***

PAG KATAPOS naming bumili ng lahat ng kailangan bilhin ay umuwi na din naman agad kami.

"Hindi man lang tayo naka kain dun." Ang reklamong saad ni Hizaku dahil nagugutom na daw sya.

"Mag take out na lang ako sa cafeteria." Ang seryoso ko namang saad at saka dumeretso na sa dorm, inilagay ko na ang mga binili namin sa sala at muli nag lakad ako para bumili ng pagkain. Pero bago yun ay nag suot ulit ako ng salamin sa mata dahil nasa Academy na ako, mahirap na baka kung sino pang makakilala sakin.

Pumila na agad ako para naman maka kain na din kami ang kaso may biglang umipal.

"Pwede ba, ako na muna ang mauna dahil prinsesa naman ako." Ang mataray na sabi ni peke, and yes si peke lang naman yung bida bida sa cafeteria, mukhang hindi niya din ako nakita kasi nasa pinaka huli ako.

"Ano, hindi ba kayo mag bibigay sakin ng bakanteng pila." Taas kilay niyang aniya sa mga studyante kaya naman nag atrasan ang lahat, inis naman akong nag teleport sa unahan.

"Ako ang nauna dito, umalis ka nga!" Inis niyang sigaw sa likuran kaya seryoso ko siyang tiningnan.

"Matuto kang sumunod sa patakaran, akala ko ba royalties ka? Bakit di ka marunong umintindi ng tama?" Cold kung sabi dahilan para tumaas ang kilay niya.

"Yes, royalties nga ako kaya masusunod ako dito." Hindi ko siya pinansin at tinawanan lang kaya inis niyang hinablot ang buhok ko.

Dahil na rin sa inis ko ay pinag yelo ko ang paa niya. Pero nagulat din ako ng bigla siyang mag palabas ng poison.

Poison ang kapangyarihan niya, at may halong itim na usok. Hindi ako nag kamali na may dark power nga siya.

"So, darkians ka?" Sinadya kung lakasan ang boses ko para marinig nang ibang studyante ang sinabi ko.

"W-what? Hindi ako darkians, how dare you!?!" Inirapan ko siya at nag order na nang pagkain.

"Kita pa lang sa power's mo, you have a dark power's." Kita kung namutla siya dahil sa sinabi ko. Hindi din siya maka alis sa kinatatayuan niya dahil na din sa naka yelo ang paa niya.

"Pwede ba, pakawalan mo na nga ako." Inis niyang sigaw pero hindi ko siya pinansin sa halip ay nag lakad na ako palabas ng cafeteria.

"Arrggghh may babayad kang walang hiyang babae ka." Sigaw niya pa pero hindi ko na siya pinansin pa at nag patuloy na lamang sa pag lalakad.

Pag dating ko sa dorm ay nag simula na din naman agad kaming kumain ni Hizaku, at pag katapos ay nanood na lang ng T.V para malibang kahit papano.

"Excited ka na ba sa ball party?" Ang sabi ni Hizaku dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Tsk, I'm not excited." Pero dahil sa plano ko ay magiging excited na din naman yon, at sisiguruhin kung hindi na makakatakas pa ang babaeng yon.

"Wag ka ngang mag smile Ariana, ang creepy naman ng smile mo." Inirapan ko lang si Hizaku dahil sa sinabi nito.

"Matutulog na lang ako." Sambit ko dito at pumasok na lamang sa loob ng kwarto at nahiga.

***
IT'S ALREADY 7:00 in the morning at mukhang napahaba ang tulog ko dahil tinanghali ako ng gising, agad na akong nag tungo sa banyo at naligo na din agad.

Lumabas na rin naman agad ako sa kwarto para mag luto ng almusal.

"Lumabas ako kanina." Agad akong napatingin kay Hizaku nang sabihin niya yun kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Bakit?" Taas kilay kung saad dito.

"Nag lakad lakad lang naman ako, at isa pa hindi naman nila ako nakita dahil naka invisible ako." Ang sabi niya kaya hinayaan ko na lamang.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now