariana na may halong kahulugan ang sinabi niya.

Habang tumatagal mas lalo akong natatakot na muli siyang mawala. Ang gusto ko ay makasama pa siya ng matagal kasama ang magulang namin, gusto kung maging masaya ulit ang palasyo at siguro mangyayari lamang yun kapag andon na si Ariana.

"Musta naman ang pasyal nyong dalawa ni Ariana." Ang tanong sakin ni Steffany na diko namalayan na katabi ko na pala.

"Masaya naman, kayo anong pinagawa sainyo ni HM Lance?" Ang balik tanong ko rito, bumuntong hininga ito at tumingin kay Ariana.

"Kinausap niya lang kami tungkol sa digmaang mag gaganap. Ang desisyon niya ay kausapin ang lahat ng studyante, kung sino ang willing tumulong, at kung sino ang hindi. Pinapayagan na rin ni HM Lance na umuwi sa sarili nilang tahanan ang ibang studyante para sa kanilang pamilya." Ang sabi nito, nakinig pala si Ariana dahil kita kung muli sa mata nito ang kalungkutan.

"Ganun ba, siguro kailangan na rin nating mag handa, dahil ano mang oras pwede nang mangyari yun." Ang sabi ko at yumuko.

Bakit ba kasi kailangan pang mag sakripisyo? Bakit pa kasi kailangan ng digmaan.

Putcha kung kaya ko lang ang Dark King na yun baka ako na mismo ang pumatay don.

"And ang sabi ni HM Lance ay darating ang mga Hari at Reyna para tumulong sa darating na digmaan." Nagulat ako dahil dun, baka mapano lang sila kapag tutolong sila sa digmaan.

"Ano darating ang mga King and Queen?" Tila kabadong sabi ni Ariana, hinawakan siya ni Hunter sa kamay para pakalmahin.

"Yes, Ariana nag decide na rin si King Kredaurus Kief na humingi ng tulong sa ibang kaharain. Ang gusto lamang daw tumulong sa digmaan ay ang dalawa pang kaharian. Ang Fairies Kingdom at ang isa ay ang kaharian ng bampira." Ang sabi ni Frylah.

Ang Fairies Kingdom ay ang mga diwata ang naninirahan doon, malayo ang kanilang palasyo at sobrang mapanganib, pero mababait naman sila, usap usapan rin dito sa Academy noon na, isa sa alaga ng Queen ng mga Fairies ang garden dito.

Ang bampira naman ay, malayo ang palasyo nila, nasa ilalim sila ng lupa nag tayo ng Kingdom upang hindi sila masinagan ng araw, ngunit sa gabi ay nag liliwaliw sila at nag hahanap ng mabibiktima. Ang madalas nilang biktimahin ay mga hayop sa gubat, at kung minsan ang iba naman ay napupunta sa mortal world para doon mag hanap ng taong pwede nilang kunan ng dugo at ibigay sa hari.

"Sana nga maging maayos parin ang lahat pag katapos nito." Ang sabi ni Ariana, at huminga ng malalim.

"Wag kang mag alala Ariana, hindi ka nag iisa. Andito din kami kasama mo sa laban, hindi ka namin hahayaang mag isa." Ang sabi ni Maxwell na ikinatango ng iba.

Yun na din lang ang inisip ko, tutulong ako sa abot ng makakaya ko.

Pagkatapos ay nag desisyon na lang kaming kumain dahil na rin sa gutom.

"Grabe hindi ko alam na patay gutom pala ang dragon." Ang natatawang sabi ni Samantha.

"Wag nyo nga akong tingnan, alam kung gwapo ako. Okay?" Tsk, ito na naman ang dragon na to, masyadong mahangin tsk.

Napuno ng tawanan ang kusina dahil sa mga biro ni Hizaku, and oo isa rin sa ugali niya ang pagiging joker.

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐘|

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now