"Babe, ang sama kasi ng babaeng yan, ipinapahiya nya ako." Ang sabi ni Moreen at mangiyak ngiyak na humawak sa braso ni Hunter tsk.

"I saw you, so don't lie Moreen." Ang seryosong sabi ni Hunter kaya naman napayuko si Moreen at tiningnan ulit ako ng masama.

"Ariana!!!" Ang sigaw nang kung sino kaya napatingin ako dito.

"Bakit?" Tanong ko kay Frylah, ngumiti ito sakin at saka hinawakan ang kamay ko.

"Kumain kana ba? Sabay kana samin." Ang sabi nito pero umiling lang ako.

"Tapos na ako." Ang sabi ko at saka iniwan na sila doon.

Pumunta ako sa garden at doon naupo muna.

'Kamusta na kaya sa mortal world?'

I said in my mind and then I sigh.

"Are you okay?" Ang sabi ni Tyrone na hindi ko alam ay sumunod pala sakin.

"Yeah." Ang tipid kong sagot sa kanya at saka tumingin sa langit. I miss my mommy so much. Sana dumating yung araw na matagpuan ko na ang totoong family ko.

"Bakit ka pala sumunod sakin?" Ang sabi ko sa kanya.

"I don't know, pero gusto ko lang talaga." Ang sabi niya at tumingin sakin kaya napatingin din ako dito.

"Gusto mo bang mag lakad lakad?" Alok sakin nito kaya tumango ako sa kanya.

Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako at saka sumabay sa paglalakad niya.

"Eyy!!!" Napatingin kaming pareho ni Tyrone sa sumigaw.

"Sama naman kami."
"Oo nga? Baka mag da-date kayo?"
"Ayieee anong meron sa inyo?"

Ang sabay sabay nilang sabi, kung nag tatanong kayo kung sino sila. Ang mga royalties lang naman.

"Saan kayo pupunta?" Ang tanong sakin ni Hunter, pero nag kibit balikat lang ako.

"Ililibot ko lang si Ariana sa academy, mukhang hindi niya pa napupuntahan ang ibang lugar dito." Ang sabi ni Tyrone sa kanila.

"Bakit kayo lang dalawa? Ei siguro mag da-date talaga kayo?" Ang sabi ni Frylah kaya napa ismid ako.

Hindi ko na lamang sila pinansin at saka nauna nang maglakad, sumunod naman sila sakin.

"Saan ka palang nakakapunta Ariana?" Ang sabi Hushlee sakin.

"Actually dalawang garden pa lang napupuntahan ko dito, syempre yung HM office at yung classroom at saka cafeteria." Ang sabi ko sa kanila.

"Awuuun punta tayong giant leaf." Ang sabi ni Samantha at saka tumalon talon pa.

"Hindi naman ikaw yung dapat mag desisyon si Ariana lang naman, sasama lang naman tayo sa kanila." Ang sabi ni Denver.

"Ei pareho din lang naman yon." Ang sabi ni Samantha at saka nag puppy eyes sakin, tsk.

"Bakit hindi na lang kayo nag pahinga?" Ang tanong ni Tyrone sa mga ito at saka tumingin kay Steffany, kaya napatingin din ako dito. Hindi kasi siya nag sasalita at pangiti-ngiti lang.

"Si Ariana nga ang dapat nag papahinga ngayon pero ito, kasama mo mag lilibot." Ang kantyaw naman ni Frylah, hinayaan kona lang silang mag daldalan, tumingin tingin na lang ako sa paligid.

"Wala na bang masakit sayo?" Ang sabi ni Hunter na hindi ko namalayaan na kasabay kona palang mag lakad.

"Yeah I'm okay." Tipid kong sagot dito.

"Bakit hindi kana lang nag pahinga." Ang sabi ulit nito sakin.

"Ayuko, isa pa pwede naman mamayang gabi na lang." Ang sabi ko kaya tumango tango sila.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now