Pumunta na rin ako sa dorm para kumain at mag pahinga.

"Ayus ka lang ba Ariana?" Ang nag tatakang sabi ni Hizaku.

"I'm okay, mag luluto lang muna ako." Ang sabi ko at saka pumunta na sa kusina.

Pag katapos lumuto ay kumain na rin ako kasabay ni Hizaku. Pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagkain ay may kumatok sa pintuan.

Wala naman akong inaasahan na may bibisita.

Pumunta muna ako sa pintuan para pag buksan ang kumatok pero laking gulat ko ng pag bukas ko pa lang ay nag unahan na pumasok ang royalties sa loob ng dorm ko.

And yes andito ang royalties sa dorm, nakapameywang ko naman siyang tiningnan.

"Anong ginagawa nyo dito?" Ang takang sabi ko, nasa sala sila nakaupo at yung iba naman ay nakahiga, halata sa mukha nila ang pagod.

"Tinanong pa namin si HM Lance kung saan ang dorm mo Ariana, kaya dito muna kami, grabe ang ganda ng ayus ng dorm mo." Ang manghang sabi ni Samantha, napa ismid naman ako dahil dun.

Napatingin naman ako kay Hunter na nakatingin rin pala sakin, pero agad kong iniwas ang tingin sa kanya.

"May pagkain sa kusina kung hindi pa kayo, kumain. Kumain na muna kayo." Walang emosyon kung saad at pumasok sa kwarto ko para maligo.

Masyado na akung pawisan kahit wala naman akung ginawa. Tsk. Pumasok na rin ako sa banyo dala ang tuwalya, para maligo.

Pag katapos maligo ay nag bihis na rin agad. Pero laking gulat ko ng makita ang isang lakaking mahimbing na natutulog sa kama ko.

"What the?!" Inis kung bulong at lumabas sa kwarto pero laking gulat ko ng makitang tulog na rin ang iba pang royalties.

Putcha, ganun ba sila nagpagod? Pumunta ako sa kusina, at nakita kung nag kalat ang pinag kainan nila, kaya napabuntong hininga na lang ako saka inayos ang kalat nila tsk. Parang mga bata hayst.

***

NAGULAT ako ng may yumakap sakin mula sa pag kaka higa ko kaya napamulat ako ng mata, pag katapos ko kasing mag hugas kanina ay naupo ako sa sala para manood ng TV, pero ngayon ay nasa kwarto na ako.

Tumingin naman ako sa yumakap sakin at mas lalo pa akong nagulat ng makitang si Hunter to.

Hindi muna ako gumalaw dahil baka magising siya, minabuti ko munang pag masdan ang mukha niya.

Ang matangos niyang ilong, ang makapal niyang kilay at ang labi niyang sa tingin ko ay masarap halikan.

"Wife alam kung gwapo ako." Bulong niya dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras, pero wrong move dahil nakayakap siya sakin, kaya imbis na makatayo ay nakapatong na ako sa kanya.

"Hunter pwede ba bitawan mo nga ako?" Inis kung sabi pero umiling lamang siya at mas lalo pang hinigpitan ang pag kakayakap sakin, kaya wala akong nagawa kundi ang manatili sa kanyang bisig.

Nakapikit parin siya ng kanyang mga mata, kaya napabuntong hininga na lang ako at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya.

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

RAMDAM ko ang malalim na pag hinga ni Ariana sa dibdib ko, ilang minuto na din kaming ganito ang positions. Sumilip ako sa mukha niya para tingnan ang mukha niya at hindi nga ako nag kamali dahil tulog na siya. Napangiti na lamang ako dahil dun. Ang ganda niya kasi.

Napatingin ako sa pintuan nang bigla yun bumukas, at bumungad sakin ang mukha ng royalties na gulat na gulat ang ekspresyon.

"Anong meron."
"Ayieee bagay na bagay."
"Anong ginagawa nyo?"

Sinamaan ko sila ng tingin dahil baka magising si Ariana dahil sa ingay nila tsk. Agad na rin naman silang umalis kaya, dahan dahan kung inihiga si Ariana sa kama. Mabuti na lang at hindi siya nagising.

Pag katapos ay lumabas na rin naman ako sa kwarto. Ang kaso ay wala na ang royalties mukhang umalis na sila.

Bigla akong napatingin sa isang puno sa isang tabi. Ang ganda ng pag kakatanim, at may mga bunga din. Lumapit ako dun para pumitas at kainin.

Masarap naman ang bunga niya, at sobrang nakakabusog.

Kumain kasi ako ng mga tatlong bunga. Pag katapos ay pumunta muna ako sa kusina para mag luto, para kay Ariana.

Nag luto lamang ako ng gulay at saka gumawa na rin ako ng sandwich. Lumabas rin ako sa dorm niya para bumili ng ice cream at chocolate. Pero hindi ko nakalimutan ang bulaklak para sa kanya.

Pag balik ko sa dorm ay tulog parin siya, mukhang napasarap ata ang tulog niya. Gusto kung sulitin ang araw na ito, dahil baka maging busy na kami sa pag insayo ng mga studyante.

Baka hindi ko na makausap ang wifey ko.

"Wife, gising na." Marahan ko siyang hinaplos sa mukha. Para sakin hindi nakakasawang tignan ang mukha niya. Sobrang ganda niya kasi.

"B-bakit?" Utal niyang sambit habang pumipikit pikit pa.

"Kumain kana." Hindi niya ako sinagot at pumasok sa banyo para mag hilamos.

"Hindi pa naman gabi huh? Bakit ang aga naman ata ng pagkain na yan?" Takang sabi niya ng makita ang pagkain sa mesa.

"Meron pa." Ang sabi ko at kinuha ang binili kung bulaklak at chocolate.

"Tsk, corny mo." Ang sabi niya at nag iwas ng tingin pero kita ko parin ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ayus lang yon Ariana, ang mahalaga naman mahal kita." Hindi niya ako pinansin at nilantakan ang pagkain sa mesa. Tinitingnan ko lamang siya habang kumakain.

"Bakit nakatingin ka lang dyan? Hindi ka kakain?" Mataray niyang sambit dahilan para matawa ako.

"Subuan mo ako." Ang nakangisi kung sabi, napaubo naman siya kaya nag aalala ko siyang binigyan ng tubig.

"Kumain kana lang dyan kung ayaw mong bastedin kita." Ang seryosong aniya, at dahil ayuko naman na bastedin niya ako ay sinunod ko na lamang siya.

Matapos kumain ay ako na rin ang nag hugas habang siya ay nasa sala nanonood ng horror movie. Pero mukhang bored siya at hindi man lang natitinag sa nakakatakot na scenes ng movie.

"Hindi ka ba natatakot?" Ang takang sambit ko.

"Wala namang nakakatakot. Isa pa mas nakakatakot mawala ang taong mahal mo." Ang sabi niya kaya kumonot ang noo ko dahil ang seryoso niya kasi.

"May problema ba?" Bumuntong hininga siya at umiling.

"May na alala lang ako." Ang malumanay niyang sabi, at dahil ayaw kong mag tanong pa ay niyakap kona lamang siya.

Halatang nagulat siya dahil hindi agad siya naka galaw.

"Don't worry, hindi naman ako mawawala." Ang sabi ko naman para pakalmahin siya, pero isang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya.

"Marahil nga hindi ka mawawala at sana nga ganun nga." Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin ay nanahimik na lamang ako.

Alam kung may pinag dadaanan lamang siyang problema, at gusto kung maramdaman niya na andito lang ako palagi sa tabi niya.

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐈𝐗|

The Long Lost PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang