Ang samutsaring sabi nila, ngumiti ako ng mapait.

"Yes, sana nga hindi ako mawawala sa mag gaganap na pag danak ng dugo, pero mahal ko kayong lahat, kaya magagawa kung isakripisyo ang sarili ko para sa lahat ng white magician, at alam kung sa mga oras na to, maraming katanungan sa isipan nyo." Lahat sila tumango sa sinabi ko, bumuntong hininga ako at tumingin ng seryoso sa kanila.

"Malalaman nyo na lang yan sa oras ng nag gaganap na ang digmaan, makikilala nyo ang tunay na ako, pero sa ngayon hindi na muna maaari." Ang tanging sabi ko na lamang sa kanila.

Pagkatapos nang napag usapan namin ay nag desesyon na kaming bumaba na lamang at mag enjoy. Ang sabi rin ni Hunter ay mamasyal kami bukas, oara daw hindi ko maisip ang problema. Pero kahit ganun hindi ko maiiwasan yon. Hindi ko lang ipinapakita ang ganung side ko sa kanila.

Nahihirapan din ako pero tinitiis ko, dahil hindi ako pwedeng mawala, hanggat di pa nag gaganap ang dapat na mag ganap.

"Ariana sige na payag kana dun kana matulog sa dorm namin." Ang sabi sakin ni Frylah, naka hawak na rin siya sa braso ko habang kinukulit ako.

"Oo na dun na ako matutulog, kaya bitawan mo na nga ako." Inis kung sambit kaya nag tatalon naman siya dahil dun, maging yung iba ay ganun rin ang ginawa.

"Tsk, parang mga sira." Inis kung bigkas dahilan para matawa ang lalaking katabi ko.

Agad akong napakunot noo ng makita, may dalang maliit na bag sina Hushlee galing sa kwarto ko, at sa tingin ko ay damit yun.

"Ayan Ariana, kami na ang kumuha ng damit mo, para hindi kana pumunta dito bukas ng umaga at deretso na tayo sa pamamasyal, sobrang excited na ako." Ang bigkas naman na ni Samantha, kaya natawa naman si Steffany na kasama nila.

"Tsk, halata ngang ikaw pa yong mas excited mag bihis dahil sa dami ng damit na kinuha mo." Irap na sabi ko dahilan para matawa naman ang lalaking nasa harapan namin ni Hunter, nakikinood sila ng tv sa television ko.

"Baka naman gusto mo rin suotin mahal, yang damit ni Ariana." Ang sabi ni Maxwell nang makitang kumuha pa ng isang pares na damit si Frylah sa kwarto.

"Ang ganda kasi, at tiyak babagay yan kay Ariana kaya kinuha ko." Ang masungit na sambit ni Frylah.

Hinayaan kona lamang sila at tumingin na lang sa TV na naka bukas. Excited na rin ako para bukas, dahil bukas ko na rin napag desesyonan na sagutin si Hunter. Ayaw ko nang patagalan ang panliligaw niya, dahil gusto ko rin maranasan ang mag karoon ng boyfriend bago mawala sa mundong ito.

***

ANDITO na nga ako sa dorm ng royalties, ang sabi nga ng mga babaeng royalties na sa sala kaming lahat matulog para daw mag kasama sama, hindi na lang ako umangal dahil na rin isa na rin ito sa babaunin kung alaala.

"Ayts, kumain nga muna kayo." Inis na sambit ni Denver dahil siya ang nag luto kasama si Maxwell.

"Masarap ba luto mo?" Ang sabi ni Samantha, kaya naman nag pogi sign si Denver at sinabing oo. Natawa na lamang ang iba dahil sa inasal nang lalaki.

Pumunta na nga kami sa kusina, at nagulat ako sa dami ng niluto nilang ulam.

"Anong meron, bakit ganito kadami ang niluto nyo?" Ang takang tanong ko, ngumiti lamang sina Hushlee at Nathan, pati na rin ang iba.

"Ganito, lang talaga kami Ariana pag masaya. Isa pa, sobrang saya namin kasi andito ka kasundo namin kaya malamang ganito kami mag prepare." Ang sabi ni Nathan at ngumiti, kaya tumango tango lang ako.

"Wife kain ka pa." Ang sabi ni Hunter at nilagyan ng maraming ulam ang plato ko na, hinayaan kona lamang.

"Ayusin mo nga kuya, parang ginawa mo namang baboy si Ariana dahil sa nilagay mong pagkain niya." Ang sabi ni Frylah dahilan para mapa tingin sakin ang lahat, wala naman akong pakialam kung gaano karami ang kinakain ko, dahil ang mahalaga sakin ay kumain. Tsk kulang pa nga Ei.

"Tama lang naman yun sa kanya, para tumaba naman siya kahit papano." Ang sambit ni Hunter. Hinayaan kona lamang sila at hindi pinansin. Ei nagugutom ako.

"Grabe ka talaga Ariana, ang sexy mo parin kahit kumain ka ng marami huhuhu, naiinggit ako." Ang kunyaring naiiyak na sabi ni Frylah, kaya tumawa naman si Maxwell. Nga pala open relationship na rin sina Frylah at Maxwell, dahil inamin na nila ang relasyon nila.

Noong una, nagalit si Hunter pero dahil pinayuhan ko siya at tumigil naman siya, pero hindi parin daw niya tanggap ang ganun. Ang sabi na lang niya ay ingatan na lang daw ni Maxwell si Frylah.

"Grabe, busog ako." Ang sabi ni Nathan pero hindi parin tumigil sa pagkain at kuha parin ng kuha.

"Umayos ka nga Nathan, andami mo nang nakakain huh?" Taas kilay na sambit ni Hushlee, napakamot naman sa ulo si Nathan at tinapos ang pagkain niya.

Ganun na rin ang ginawa namin, tinapos na rin namin ang pagkain.

"Ikaw ang mag huhugas, dahil ang dami mong kinain." Ang seryosong saad ni Hushlee dito.

"Anong ako? Porket marami akong kinain ako na pag huhugasin nyo. Grabe kayo, hindi man lang kayo na awa." Ang sabi nito, bumuntong hininga ako at saka nag presentang ako na lang ang mag huhugas.

"Ako na lang ang mag huhugas." Seryosong sabi ko at pumunta sa lababo, pumalakpak naman na parang baliw si Nathan.

"Naku, ang bait mo talaga Ariana, thank you." Yayakapin nya sana ako mula sa likuran ng biglang mag apoy ang kamay niya dahilan para mapatakbo siya sa may sala.

"Don't you dare to hug my wife. Tsk." Cold na sabi ni Hunter at lumapit na sakin, tinulungan niya na rin ako sa pag huhugas.

Pagkatapos mag hugas ay nag desisyon ang mga lalaki na manood ng fantasy movie, pero dahil gusto ko nang matulog ay humiga na ako sa nakalatag na higaan sa sala.

Katabi ko si Hunter sa higaan, iwan ko rin kung bakit laging naka dikit sakin ang lalaking to.

"Good night, wife." Ang sabi niya at hinalikan ako sa noo, kanya kanya namang kantyawan ang mga royalties. Hindi kona sila pinansin at saka ipinikit na lamang ang mata.

Excited na rin ako para bukas, dahil mamasyal kami sa lahat ng palasyon, ang sabi ni HM Lance ay, ayus na rin naman daw yun.

Dahil kailangan rin daw naming mag relax, at isa pa sa loob ng isang linggo marami ng pinag bago ang studyanteng ininsayo namin.

Lahat sila nag improve naman, at masaya ako para doon, pero malungkot parin. Ayukong maraming masawi, sa darating na pag labas ng pulang buwan.

Susulitin ko na rin ang isang linggo ko kasama ang royalties, lalo na si Hunter. Yes, I admit. I like him, at sa tingin ko mahal ko na rin siya.

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍|

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now