Biglang dumating si HM Lance kaya naman tumingin ako dito ng seryoso.

"Ready na ba kayo?" Ang sabi ni HM at saka tumingin saming lahat, napakunot ang noo niya ng mapatingin kay Ariana, kaya naman napatingin din ako dito.

"Anong ginagawa mo Ariana." Ang sabi ni HM Lance.

"Bakit ka natutulog ka jan Ariana? Hindi pa naman gabi." Ang sabi ni Nathan.

"Hindi ako natutulog." Ang sabi ni Ariana at saka sinamaan ng tingin si Nathan.

"Sige na mag ready na kayo, ilang sigundo na lang bubukas na ang portal." Ang sabi ni HM kaya naman tumango na lang kaming lahat.

Bumukas nga ang portal kaya nauna silang pumasok.

"Mauna kana." Ang seryosong sabi ni Ariana sakin, kami na lang na dalawa ang naiwan.

"Mauna kana, tsk." Ang sabi ko at saka tumingin din sa kanya ng cold, umirap naman siya sa hangin at saka pumasok sa portal, kaya pumasok na din ako.

Hindi ko alam pag labas ko ng portal isang madilim na paligid agad ang bumungad sakin.

"What the f*ck is this?" Bulong nang kung sino kaya napatingin ako dito.

Nagulat ako ng makita kong si Ariana ang kasama ko at saka tumitingin din sa bawat sulok ng gubat, ang dilim kasi ng gubat parang haunted.

"Nasaan ang ibang royalties?" Ang tanong ko sa kanya na hindi niya naman pinansin.

"Arrrrgh helllp me huhu." Ang sabi ni Hushlee at tila takot na takot na tumakbo papunta sa kinaruruunan namin.

Yung iba naman ay lumapit na rin samin.

"Ano ba namang klaseng lugar to, bakit ganito." Ang sabi ni Samantha, wala naman pumansin sa kanya kaya nag simula na kaming mag lakad, bali nasa unahan kami ni Ariana.

"We need to be alert." Ang sabi ko at saka tumingin sa ibang kasamahan namin.

Ang gubat ay maraming malalagong damo, mukhang hindi na rin dito nasisikatan ng araw dahil sobrang dilim na agad dahil sa malalaking puno at halos ang mga dahon nito ang tumatakip para di masinagan ng araw ang gubat.

Biglang nag labas si Ariana ng espada kaya naman naging alerto na rin ang iba

"B-bakit?" Kinakabahang sabi ni Hushlee at lumapit kay Ariana.

"Mukhang may ibang kasama tayo dito, nararamdaman ko ang aura nila." Ang sabi ni Ariana at seryosong nag masid sa paligid.

Biglang nag labasan sa paligid ang malalaking uso. Ang mga mata nila ay kulay pula, pero nakatingin lamang sila kay Ariana at nakita ko rin kung paano tumulo ang luha sa mga mata nila.

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

"TULUNGAN nyo po kami princess Crystaliah." Ang sabi ng isang uso, nababasa ko ang kanilang mga isip, nakatingin lamang sila sakin habang nag mamakaawa.

"Bakit?" Ang seryosong sabi ko saking isip, alam kong alam rin nila ang ibig kong sabihin.

"Ang mga darkians ang komokontrol samin para makipaglaban at manakot sa ibang magician, hindi namin gusto ang kanilang pinapagawa." Ang sabi ng isang uso.

"Ikaw ng bahala Hunter sa isang yan, ako nang bahala sa Isa." Ang sabi ni Tyrone kaya pareho ko silang pinigil.

"Iwan nyo na lang sakin ang labang ito?" Ang seryoso kong sabi sa kanila.

"Are you crazy, feeling hero ka kasi." Ang sabi ni Steffany na hindi ko na lamang pinansin.

"Ariana, mapanganib sila." Ang sabi ni Hunter.

The Long Lost PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora